CHAPTER NINETEEN

27 5 0
                                    

__________________________________________________________________________________________________________________




"Oh, umiba ata ang ihip ng hangin. Akala ko nakalimutan mo na may bahay ka rito." Paunang bungad sakanya ng kaniyang ama. May hawak itong isang bote ng alak. Nakaupo ito sa sofa, huba't hubad itong nakaharap sakanya. Hindi man lang nag-abalang magbihis tsk!

Napa-atras siya nang biglang magsindi ang ama niya ng sigarilyo. Hindi siya komportable sa usok at amoy nito.

Iginala niya ang paningin sa bahay nila. Ilang araw rin siyang hindi umuwi dito. He looked around. Masangsang ang amoy ng paligid. Pinaghalong kalawang at panis  na ulam ang naamoy niya, nasaan ba ang nanay niya? At hindi man lang nag-abalang maglinis ng bahay. Buti nalang hindi niya sinama si Alexis kahit na nagpupumilit ito.

Tila kulungan ng aso sana ang madadatnan nito. Nakakahiya. Pinagmasdan niya ang ama niya, kahit naiirita at galit siya dito ay may respeto pa rin naman siya. Kahit papaano ay ama niya pa rin ito kahit hindi ginampanan ang pagiging ama.

Sa itsura palang ngayon ng ama niya ay halatang miserable ito. Humaba ang mukha nito, ang mga mata ay lumalim at malawak na ang itim sa paligid nito, para na itong panda. Ang mga labi ay kulay lila na at mabitak-bitak, halatang kulang sa tubig ito, dehydrated na. Akala mo ay ginto ang tubig at hindi man lang nag-abalang uminom.

Ang buhok naman ng papa niya ay mahaba na, naging wavy na rin ito. Ilang linggo kaya itong hindi naligo? Dikit na dikit na kasi ang buhok, animo'y sotanghon.

Kailan kaya ito titino? Sa loobloob niya. Nakakahiya ito.

"Nasaan si mama?" Tanong niya at naupo sa kabilang sofa.

Tumawa ito at humithit ng sigarilyo. "Aba'y malay ko. Gabi-gabi ang alis 'non. Baka nagpu-puta na." Wala man lang pag-aalinlangan na sagot nito.

"Kinakausap kita nang maayos." Banta niya.

"Aba e, hunghang ka pala? Sinabing hindi ko nga alam e."

Bumuga naman ito ng usok. At dahil nasa harapan siya nito ay salong-salo niya ang usok na binuga nito.

Dumistansiya siya at tinakpan ang ilong. Pinakita niya sa ama ang disgusto sa mukha niya. Yumuko ito para itaktak ang abo sa mesa. May lukot na aluminum foil doon, ang iba sunog na. Tapos may tila isang bote doon na gawa sa mababasaging bagay katabi ng tube ng ballpen. Alam niya kung para saan iyon. Hindi siya ipinanganak  kahapon para hindi malaman na ginamit ito sa illegal na droga.

"May pera ka ba diyan?" Tanong ng ama niya matapos nitong balingan ulit siya ng tingin.

Wow, as in wow. Ang kapal naman ng mukha niya. Wala nga siyang binibigay saaking pera tapos siya pa ang may ganang mang-huthut? Nakalimutan niya bang siya ang Padre de pamilya sa tahanang ito?

Upang hindi na humaba ang diskusyon ay dumukot siya sa bulsa ng kaniyang itim na pantalon na kasalukuyan niyang suot.

One fifty pesos iyon ngunit barya. Bago kasi sila umuwi ni Alexis ay dumaan sila sa world of fun upang maglibang, ipinagpalit ni Alexis ang five hundred na papel sa baryang five hundred, siya ang pinahawak non. Hindi naman nila naubos ipalit ng token sapagkat nag-insist na siyang umuwi na dahil pagod na siya at baka mawalan siyang bahay na mauuwian, ayaw na rin kunin ni Alexis ang natitirang barya kaya kinuha na niya. Sino siya para tanggihan ang grasiya? Ngunit pagkauwi nito ay may isang tao rin palang naghihintay na maambunan niya.

Iniwan niya ang ama niya sa sala, aba ito sa pagbibilang ng barya. Umakyat na siya sa kanyang kuwarto.

Narinig niya pang nagrereklamo ang ama niya sa binigay niyang pera. Kulang daw iyon sa pangbiling bago. Kulang pala edi magtrabaho ka, hindi sa iba mo i-asa ang bisyo mo.

Nahiga na siya sa kaniyang kama na gawa sa kawayan. Naiisip niya pa rin ang mga ginawa nila ni Alexis. Alexis is a good guy,kahit na brusko ang pangangatawan nito at may masungit na awra. Hindi niya rin naman maipagkakaila na may soft side rin ito na tinatago at sa tuwing magkasama sila saka lang  nito inilalabas. Despite of his cold, manly, and playboy aura, I sense his softness, his caring, his clingy side, I sense the little Alexis, the little Alexis na kailangan din nang kalinga, pagmamahal at atensyon.

Mahilig lang talaga si Alexis na pekein ang totoong emosyon o nararamdaman nito kapag hindi kilala ang nakakasalamuha, katulad nang unang pagkikita nila, akala niya ay dakilang bully ito na walang magawa sa buhay kundi maging immature at pabigat sa magulang. Ngunit nagkamali siya. Do not judge the book by it's cover talaga. Hindi mo puwedeng husgahan ang isang tao base sa kaniyang hitsura o mga pinapakitang ugali sa publiko, hangga't hindi mo itong kilalang lubos. At kahit na kilala mo na ito ay wala kang karapatan na husgahan ito.






-----------------------------------------------------------

UNO: Proyecto De Veinticinco DíasWhere stories live. Discover now