__________________________________________________________________________________________________________________
"Ano ba ang gagawin natin dito sa ABM building? God, hindi pa natin tinatanggal ang plate natin. Kitang-kita ang STEM-1 na nakalagay!" Nagwo-worry kong sambit. Nagtataka niyang tiningnan si Aices. Palinga-linga ito at halos mabali na ang leeg kakagalugad. Sino ba ang hinahanap nito? Tanginang babae ito, idadamay pa siya nito sa kalandian na taglay.
"Ayon siya bakla!" Overreacted na pukaw sakanya ni Aices. Ngumuso pa ito para makita niya talaga ang tinuturo nito.
He turned his heads towards the direction. Hindi familiar ang mukha. Pero natatandaan niya ito ang pinakitang katawan sakanya ni Aices kanina. It was Jevid Humphrey De Leon, the transferry.
He acted like hindi siya naapektuhan sa presensiya nito. "So?"
"Anong so? Gaga iyan yung transferry." May hawak itong libro at nagbabasa habang ang isang kamay nito ay pinaglalaruan ang ballpen nitong pilot. Ang sarap nito–masarap panoorin kasi habang ganoon ang ginagawa. Pasok siya maging hubby ko, love of my life, my universe, my earth, my pulse, my beat and, my everything. Char.
"I know." Talagang pinanindigan na niya ang pag-arte na wala siyang pakealam if nasa malapit lang nila si Jevid.
"Magpapapansin tayo." Casual na wika ni Aices.
"What the fuck?" Bakit pati ako dinamay nito?
Napa-ayos siya ng tayo nang bigla itong tumingin sa direksiyon nila. Mga ilang segundo din sila nitong in-examine. Tula ba para siyang bagong iti-test para ds isang eksperimento, tagos talaga sa kaluluwa ang tingin nito. Makalalaglag panty. Chos!
Hindi nakatakas sa mapanuring mata ni Aaron ang kumukinang na silver necklace na suot ni Jevid. It was silver necklace. Halos matulos ang mga paa niya sa kinatatayuan nito. Napako din ang kaniyang mga mata sa kwintas na suot ni Jevid. A familiar necklace. Parehas silang kwintas ni Zachary. Although hindi niya pa nakikita kung anong pendant nitong kay Jevid pero malakas ang paniniwala niya na pareho ito ng kay Zachary.
Bumilis ang kabog ng dibdib niya para itong nagkaka-rerahan sa sobrang tulin, parang nag-uunahan na marating ang finish line. Hindi kaya si Zachary at Jevid ay iisa?Pero parang imposible naman ata, pero what if? Pero bakit hindi na ito nagparamdam? Pinaglalaruan lang ba siya nito?
"Hello girl, balak mo bang maging guwardiya nito?"
"Tara na, nakakahiya." Hinila niya pa ito. Pero hindi nagpatinag si Aices. "Duh, 5th floor ang inakyat natin. Tapos mapupunta sa wala? No never."
"E, ano bang mapapala natin diyan?" Napakamot pa siya sa ulo nang bigla siya nitong tuktokan.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Ang O.A. talaga nito. Akala naman nito ay may sinabi siyang mga salita na puwede siyang makulong.
"Oh, akalain mo may pulutan na lumapit saatin." Wika ng isang lalaki na hindi naman nila kilala. May kasama itong apat pa. Parang mga adik sa kanto ang itsura, mga tambay ang datingan. Iyong hindi na guwapo tapos maasim pa ang ugali.
"Excuse me?" Mataray na sagot ni Aices.
"Ay, pa-hard to get pa mga pre." Ay kapal naman talaga.
Napapitlag pa si Aices nang bigla nitong paluin ang matambok na pwetan nito.
Agad nag-sumping ang kaniyang malalagong kilay. Para itong nag-isang linya. Napipikon siya sa ginawa ng mga gago na ito sa kaibigan niya.
"Aba, bastos ka a!"
"Hindi a." Sinundan pa nito ng sunod-sunod na balangit na tawa. May sapak ba ito sa utak? "Gusto niya naman 'yan, kung ayaw mong mabastos, magsuot ka ng maayos."
YOU ARE READING
UNO: Proyecto De Veinticinco Días
RomanceUNO: BOYS LOVER R18+ Dedicated to: John Alexis Cabanayan. Merry Christmas and Happy New Year, love.