__________________________________________________________________________________________________________________
"Saan ba kasi kayo pupunta?" Naguguluhan at kinakabahan na tanong niya kay Alexis.
Paano ba naman kasi alas-singko palang nang-umaga ay ginising na siya ni Alexis. May pupuntahan daw sila. Hindi na rin siya nagtanong kung saan sila pupunta kasi nagmamadali itong nagbalot ng mga gamit. Baka mapagalitan lang siya.
"Kila Lola ko." Maikling sagot nito. Napatingin siya dito, anong gagawin niya naman don? At bakit siya kadamay, kamag-anak ko ba siya?
"Anong gagawin ko 'ron? Alam mo bang kidnapping itong ginagawa mo?" Paalala ko.
"Kidnaping ka diyan, suwerte mo naman ata. At saka hindi ito kidnapping kusa kang sumakay." Asik nito.
"Ang kapal naman pala ng mukha mo, sapilitan mo kaya akong pinasakay sa kotse mo, so kidnapping ito. Kidnaping is taking away forcefully moving a person against his pr her and holding him or her in unjust captivity. The act is usually done for motive like getting monetary reward or ransom or getting some sort of benefits from the person or their family."
"Talagang nag-explain ka pa."
"Bahala ka nga." Itinuon ko nalang ang paningin ko sa dinadaanan namin. Ang ganda nang sinag ng araw ngayon banayad ang paligid. Puro luntian at mayayabong ang nadadaanan nilang kakahuyan.
"Saan ba tayo?" Tanong ko ulit.
Ibinaling nito ang paningin sakanya. "Matulog ka ulit, papunta tayong Bicol."
"Doon ba nakatira ang Lola mo?"
Tumango ito. Napapitlag siya nang dumako ang kaliwang kamay ni Alexis sa hita ko. Dahil naka-cargo shorts lang ako ay nararamdaman ko ang mainit nitong palad.
"Hoy!" Untag niya dito at ininguso ang kamay nito.
Ngunit hindi man lang siya nito pinansin.
Tinabig ko ang kamay nito dahilan para mapatingin sa kanya si Alexis. Nakasumping kaagad ang dalawang malalagong kilay nito. Wow, siya pa ang may ganang magalit ha? Hiyang-hiya naman ako.
"Bakit?!"
"Anong bakit?! Ang kamay mo kung saan-saan nakakarating. Hindi mapirmi."
"Nilalamig kasi ako." Pagdadahilan nito. Umikot ang mata niya.
"Mag-gloves ka."
Hindi ito umimik pero ibanalik nito ang kamay sa aking hita. Hindi niya nalang ito pinansin. Pero napigil niya ang kanyang hininga nang biglang pisil-pisilin nito ang hita niya, sinabayan pang malumanay na haplos. Nagdala iyong kakaibang sensasyon sa katawan niya.
Nakakagulat talaga ang mga ugaling pinapakita ni Alexis. Napapansin ko kapag kami lang ang magkasama pinapakita nito ang totoong Alexis. Pero kapag may kasama naman kaming iba ay daig pa ang yelo nitong personalidad.
Nakaramdam akong antok, kaya umidlip muna ako. Naramdaman ko pang inayos nito ang pagkakasandig ko pero hindi na niya ito pinagtuonan ng pansin.
Nagising ako nang may maramdaman na parang may nakamasid sakanya. Pero hindi nakakasiwa ang titig na iyon sa halip he felt ease, and secured. Parang naramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
Pinanatili niya lang na naka-pikit ang kaniyang mata kahit ang kaniyang duwa ay gising na gising.
"I know you're awake." Boses iyon ni Alexis.
Automatikong naidilat niya ang kaniyang mga mata. Ngiting-aso ang bumungad sakanya. Sana pala hindi muna siya dumilat, nakakainis ang ngiti ngayon ni Alexis.
"What time is it?" The first word he uttered.
"Past one-o-clock in the afternoon na."
Tiningnan niya ang paligid. Nakahinto na ang kotse at nakaparada sa isang napakalaking bahay ngunit old style ito. Kung mga bata ang pupunta rito ay may posibilidad na matakot ito. The house was built in the style of eighties or seventies.
"Bumaba kana nan'dito na tayo." Anunsiyo ni Alexis, nauna itong bumaba para pagbuksan siyang pinto.
Sabay silang pumasok sa malaking bahay. Sa may pinto ay nakasalubong nila ang isang matandang babae. Humalik doon si Alexis kaya nagmano siya. May katangkaran ang babae. She's wearing floral dress at flat sandals. Naka-ayos ang buhok nito pero kitang-kita ang white roots. Nakangiti ito sakanya kaya kitang-kita ang kompleto, pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Parang mas maganda pa ang ngipin ng ginang kaysa saakin e.
"Good morning, baby!" Nakangiting bati nito kay Alexis. Halatang masayang-masaya ito dahil bumisita si Alexis.
Umungol si Alexis. Tanda na hindi nito gusto ang endearment na tinawag ng kaniyang Lola. Ang arte samantalang batak na batak naman itong magpa-baby sakanya.
"Si nanay naman e, hindi na nga ako bata." May disgusto sa tinig nito. Isip bata puwede pa, chos!
Tumawa nalang ang Lola nito. "Si Aaron pala 'nay, mapapangasawa ko." Pinamulahan siya sa sinabi ni Alexis. Parang tanga, kinikilig ako. Enebe.
Bumaling ito sakanya. Napalunok siya nang ilang beses, natatakot siya sa tingin nito. Although nakangiti naman. Seryoso na kasi ang mga mata nito. Grabe naman po kayo Lola. Sige kayo iiyak ako. Parang katulad ito sa napapanood niya sa drama, iyong aalukin ng tatlong milyon ang kasintahan ng apo o anak nila para layuan mo lang ito. Mga ganitong atake ba. Tapos siyempre, ipaglalaban ko si Alexis. Hindi ko po kailangan ng pera niyo. Mahal ko ang apo niyo at wala akong pakealam sa yaman ninyo at mas lalong wala akong pakealam kung hindi niyo ako gusto. Dahil si Alexis naman ang pakikisamahan at magiging asawa ko hanggang sa huling hininga ko, hindi kayo o sino mang poncio pilato. Hahaha, delulu na.
-----------------------------------------------------------
YOU ARE READING
UNO: Proyecto De Veinticinco Días
RomansaUNO: BOYS LOVER R18+ Dedicated to: John Alexis Cabanayan. Merry Christmas and Happy New Year, love.