__________________________________________________________________________________________________________________
Sineryoso talaga ni Alexis ang sinabi nitong manliligaw siya. Hinayaan ko nalang. Magsasawa din iyon. Medyo balisa pa din siya dahil sa masamang panaginip na mahanap kagabi. Akala niya tuluyan na siyang nakalimot sa masamang bangungot na iyon pero hindi pa pala.
Ang masalimuot na pangyayaring iyon sa buhay niya ang pilit niyang kinukubli. Pinipilit niya talagang makalimutan na iyon. Pero nung pagkagising niya ay doon niya na realize na healing takes time, it doesn't matter kung ilang taon na Ang lumipas.
Healing takes time, hindi diyan applicable ang mga gamot. May tamang oras at panahon para maghilom yang sugat mo na natamo. it doesn't matter if matagal na yun or ngayon palang, just go with the flow. Huwag mong madaliin 'yan hindi 'yan basta basta lang madaming stages ka pang pagdadaanan. We shouldn't rush it. Huwag mong pilitin at i-gaslight ang sarili mo na totally healed kana.
If alam mo sa sarili mong hindi pa, then admit it. Pero tulungan mo ang sarili mo din na maghilom, forgive, conquer your fear, and focus ka lang sa kung anong meron ka ngayon.
We heal in the right time honey, but if hindi pa sa ngayon just focus muna on yourself.
Kahit masama ang pakiramdam ay pumasok pa rin siya. Wala siyang choice. Examination day ngayon. Actually after lunch pa naman ang examination nila. At walang pasok ang umaga klase nila, para daw makapa-review pa. Pero alas-siyete na ay patungo na siyang school. Sasabayan niya mag-review sina Alexis, babayaran naman daw siya kaya okay lang.
Malayo pa lang ay tanaw na tanaw na niya si Alexis, nakaupo ito sa katabi ng isang estrangherong lalake. Pati si Aices nan'dito rin. Classmate niya din iyong lalaki pero hindi niya alam ang pangalan nito.
"Ang tagal mo girl." Bungad sakanya ni Aices.
"Hindi lang kayo ang trabaho ko!" Singhal niya dito.
"Okay ka lang?" Malambing na tanong ni Alexis.
"H-Huh? O-Oo." Pagpanggap niya. May lagnat kasi siya dala ata ng kaniyang masamang panaginip.
"Namumula ang mata mo."
"Huwag mo nalang pansinin, puyat lang ako." Iniwas niya ang kaniyang noo nang akmang ilalapat ni Alexis ang palad niya sa noo ko. "Mag start na tayo."
"By the way si Dexter pala." Pakilala ni Aices, iba din ang kislap ng mata ni Gaga. Ang harot talaga Aices.
Pinagmasdan niya si Dexter. Guwapo ito, Moreno at malaki ang pangangatawan. May katangusan ang ilong nito na bumabagay sa mata nitong tila inaantok na kulay tsokolate. Ang labi nito ay may kanipisan na akala mo ay babae. Ang kilay at pilik mata nito ay sakto lang ang kapal at haba. Idagdag mo pa ang–
Napatingin siya kay Alexis, nang biglang takpan nito ang mata niya gamit ang malaki at malapad nitong palad.
"Ano?" Naiirita niyang tanong.
"Nagchi-cheat ka, tumitingin ka pa sa iba." Ngumuso pa ang gagó.
"Aba't–"
"Maupo kana, dito sa tabi ko o saakin mismo. Mamili ka," ngising utos nito. Tanginá niya talaga.
Naupo na nga siya para matapos na ang pag-iinarte ni Alexis. God, mas lalo lang akong inuubo sa kaartehan niya.
"Anong subject ba ang hindi niyo naiintindihan?"
"Precalculus." Sabay na sambit ni Aices at Dexter.
"Ikaw Alexis?" tanong ko.
Ngumisi ito. "Nagreview na ako kagabi, pero sige precalculus nalang."
Tumango siya at kinuha ang notes sa Precalculus. Medyo may kahirapan talaga ang Precal mas lalo kung hindi mo alam ang formula.
"Ganito, magtatanong ako tapos sagutin niyo." Agad naman sumangayon ang tatlo.
"What conic section being represented by the track and field oval?"
"Ellipse." sabay na sagot ni Alexis at Dexter.
"False?" sagot ni Aices. Tanginá talaga.
"In the standard equation, what ellipse if the x-part has the bigger denominator?"
"Vertical." sagot ni Aices at Dexter.
"Horizontal." ngising sagot ni Alexis na ikinatango ko.
"What is the point of intersection of the line perpendicular to the directrix which passes through the focus cuts the ellipse?"
"Directrix?" patanong na sagot ni Alexis.
Umiling ako.
"Vertex?"
"Focus?"
"No, axis of symmetry." sagot ko. "What is the line segment that connects the vertices has a length equal to 2a?"
"Transverse axis." sagot nilang tatlo.
"What is the line segment that connects the co-vertices and has length equal to 2b?"
"Conjugate axis." napapalakpak pa si Aices.
"Which denotes a sum?"
"Series." proud pa na sagot ni Aices.
"Sigma notation." sagot naman ni Alexis at Dexter.
Tumango ako.
"Ang hirap niyo namang sabayan. Sabi na e, dibdib lang talaga ang maipagmamalaki ko." reklamo ni Aices.
"How many terms are there in an arithmetic sequence with first term 5, common difference -3, and last term -76?"
"Positive 56."
"Which refers to the distance of each vertex from the center?"
"A."
-----------------------------------------------------------
YOU ARE READING
UNO: Proyecto De Veinticinco Días
RomansaUNO: BOYS LOVER R18+ Dedicated to: John Alexis Cabanayan. Merry Christmas and Happy New Year, love.