CHAPTER TWENTY-THREE

15 7 0
                                    

__________________________________________________________________________________________________________________







     Maaliwalas ang paligid nang magising siya. Hindi pamilyar ang silid na sa kaniya’y bumungad. Malaking kuwarto ito: kompleto ang mga kasangkapan, may maliit na sala at flat screen television sa harap, may maliit rin na refrigerator na malapit sa may sofa. Sa bukana ng bintana makikita rito ang magandang tanawin: papalitaw na sikat ng araw at mga ibon na tila sumasayaw sa magandang panahon ngayong umaga.

"Hmm…" ungot ng katabi niya. Tila naalimpungatan ito sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kuwarto. Si Alexis.

Pinamulahan siya nang maalala ang ginawa nilang pagniig ng laman kagabi. It was hot sex. First time ko iyong maranasan ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit nilang pareho ang langit sa pamamagitan lamang ng kama at indayog ng isa’t isa.

"Good morning, baby." Nagulat siya nang bigla siyang siilin ni Alexis ng masuyo at banayad na halik. Shit! Thank you, Lord!

"A-Ahh… good morning din."

"Nothing change. Your lips taste like a heaven."

"Sira! Kung ano-anong lumalabas diyan sa bibig mo, para kang tangá!"

"I love you, cuddle muna tayo?" Grabe naman sa magpababy ang tao na ’to oh. Ganiyan ’yan siya.

Pinitik niya ang noo nito. "For your information, mister. Alas-siyete na po kaya bumangon kana diyan at ihatid mo ako sa trabaho dahil mali-late na ako."

"Trabaho, trabaho pa e magiging house husband lang naman kita in the future.

Hindi niya napigilan ang kamay niyang kaltukan ang loko. "Loko-loko ka talaga!"

Maliligo muna ako, tapos ihahatid na kita, okay?" Tumango siya dito bilang pagsang-ayon.

Makalipas ang ilang minuto ay tahimik na ang buong kuwarto. Tanging lagaslas lang ng tubig na nagmumula sa banyo at huni ng mga ibon sa bakuran ang naglalarong ingay sa pandinig niya.

Ang bilis lang ng mga pangyayari sakanila ni Alexis. Noong una may gusto lang siya sa isang Facebook user na nagngangalang Zachary, tapos may bully at sumisira sa araw niyang si Alexis. Ngunit ang hindi niya alam ay si Alexis at Zachary pa la ay iisa. Nalaman niya rin na matagal na pa la itong may lihim na pagsinta sakaniya.  Pinakisamahan nila ang isa’t isa, hanggang sa nasanay na presensiya. Nagkaaminan kami at naging opisyal na.

Sabi ng mga matatanda, ang bunganga hinog sa pilit kapag kinain mapait. Katulad rin iyan sa isang relasyon, huwag mong madaliin ang mga bagay na nangangailangang proseso, step by step, isa-isang hakbang lang, dahil kapag minadali mo maari itong mawala sa’yo.

Tanggap ko naman. Tanggap namin. Sa sekswalidad at lipunan na aming kinagagampanan, temporaryo lang ang lahat. Bawat kilig, saya, halakhak, at mainit na pagmamahal may katapusan. Tanggap ko na hindi naman talaga habang buhay mananatili sa’yo ang mahal mo. Balang araw darating ang panahon na maiisipan niyang hanapin ang totoong siya, buohin ang sarili niya, gumawang sariling pamilya, magkaroong sariling anak iyong galing mismo sa kaniyang dugo at laman. Ako ang kaniyang pahinga ngunit hinding-hindi niya ako gagawin na kaniyang tahanan.

"Ang lalim naman niyan, sino ba ’yang iniisip mo, tell me baby ko." Napangiwi at tila lumaki ang butas ng ilong niya sa endearment na ginamit ni Alexis, what the fúck! Baby amputa.

"Huwag ka ngang tawag nang tawag na baby, ang cringe kapag galing sa’yo!"

"E, bakit? Cute naman ah. Baby kita tapos siyempre ako ang iyong daddy dahil gagatasan mo ako." Sumilay naman ang malokong ngiti nito.

"Umayos ka nga!"

Tumawa ito at tumabi sakanya. "Tara na?"

Tumango lang ako. Sumunod lang ako sakaniya na hindi umiimik. Binabagabag na naman ako sa mga katanungan at salitang naglalaro sa kaniyang isipan. Ganito siguro kapag in love ano? Walang katahimikan ang isipan, bawat galaw, bawat kibot lahat may sumusundot sa isipan mo.

Hanggang sa makarating sila sa kotse ni Alexis.

"Galit ka ba o may problema ka?"

Umiling siya. "Wala, okay lang ako. Tara na?"

Nagdududa man ay tumango nalang si Alexis sakaniya, totoo naman e, wala naman talaga siyang problema. Naguguluhan at baka siya mismo ang problema. Ngunit ayaw niyang dumagdag pa sa isipin ni Alexis, siya ata talaga ang malas e.

Nagulat nalang siya nang bigla siyang yapusin ng yakap ni Alexis. Napapikit nalang siya.

"Basta nan'dito lang ako. Puwede kang magkuwento saakin ng kung ano-ano, mag rant ka saakin, send me picture of what you're doing on specific day, annoy me, be clingy with me, and vent on me."

"Nakakahiya, busy ka rin e."

"Kahit na gaano ako ka busy, may libreng oras ako para sa’yo. At least one or two hours per day, kaya kitang paglaanan. Hindi ka nag-iisa Aaron, tandaan mo iyan. Kapag dumating ang oras na hindi kana pinipili ng mundo, ikaw pa rin ang pipiliin ko."













-----------------------------------------------------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNO: Proyecto De Veinticinco DíasWhere stories live. Discover now