CHAPTER THREE

57 12 0
                                    

__________________________________________________________________________________________________________________


      NANG maramdaman at mapansing niyang wala na o bihira nalang ang bumibili. Ay he quickly grab his phone. Ito ang takas niya sa magulong mundo. Wala naman siyang kaibigan, ang pamilya niya naman ay halos walang pake sakanya. Kaya sa social media ang naging takbuhan niya, his comfort place.

Napangiti siya nang bumungad ang message ni Zach. Zachary Kai, role player ito,pati narin siya rp rin ang gamit ngunit ang pagkakaiba niya lang kay Zach, i already revealed my official photo. Semi-RA kumbaga. Pero ito hindi. Nakilala niya ito nang magpost siya about sa "he needs human diary" tapos nag-comment ito,

"Can I?" Komento nito.

I reacted 'care emoji' at nag-reply. "Sure"

May reply pa ito ngunit hindi na niya binasa. Noong una akala niya hanggang doon na lang. Pero he didn't expect na magcha-chat talaga ito sakanya. Casual talk lang ang pakikitungo niya dito tapos habang tumatagal gumagaan ang loob niya. The truth is mabilis siyang ma-attach, kausapin lang siyang isang linggo e, crush na niya. But, iba si Zach. He's straight. And alam niya naman na bisexual ako, he let me express my own self, he let me be maldito, clingy, caring, overreacted, and at the same time ma-attitude. Lahat na atang ugali ko ay kabisado na niya.

Hanggang isang araw nag story itong dalawang videos niya sa facebook. Sumasayaw ito at may takip ang mukha but ang katawan nito ay exposed na exposed. Wala ni isang damit! Normal lang naman ang katawan niya. Hindi mataba, hindi rin kapayatan. May abs pa, pero walang biceps.

Ewan ko ba, standard niya sa lalaki ay masculine guy. Yung may eight pack abs, may biceps, tapos well-shaped ang panga yung mga daddy vibes ba. Like male's adult magazine. Pero dito nauulol ako. Paulit-ulit ko iyong binu-view kasi ang attractive niya. Damn! Ang lambot din ng katawan niya. Kuya, pa-headlock po please. Char! I wonder if anong feeling na makulong sa mga bisig niya? Gosh, ang landi niya talaga. Doon ako nagsimulang magka-crush sakanya pero hindi ko sinabi sakanya. Wala ayaw ko, ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

Umabot narin sa mga time na tinatag ko siya or mini-mention. Low-key flexing kumbaga. Not until one of my girl facebook friends chatted me. Nagtatanong siya about kay Zach. Nairita talaga ako 'non, like ang weird, parang nagseselos ako. Dapat saakin lang iyan ate, tumigil ka! Ipagko-collab ko kayo ni Barney. Pero hindi ko iyon sinabi. She messaged me na.

"Ang guwapo ni Zach." Excuse me? Naka Spiderman filter iyon beh, may takip ang mukha. Ano nasa katawan ang mukha ni Zach?

"Crush mo? Yieeeee." Labas sa ilong na reply ko. Oh my God, ang plastic mo Aaron.

"Hindi pa ina-accept ang friend request ko." Boom, deserve mo 'yan bakla.

"Pasabi, pa notice chat ko." Ay wow. Kapal. Yes sobra. Ako pa ang inutusan? Really?

"Sige."

And I automatically messaged Kai. Tangina nagseselos ako, sinend ko sakanya ang convo namin through screen shots. And nagulat ako sa response niya.

"Nagseselos ka?" What? Halata ba sa chat ko? Oh God mag hunos dili ka Aaron. Ilugar ang kalandian ante.

"Kapal mo."

Agad naman nitong binawi ang hirit.







"GINAGAWA mo 'te?" Bumalik ako sa katinuan nang lumapit ang ka-trabaho ko.

"Ah, wala. Nagpapalipas oras sa facebook." Sabi ko at saka binalingan ang chat ni Zach. Kinakamusta niya ang araw ko. I already confessed to him and the feeling is mutual. Pinayagan niya din akong ligawan ko siya. Pero I don't have any idea kung paano ligawan ang isang straight.

"Pag bilhan mo muna nga iyan Aaron, kukuha lang akong kape."

"Sige ate."

Nagulat ako dahil si Alexis ay nan'dito. Anong ginagawa niya dito, sa ganitong oras? Naka-plaster sa mga mukha nito ang mapang-asar na ngiti. Kumukinang ang pierce nito sa kaliwang tainga. Guwapo ito, moreno, matangos ang ilong, and had a pinkish lips. May hubog din ang katawan nito. Pero iyon nga lang ang arogante at homophobic.

"So dito ka pala nagtatrabaho ha?" Obvious ba? Halata naman, nagtatanong pa.

"Hindi, kinulong ako dito." Pamimilosopo ko.

"Asus, halata naman."

"E, bakit ka pa nagtatanong?"

"Sungit. Ki aga-aga."

"Speaking of. Bakit ang aga mo ha?"

Nakita kong nawala saglit ang ngisi nito. Oh my God! Did I say something wrong? Pero kalaunan naman ay ngumisi ulit ito.

"Pakealam mo ba?"

"Tsk. Bakit ka nan'dito?"

"I want you, be my tutor."

"Turo saan?"

"Sa school lesson natin."

"Oh, nag-aaral ka pala." Umakto akong nagulat. Though totoo naman.

"Ang daming comments. Tutulungan mo ba ako o hindi?"

"How much?"

"Ikaw?"

"Two, per week with snacks & lunch."

"Abusado ah."

"O, sige makakaalis kana."

"Oo na."

Actually wala naman siyang balak magpa-bayad. Maliit na bagay lang naman iyon. Naniniwala kasi siya, if you learn, you should teach. Kung kaya mo naman tumulong ka. Kasi balang araw malaki ang magiging papel ng mga kabataan dito sa mundo. Kaya ngayon palang dapat mahubog na  sila nang buong husay.












     MAAGA siyang nagising kahit alas-tres na siya nakauwi. Napapatanong siya, katulad ng commercial sa TV. Para kanino ka bumabangon? Natawa siya, sa bayarin at sa problema. Kidding aside, bumabangon siya para sa sarili. We should prioritize and love ourselves. Siguraduhin natin na habang tayo ay lumalaban sa hamon ng buhay, siguraduhin mo na buo ka pa rin.

Make sure na ang karapatan mo bilang tao o dignidad mo bilang indibidwal ay hindi naglalaho. Yes, araw-araw iba't ibang pagsubok ang dumadating at kinakaharap natin. Pero kailangan din natin iyan, admit it. Minsan dahil sa pagsubok lumalakas tayo mas natututunan pa natin kung paano umikot ang mundo. Sometimes struggle is a best way to know yourself and what you are capable of.

Hindi lahat ng tao ay nakakayanan ang pagsubok sa buhay. Ang iba dito ay sumusuko at mas pinipiling nalang nila na kitiliin ang sarili nilang buhay. And they think na death is the best solution to their problems, where in fact pinalala lang nila, tinakbuhan lang nila. Minsan kailangan din natin harapin ang mga pagsubok sa buhay. Maniwala ka sa sarili mo, at sa Panginoon.

May nabasa akong isang post sa facebook na,

"If God is the best author, why is my life so bad?"

He is just testing your faith. Remember a story is not a story without a climax. Kapag naramdaman mo na nasa laylayan kana, pinapaganda niya lang ang istorya. Always remember kahit ilang bagyo ang sagupain mo, kahit ilang lindol ang maranasan mo. Kapag ikaw ang bida, sa bandang huli nasa iyo pa rin ang korona.







-----------------------------------------------------------

UNO: Proyecto De Veinticinco DíasWhere stories live. Discover now