__________________________________________________________________________________________________________________
"Bahay niyo?" Tanong niya kay Alexis. Tinupad niya ang pangako dito na hihintayin niya ito sa parking lot. Na agad naman siyang pinasakay sa kotse nito. Ini-expect na niyang mayaman sina Alexis at hindi din siya nabigo. Ang laki ng bahay niyo sa labas pa lang ay kita na ang kagandahan ng bahay nina Alexis. Napapaligiran itong mataas at sementadong bakod na animo'y pinagkakait na matingnan ang isang magandang tanawin.
"Yeah." Tamad siya nitong sinagot. Napatingin siya sa kamay nito na nakahawak sa manibela ng kotse, mamula-mula at namumutok ang maliit na ugat. Mukha itong halaman na gumagapang sa hardin, kay gandang pagmasdan.
Tumikhim siya. "Hindi na ba tayo bababa?"
Tula natauhan din ito at agad itong lumabas sa kotse at naglakad papasok. Ay wow. Gentleman naman talaga. Naiirita siyang tinanggal ang suot niyang seatbelt at busangot na sumunod dito.
Wow, as in wow. Ang mannerless naman ng barakong unggoy na iyon. Hindi man lang siya pinagbuksang pintuan. Pero bakit siya nag expect?
Napanganga siya sa magandang bahay sa harapan niya. Wow, sa palabas niya lang ito nakikita e. Ano kayang feeling na nakatira ka dito? Ano kayang feeling na gigising ka na hindi masakit ang likod mo dahil hindi gawa sa biniyak na kawayan ang kama mo kundi gawa sa malambot at mabangonh bulak.
I wonder kung bakit pa nag-bulakbol si Alexis. I mean nasa kanya na ang lahat, guwapo ito, may magandang bahay at sobra-sobrang pera. May dahilan pa ba ito para mag rebilde? Kung wala siyang matibay na rason, aba ang kapal naman ng mukha talaga nito.
Sa itsura niyang 'yan ay mukhang hindi pa ito grateful sa kinagisnan sa kinagisnan nitong buhay. Sila,kahit mahirap ay ang natutunan niya talaga sa nanay niya ay,
"Be grateful always."
Kahit maliit na blessing pa iyan still magpasalamat pa din not all people experience ang nararanasan mo ngayon. Hindi lahat mayaman. Iba-iba tayong estado sa buhay. Hindi lahat ng tao may smart phone, laptop o kahit ni isang gadget, hindi lahat ng tao ay may tahanan o masisilungan. May mga tao na nakatira sa ilalim ng tulay o sa sidewalk. Hindi lahat ng tao nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi lahat ng tao nakakapag-aral. Matuto kang magpasalamat at makuntento. Oo, hindi ito ang pinapangarap mong buhay but at least mas maayos ito kaysa sa iba. You should be thankful, maswerte ka pa din. Dahil hindi mo naranasan matulog na basâ o mabaho o papakin ng mapaminsalang lamok dahil may bahay ka. Minsan tayo lang din naman ang gumagawa ng mga bagay na magiging dahilan sa pagiging malungkot natin.
Hindi minamadali ang marangyang pamumuhay. Hindi ito madadala sa isang pitik lang. May mga proseso din ito. At kahit anong proseso man iyon, matuto kang magpasalamat. Just remember, while we are busy complaining about our situation, looks or social status; someone out there is wishing to be at our place. Learn not to complain, always know that you're lucky.
"Balak mo bang maging security guard?" Bumalik siya sa huwisyo dahil sa boses ni Alexis. Tamad itong nakatitig sakanya. Ilang minuto kaya siya nakatulala?
"Sorry naman." Sabi niya at napakamot pa. Bakit ba kasi ang hilig niya mag monologue e.
"Pumasok kana para makauwi kana din, mamaya."Masungit na wika nito. Wow ha, ramdam kong welcome ako.
Sumabay na siya dito sa paglalakad. Pati ang loob ng bahay ang ganda din.
Sa loob ay may mga kumakalat na mga maid. May kanya-kanya trabaho ito na ginagawa. Ilang mga maid ang tinapunan siyang tingin. They think ata na kung anong gampanin ko or kung kaano-ano ko ba ang damuho na ito.
"Oh, Alexis. May bisita ka ata?" Isang magiliw na babae ang sumalubong saamin. Kalkula niya'y nasa trenta na ito. Ang ganda nito habang nakasuot ng pang-trabaho na damit.
She's wearing denim jeans and black long-sleeved shirt na may logo on the breast, matching with black shoes. Following the sandwich rules when it comes to picking or wearing an outfit.
Her skin was translucent, lalo na sa mukha. Parang fresh palagi. Sana all. Naka-make up ito pero natural lang ang dating. Ganoon din ang lipstick, light lang ang kulay at hindi matingkad. She looked like professional. Ang ganda nito, jusko Lord.
"Obviously ,mom?" Tamad na sagot ni Alexis. Wait, mom? Teka? Mama niya? Inay? Mother? Inakay? Ang bata nitong tingnan parang mas fresh pa nga ito sakanya e. Grabe ka Lord.
"Kumain naba kayo, iho?" Magiliw itong bumaling sakanya. She's smiling showing her complete and white teeth. Sana all ulit Lord.
"Stop asking, will you?" Ay wow ang rude. Tinapik ko ang balikat ni Alexis kaya napatingin siya saakin na agad niya namang sinuklian ng matalim na tingin.
"Ay nako, huwag na po. Busog pa po ako." Ay ante tinanong ka lang naman kung kumain na hindi ka niya pinapakain.
"Huwag mahiya iho, mauuna na ako ha? May gagawin pa kasi ako e. Kung nagugutom kayo may pagkain sa kusina. Alexis, huwag mong papabayaan ito ha?Pakainin mo bago umalis." Lumapit ito Kay Alexis at hinagkan ang pisnge. Na agad naman ikinalayo ng anak. Sus, tanggal angas mo ano?
Lumapit ito sakanya at tinapik ang balikat niya. "Mauuna na ako iho."
Tumango siya. "Mag -iingat po kayo."
Madami pa itong ibinilin kay Alexis na animo'y isang taon mawawala. Tamad lang na tumatango si Alexis. Pagkaalis ng mama niya ay agad siyang niyaya nito na umakyat sa solid dahil magsimula na daw sila bago kumagat ang dilim.
-----------------------------------------------------------
YOU ARE READING
UNO: Proyecto De Veinticinco Días
RomansaUNO: BOYS LOVER R18+ Dedicated to: John Alexis Cabanayan. Merry Christmas and Happy New Year, love.