CHAPTER FOUR

51 11 2
                                    

__________________________________________________________________________________________________________________


     Nakaupo lang siya sa isang silya habang pinagmamasdan ang kanyang mga kamag-aral. Ang iba dito ay nagkukumahog na gawin ang kulang nilang school works sa iba't ibang asignatura. Ang mga lalaki ay nasa hulihan at may pinagkukumpulan. One word describing sa classroom nila ay fucked. Grabe ganito pala ang senior high, how much more if college na sila?

Nakaka-miss din minsan bumalik sa pagkabata ano? Ang gandang balikan ang masasayang alaala na iyon. Yung mga panahon na hindi ka pa stress at walang inaalala na mga problema. Walang deadline na kailangan habulin, walang stress na makakasalubong bunga ng mga iba't ibang responsibilidad at gawain.

"Guys, huhuhu! May nang body shame saakin." Naghihisterikal na wika ni Chien.

"what, sino?" Tanong ng class president namin.

"Galing siya sa HUMSS." Nagpunas pa itong Peking luha.

"Ano sabi ba sa'yo?"

"Matambok daw kipay ko." Bumulalas pa itong tawa. Jusko, putangina talaga.

Nakitawa na rin ako sa kalokohan nila pero nahinto ito dahil napansin ko ang pagiging tahimik ni Alexis. What happen to him? Naka-pokus lang ito sa librong binabasa niya, nakakunot ang noo, nakasumping ang malalagong kilay habang kinakagat-kagat ang ulo ng kaniyang ballpen. Ang guwapo talaga niyo kaya sana naman iayon sana sa hitsura niya ang ugali nito. Gusto niya sana itong lapitan pero napigilan siya ni Aices.

Isa si Aices sa malapit niyang kaibigan dito sa classroom nila. Maganda ito, siya nga ang muse namin dito e. Naging malapit niya itong kaibigan dahil palagi niya itong ka-grupo sa mga groupings.

"Hindi pa rin ba nagpaparamdam?"

"Ha?" Naguguluhan na balik tanong niya dito.

Ngumisi ito. "Si anek."

"A-Ah, hindi pa nga e." She's referring to Zachary, yung kausap niya sa Facebook. Halos mag-iisang linggo na kasi itong hindi nagpaparamdam sakanya. Ang sabi nito ay magta-transfer daw utong school. Pero biglang walang paramdam na. Kaya ang hirap magkagusto sa rp'ier e.

"Hanapin mo na kaya real account niya." Suhestiyon ni Aices, really? How?

"Pa'no?"

"Ay oo nga pala role player. Hindi mo ba alam real face niya?"

"Hindi. Kasi hindi naman siya nagri-reveal. Basta ang palatandaan ko lang ang necklace niyang silver at may cross pendant."

"Wala na, ghinost kana 'teh." Ewan ko ba, bakit kaya maraming tao ang mahilig mang-ghost o mang-iwan sa ere. Hindi ba sila aware na sobrang sakit nito? Yung bigla-bigla ka niyang dadalhin sa alapaap gamit ang matatamis niyang salita tapos bigla kang iiwan gamit ang nagyeyelong treatment nito or worst bigla ka niyang iiwan without any utter words. Mga ulupong na walang magawa sa buhay.

"Teh, may bagong student daw ang ABM ngayon."

"Transferry?" Walang kuwentang tanong ko.

"Malamang bago nga e."

"Weh? Ano name?"

"Hoy, can you please respect his privacy? Jevid Humphrey De Leon, 17 years old, bagong lipat dito sa Naga City dating taga Mindanao, may tatlong kapatid, basketball player at daks." Sagot nito. Luh, gago.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bag, then sinearch ang pangalan nito. What the fuck, ang pogi. Thank to him, naka-public siya. Napatingin ako sa friend list nito. Mutual friend lang ang makikita mo, Aices Marey De Rosales lang ang mutual friends nito. Ang bilis talaga ni bruha basta pogi.

"Hoy bakla, ano itong comment mo sa profile niya?"

"Totoo naman."

"Gago, bakla ka!"

"Para-paraan lang yan teh."

"Madaling paraan pero ganito te? paawat ka naman." Nalukot ang mukha ko, God, ako ang nahihiya sakanya.

"Maganda naman ako, pero hindi sapat ang ganda bes. Dapat may gawin ka rin."

Bilib din talaga ako sa paniniwala nito. Pero parang nasobrahan na din te.

"Babae ka te."

"So, pagbabae ba bawal mag first move? Gusto ko siya kaya magpapapansin ako. Saka comment lang naman yan, walang masama diyan."

Pumalakpak ako. "Walang masama sa ‘ay napindot ng kifay ko’"

Bumulalas itong tawa. Ang lakas talaga ng sapak nito sa utak e. Wala talagang nilikha ang Diyos na perpekto. Lahat may sabit o diperensiya.

"Pero aminin mo ang pogi niya."

"Oo pero mukhang he's not into homosexual relationship e."

"Malay natin di ba, huwag magsalita ng tapos."

Natig ang tawanan nila nang biglang ibinagsak  ni Alexis ang makapal na libro sa desk niya. Gulat na may halong inis siyang tumingin sa direksiyon ni Alexis. Tumingala ako dito. Ang immature talaga niyo.

"Problema mo?"

UNO: Proyecto De Veinticinco DíasWhere stories live. Discover now