__________________________________________________________________________________________________________________
Payapa ang paligid. Hindi masakit ang sinag ng araw sapagkat papalubog na ang araw. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Iniwan niya muna sa kuwarto si Alexis, tulog na tulog ito. Napuyat ata sa kakabantay sakanya noong nilalagnat siya at ngayon lang bunawi ng tulog.
Dumiretso siya sa likod bahay, parang maganda kasing manood ng papalubog na araw. At mag-unwind na rin.
Pero nagulat siya nang makita niya roon ang Lola ni Alexis. Nakaupo ito sa upuan; upuang gawa sa biniyak na kawayan at nilagyang barnis. Nakatalikod ito sakanya at nakaharap sa araw na ngayo'y papalubog na.
Nakaputing bistida ito at naka-tsinelas na parang gawa sa abaka. Ang lakas-lakas pa nito. Eighty years old na raw ito sabi ni Alexis pero sobrang lakas pa. Payat ito ngunit hindi maputla kung titingnan, hindi rin kulubot ang balat nito katulad ng mga nasasaksihan niya sa mga matatanda sa kanilang lugar. Halatang alagang-alaga talaga ito. Nag-disesyon siyang lumapit na dito.
"Magandang hapon po, Madam."
Nilingon siya ng ginang. "Ikaw pala iho, maupo ka." Nakangiti siya nitong inanyayahan.
Nagmano siya bago maupo."Kaawaan ka ng Panginoon."
"Bakit po kayo nag-iisa rito?" Tanong niya.
"Dito ang namamalagi kapag papalubog na ang araw." Tumingin ito sa likuran niya. "Hindi mo ata kasama ang apo ko, si Alexis."
Natawa siya. "Nasa kuwarto po, natutulog."
Tumango-tango ito. "Kayo ba'y magkasintahan na?"
Sunod-sunod siyang umiling. "Naku, hindi po madam pero po nanliligaw saakin ang apo niyo po." Pakarat lang siya pero never siyang magpapakuha agad. Ilang taon akong naghirap sa mundong ito tapos makukuha lang niya ako basta-basta? Yes na yes for him, charot!
"Ilang araw na bang nanliligaw ang apo ko?"
Napangiti siya. "Mag-iisang buwan na po."
Ngumiti rin ito sakanya pabalik at hinawakan ang kamay niya. He felt comfort.
"Tama iyan, dalagang Pilipina dapat. Pahirapan mo sa pagsuyo. Para maisip nilang hindi tayo todo bigay lang." Humagikhik ito.
Natawa na rin siya at tumango. Bumaling ang atensyon nila sa papalubog na araw. The sky was purple sa may bandang taas and deep orange in some parts, tila isa itong apoy.
Agad nabawi ang tingin nila nang pagdating ni Alexis kasabay nito ang nurse ni Lola Tes. Bagong ligo si Alexis, naka-sandong itim ito na humapit sa maskulado nitong pangangatawan. Grabe ka naman Lola maghanda ng meryenda, apo niyo pa talaga. Kimi! Naka-short rin ito na slacks, grabeng Bicol 'to kung saan-saan nalang may mga pang-ulam, literal na mayaman sa lamang dagat. Sa likuran ni Alexis ay pasan na gitara wearing his signature smiles. Napakapit siya sa garter ng kaniyang boxer, baka lumuwag kasi.
"Kanina pa kita hinahanap, akala ko nilayasan mo na ako." Wow, paano ako lalayas kung patay na patay ako sa'yo?
Umikot ang mata niya. "As if naman alam ko ang daan pauwi."
Humalakhak ito, Diyos ko, mahabaging langit kung hindi niyo po alam ang para saakin, nasa harap ko po. Hinarap nito ang Lola niya. "Nanay Tes, kakain na raw po kayo."
"Maaga pa nga apo." Reklamo ng ginang.
"Diba 'nay iyan ang bilin ng doctor, susuwayin natin?"
Umiling ito, ngunit bakas sa mukha nito ang pagtutol. Natawa nalang sila na hinatid itong tingin, pati ang nurse ay nakitawa na rin. Kitang-kita ang closeness nila, somehow ikinatuwa niya iyon. The nurse was really doing a good job.
"Maupo ka" sa lap ko, charot. Alok niya.
"Kanina pa kayo ni Lola?"
"Oo, nanood kaming sunset."
"Madaldal iyon, anong kinuwento saiyo?"
"Wala naman." Sagot niya. Binalingan niya ang gitara nito. "Marunong ka?"
Tumango ito bilang sagot. "Si Lolo ang nagturo saakin noong nabubuhay pa siya." Komento nito.
"Sample naman."
"Dito sa Bicol may sikat na kanta rito. Padaba taka ang pamagat ng kanta, kinanta ito ni Dwta."
"Anong ibig sabihin ng 'Padaba Taka'?"
"Padaba Taka sa Filipino ay Mahal kita."
"Sige nga, kantahin mo." Natutuwa niyang saad at hindi maitago sa boses niya ang pagka-excite.
"PADABA TAKA"
Kumusta ang biyahe?
Napagal ka daw?
Mari na, pinagluto ta ka na
Bicol express, pancit bato
Igwang laing na may siling labyu
Ay, labuyo
Kumusta ang aldaw mo?
Ibahan mo ako
Lilibuton niyatong duwa an kaBikolan
Garo ka si Mayon na magayon
Digdi ka lang
Padaba ta ka
Daing ibang mumuyahon kundi ika
Papadabaon ta ka
Sagkod pa man kita maggurang
Daing ibang papadabaon pa, kundi ika
Kumusta? Pahingalo na, marabason kita
Binakalan ta kang pili nut, asin
Mga pangpasalubong (pasalubong, pasalubong)
Sana napaugma ta kang maray
Sako ka lang
Padaba ta ka
Daing ibang mumuyahon kundi ika
Papadabaon ta ka
Sagkod pa man kita maggurang
Daing ibang papadabaon pa, kundi ika
Ini pa lan sa ngunyan an kaya kong gibuhon
Pa'no pa kaya kun sabihon ko na?
Padaba ta ka
Daing ibang mumuyahon, kundi ika
Mahal kita
Walang ibang gugustuhin, kundi ikaw
Mamahalin kita
Hanggang sa ating pagtanda
Walang ibang mamahalin, kundi ikaw
Walang ibang mamahalin, kundi ikaw
Walang ibang mamahalin, kundi ikaw"-----------------------------------------------------------
YOU ARE READING
UNO: Proyecto De Veinticinco Días
RomantizmUNO: BOYS LOVER R18+ Dedicated to: John Alexis Cabanayan. Merry Christmas and Happy New Year, love.