WARNING: This chapter contains graphic depiction of sexuality, strong language and other matured themes that not suitable to readers under 18 years old. Please read at your own risk!
__________________________________________________________________________________________________________________
Ilang linggo na rin siyang nagtuturog kay Alexis. At nakikita niya naman ang pagbabago nito. Binalaan niya kasi ito na kapag hindi nagbago sa pagiging basagulero ay hihinto na siya sa pagtuturo dito.
Totoo naman, at para sakanya naman iyon. Kasi siya naman magsa-suffer huli.
Natigil siya sa pag-iisip nang biglang dumaan ang kapatid niya.
"Naligo ka?" Tanong ko.
"Hindi, mayroon ako." Ha?
"Connect."
"Mababaliw daw ako at makakalbo."
"Excuse me, bathing during your period is encouraged for good reason as to prevent vaginal infection." The old belief that it is bad to take a bath or wash the hair when a woman is menstruating has no specific basis. There is no absolutely reason why you should not wash your hair or take a bath/shower during your menstruation. In fact, a nice warm bath can do a lot to relieve menstrual cramps ang premenstrual tension.
"Saan naman yan galing?"
"Sa google. Char. Tinuturo yan sa school loka!"
"Wala ka bang gagawin kuya?"
"Gabi na, saan naman ako pupunta?"
"Tulungan mo nga ako kuya."
"Saan?"
"Parang timang, siyempre magpaganda. char, pareho na pala tayong maganda."
"Sira, nandamay pa.Ako lang." Hirit ko.
Nangasim naman ang mukha nito. Well, maganda naman ang kapatid niya. Matunog din ang pangalan nito kasi aside from having an angelic face ay majorette din ito. Kumikinang ang mala-perlas nitong balat, maitim at unat ang buhok nito. Bilugan ang mata na bumabagay sa mahabang pilik mata nito, pinarisan pa ng nakakaakit na kilay. Sa labi nama'y ay mamula-mula ito. Bagay sa medyo matangos nitong ilong. May dimple din ito sa kabilang pisnge, sa bandang kana na lumalabas sa tuwing nagsasalita ito.
"Tulungan mo na kasi ako kuya."
"About saan nga iyan?"
"Sa estruktura ng pamilihan."
"Oh?" Hindi ko pa din alam ang ibig niyang sabihin, ituturo ko ba or what?
"Hindi ko kasi maintindihan ang tinuturo ni ma'am e."
"E bakit hindi ka nagtanong?"
"Nahihiya ako e."
Napaikot ang aking mga mata. Karamihan sa mga estudiyante, ganito e. Kapag hindi alam, hindi naman nagtatanong, kapag hindi nagets hindi nagsasalita.Tango lang nang tango. Where in fact naghihintay lang naman ang mga teacher na i-approach sila. Tapos sisisihin ang teacher kung bakit hindi naintindihan pero nung tinatanong naintindihan daw.
"May dalawang pangunahing tauhan ang pamilihan. The consumer and producer. Ang konsyumer ang bumili ng mga produktong gawa ng producer, habang ang prodyuser naman ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga consumer." Tumatango-tango lang ito habang nagti-take down ng mga importanteng detalye.
"May dalawang pangunahing uri ang pamilihan. Pamilihan may ganap na kompetisyon at pamilihan na hindi ganap na kompetisyon. Ito lang ang tatandaan mo diyan. Kapag sinabing pamilihan na may ganap na kompetisyon. Marami ang producer at consumer nito, at ang product ay pare-pareho, at walang kakayahan ang producer at consumer na controlin ang presyo. Wet market ang halimbawa nito."
"Ang pamilihan na may hindi ganap na kompetisyon naman ay isa or kaunti lang ang producer at consumer nito, maaring iba-iba or walang kauri o kapareho at may kakayahan ang isa o iilang producer/consumer na kontrolin ang presyo ng produkto sa pamilihan. May apat na estruktura ito. Monopolyo, monopsonyo, oligopolyo, at monopolistic competition. Ang monopolistiko ay maraming nagtitinda at bumibili, produktong magkakapareho ngunit may kaunting pagkakaiba at producer ang may control sa presyo. Ang monopolyo, kontrolado ng isang producer ang dami at presyo ng produkto sa pamilihan, produktong binebenta nito ay natatangi at walang kauri. Electric cooperative ang halimbawa nito. Ang monopsonyo naman ay iisa lang ang bumibili ng produkto at serbisyo at nakokontrol ng consumer ang presyo sa pamilihan. Halimbawa nito ay ang pamahalaan na bumibiling serbisyo sa mga pulis, sundalo, guro at bombero. Panghuli, ang oligopolyo. Marami ang bumibili ngunit kaunti o iilang lang ang nagtitinda, kontrolado ng producer ang presyo sa pamilihan at produkto nito ay naiiba. Halimbawa nito ang telecommunications company tulad ng Globe, DITO at Smart "
Napahikab na ito at pumipikit-pikit na. "Salamat kuya."
Tumango ako bilang sagot. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas siya sa simpleng bahay nila. Naramdaman niya ang malamig na simply na hangin na dumampi sa kaniyang balat. Ang liwanag ng buwan ngayon, maliwanag at bilugan, maaliwalas ang kalangitan at wala ni isang senyales na uulan.
Tahimik ang paligid at tanging kuliglig o pang-gabing insekto lang ang maririnig mo. Nang makaramdam siyang antok ay napagpasyahan niyang pumanhik na sa loob.
Pumasok siya sa sariling kuwarto, Wala itong pinto at tanging manipis na itim na kurtina ang nagsisilbing pinto dito. Ang bintana ay hinarangan ng isang makapal at kapirasong yero upang maging pangga sa ulan, sinag ng araw at hangin. Nahiga siya sa kama na gawa sa biniyak na kawayan, dinikit-dikit ito at saka tinalian sa mag kabilang dulo.
Napatitig siya sa yerong butas-butas na, kaya tumatagos na dito ang liwanag na galing sa kalangitan. Nakaramdam siyang init ng katawan. Pumipintig ang kaniyang pagkalalaki. Tigas na tigas at gustong gusto nang sumuka. Napahaplos siya sa pagkalalaki niya, bumigat ang kaniyang paghinga at agad na napapikit sa masarap at kakaibang sensasyon na nabubuo niya dulot nang kaniyang mga mainit na palad.
"A-Ahh…" mahinang ungol niya.
-----------------------------------------------------------
YOU ARE READING
UNO: Proyecto De Veinticinco Días
RomanceUNO: BOYS LOVER R18+ Dedicated to: John Alexis Cabanayan. Merry Christmas and Happy New Year, love.