Chapter 3: Complications

34.5K 681 17
                                    


Kate Rojas

"Kukunin niyo po ba 'to, maam?" I nodded at the saleslady. "Sige po. I will assist you sa check out po, maam. Dito po tayo."

I followed the saleslady, who was assisting me. Nandito ako sa mall to buy a gift for my secretary, Linda. It's her birthday, and I wanted to give her something. She could be trusted and very hard working, so I wanted to make her feel special on her day.

Babalik din ako sa trabaho pagkatapos kong bumili. Dumaan lang ako rito sa mall para kumain at para bumili ng gift.

Habang nagbabayad ako sa cashier, may nararamdaman na naman akong nakatingin sa akin kaya napaangat ako ng tingin at hinanap iyon. Napakunot ang noo ko nung may nakita akong lalake sa malayo na kinukuhanan ako ng picture.

Kanina habang kumakain ako ay may isa ring lalake na may hawak na camera at nakatutok din sa akin. Hinayaan ko nalang kasi baka naghahanap lang sila ng model sa mga litrato nila. Pero ngayon, nagtaka ako bakit nagtatago ito sa malayo.

Binilisan ko at umalis agad pagkatapos kong makuha ang binili kong regalo. Bumalik ako agad sa kotse dahil kinabahan ako. Baka kidnapper iyong sumusunod sa akin. Uso pa naman iyon ngayon.

Dumiretso ako sa kasunod kong meeting. Buong hapon ay nasa labas ako para i-meet ang mga clients ko. Dumaan muna ako sa office para ibigay kay Linda ang regalo ko bago ako umuwi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatira ako sa Forbes, isang high end subdivision ng bansa. Ang dinig ko, millions and billions ang halaga ng mga bahay dito. Napaka-strict ng security sa buong area. Tanging mga residente lang ang makakapasok sa gate. Tanging approved guests lang ang pwedeng pumasok. Kailangang itawag sa security kapag may bisitang dadating.

Kahit sabihin na milyon ang kita ng companya ko, I could not afford buying a house here. Mauubos ang ipon ko rito lalo na at ang dami ng binabayaran sa associations nila rito at ang mamahal pa. The price you had to pay for safety. Tsk.

Si Nicko ang bumili ng bahay na ito. He did not want me to share because he said he can afford it. I asked him na sana sa ibang lugar nalang kami bumili ng bahay, but he refused. He said this would be the best option for us. Wala na raw kasing magandang property na for sale sa ibang magagandang lugar.

"Thank you, Kuya Cris."

Kuya Cris opened the door for me nung nakarating na kami sa bahay. Matagal na siyang nagtatrabaho sa akin kaya sinama ko siya rito sa bahay. Napakabait niyan at maaasahan sa lahat ng bagay.

A maid welcomed me nung pumasok ako sa bahay. Tatlong maids lang ang meron kami. Ayaw kasi ni Nicko ng madami. His Italian culture was not used to having maids living in the house. But since we were both busy, he hired maids to help us.

"Gusto niyo po bang kumain, Maam?"

"Kumain na ako. Thank you," I smiled at her and told her na aakyat na ako para magpahinga.

I fell asleep quickly after I took a shower. Pagod na pagod kasi ako.

* * *

"Kuya, parang may sumusunod sa atin."

Napatingin si Kuya Cris sa rearview mirror para tingnan ang tinutukoy ko.

Together but SeparateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon