__________________________________________________________________________________________________________________
"Gusto mo ba kumain muna tayo bago pumunta sa bahay?" tanong ni Alexis. Alas-singko na at tapos na ang first schedule ng examination nila. Magrereview naman sila ni Alexis sa bahay nito.
Tipid lang akong umiling. Masakit kasi ang ulo niya at inuubo na rin siya.
"Okay ka lang?"
Tumango siya bilang sagot.
"Galit ka?" nag-aalalang tanong nito.
Natawa siya. " Bakit naman ako magagalit?"
"Hindi ka kasi nagsasalita."
"Masama kasi ang pakiramdam ko." pag-amin ko.
"Uminom ka na bang gamot?"
"Allergy ako sa gamot."
Napatango-tango ito. "Saan mo gustong pumuwesto sa kotse?"
"Kahit anong puwesto, kung saan ka kuntento. Yung titig ko sa'yo, diretso lang habang binabáyo." Bulong niya.
"Ha?"
"Wala,kako diyan nalang sa unahan para naman hindi ka magmukha na driver." tipid din lang itong ngumiti.
Tahimik lang sila habang nasa biyahe. Sobrang sakit talaga ng ulo niya. Parang kailangan na niyang asawa at magsesex sila para maging pain killer. Char, hirap naman ikalma ang kiffy.
Nagulat siya nang huminto sila sa wet market. Nagtataka niyang binalingan si Alexis. Kasalukuyan nitong kinakalas ang seatbelt niya.
"May bibilhin ka?"
"Obviously." Masungit na sagot nito.
"Ano?"
"Basta, huwag ka nang lumabas. Hindi maganda ang amoy sa loob ng market. Mahihilo ka lang doon, hintayin mo nalang ako dito." Tumango siya, wala naman siyang balak sumama.
Naupo nalang siya dito. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng kotse. Nakaka-inggit ang ibang kabataan ngayon. May mamahaling gadget, damit, sasakyan. Pero hindi naman niya masisisi ito, pinaghirapan naman nila iyon.
Totoo nga ba na ibang-iba na ang mga kabataan ngayon sa kabataan noon? Sa henerasyon ito ay may mga kabataan pa rin ngayon na masunurin, may kabataan naman na sutil. Nag-iba ang mga pananaw sa bagay-bagay naging insensitive, bastos, proud pa na patapon ang ugali.
Ika nga ng isang famous Greek philosopher na si Plato. "The children now love luxury; they have bad manners, contempt for authority; they show disrespect for elders and love chatter in place of exercise. Children are now tyrants, not the servants of their households. They no longer rise when elders enter the room. They contradict their parents, chatter before company, gobble up dainties at the table, cross their legs, and tyrannize their teachers."
Ungot yan ni Plato. Halos wala namang pinagkaiba ang kabataan noong 420bc sa kabataan ngayon, pareho pa rin ang concern nila tungkol sa pagrerebelde ng mga kabataan. Tumaas ang kaso ng premarital sex. Kumalat na din ang mga sex videos sa social media, at kahit bata ay nakakapanood na nito. Marami ba rin ang mag-asawa na hindi pa kasali ngunit nagsasama na.
Pero naitanong niyo ba sa mga sarili niyo na kung saan at ano ang cause nito? Isa na dito ang broken family o dysfunctional family, epekto nito ay lumalaki ang mga bata na walang f
gabay o disiplina ng magulang. Pangalawa, social media. Hindi natin maipagkakaila na parte na ng ating buhay ang teknolohiya. Pero may hatid din itong masamang epekto saatin. Maraming kabataan ang nakakasaksing ipinagbabawal tulad ng porn, brutal murder, violence, bullying and etcetera.
YOU ARE READING
UNO: Proyecto De Veinticinco Días
RomanceUNO: BOYS LOVER R18+ Dedicated to: John Alexis Cabanayan. Merry Christmas and Happy New Year, love.