Kate Ferragni
"Ate, ako na riyan. Mapapagod ka lalo niyan, eh," sabi sa akin ni Fatima.
"Okay lang ako. Kaya ko naman," nakangiting sabi ko.
Naglalaba kasi ako. Kinukusot ko, gamit ang kamay, ang mga damit ko. Simula nung napadpad ako rito, ako na ang naglalaba ng mga damit ko. Nakakahiya naman kasi kung sila pa ang maglalaba ng pinaggamitan ko.
"Hay, ikaw na po talaga ang napakasipag na buntis na kilala ko."
Natawa ako. "Ito lang naman ang ginagawa ko, eh. Kayo rin naman ni Lola Martha ang naglilinis ng bahay."
"Syempre, Ate. Bisita ka namin eh. Basta pagkatapos mo riyan ay magpahinga ka na ha? Ako na ang magluluto ng tanghalian natin," sabi niya.
"Sige," sagot ko.
"Tawagin niyo po ako kapag kailangan niyo ng tulong. Lalo na sa pagsampay."
"Opo," pabirong sagot ko.
Alam nilang matigas ang ulo ko minsan. Kahit umuo ako ay hindi pa rin ako hihingi ng tulong sa kanila dahil kaya ko naman.
Binanlawan ko na ang mga nilabhan ko saka isa-isa ko itong nilagay sa balde para isampay. Nasa huling damit na ako nagbabanlaw nung may naramdaman akong tao na tumigil sa gilid ko at bigla akong niyakap ng mahigpit.
Nagulat ako sa inakto ng tao na 'yon pero mas nagulat ako nung makita kung sino iyon. Nanlaki ang mga mata ko lalo nung narinig ko ang boses niya. Tila nanigas ang katawan ko at tumayo ang mga balahibo ko.
"Kate," may pangungulila sa boses niya.
Mas lalo pa niyang diniin ang mukha niya sa leeg ko at niyakap ako ng mas mahigpit. Nasa ganun kaming posisyon ng ilang minuto. Nung matauhan ako ay tinulak ko siya palayo sa akin.
Nagtataka siyang tumingin sa akin at ramdam ko pa rin sa mga tingin niya ang pangungulila.
"Nicko? Anong ginagawa mo rito?" sabi ko at dahan-dahang tumayo para pantayan siya.
Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harapan ko. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Nagtaka pa ako nung makita kung paano umiba ang itsura niya. Medyo mahaba na ang buhok niya ngayon kumpara sa lagi niyang ayos. May mga bigote na rin siya ngayon. Dati ni hindi ko siya nakita na nagpahaba ng bigote. Ang mga mata niya ay mukhang puyat. Parang hindi siya nakatulog ng ilang araw. Naka-t-shirt lang siya na puti at beige na pants. Sobrang simple lang niya ngayon na para bang wala siyang ganang mag-ayos.
Pero bakit kahit umiba ang itsura niya at magulo ang buhok niya ay ang gwapo niya pa rin? At sa totoo lang, kahit nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya ay nakaramdam din ng tuwa ang puso ko na makita siya ulit. Para ngang gusto ko rin siyang yakapin ng mahigpit pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Gusto kong malaman kung bakit nandito siya.
BINABASA MO ANG
Together but Separate
RomanceA union formed because of ambitions. They live together but living separate lives. It all started with a deal for a sole purpose of expanding their businesses. No emotional attachment. No mingling of each other's business. Those were their deals. Bu...