Kate Rojas"Aalis na po ako, nay."
Nagpaalam ako sa nanay ko dahil papasok na ako sa trabaho. Dumalaw kasi ako sa kanya para masakabay siya sa breakfast.
Kapag meron kasi akong bakanteng oras, ginagamit ko iyon sa pagdalaw sa nanay ko. Nami-miss ko kasi siya lagi at siya nalang at ang isang kapatid ko na babae ang pamilya na meron ako. Namatay na kasi si tatay dahil sa sobrang pag-iinom. Dumami ang complications niya kaya hindi na naagapan. Ang isang kapatid ko naman na lalake ay namatay na rin dahil nagkasakit ng dengue at hindi siya agad napagamot dahil wala kaming pera noon. Sobrang sakit nung nawala siya sa amin dahil wala man lang kaming nagawa para gumaling siya.
Sayang nga dahil hindi naranasan ng kapatid kong lalake at ni tatay ang buhay na maginhawa. Hindi nila nakita ang pag-asenso ng buhay namin. Pero naging motivation ko ang nangyari sa kanila para magsikap pa lalo sa buhay.
Ngayon, si nanay at ang kapatid kong si Kaila ang naiwan dito sa bahay namin. Nalungkot ako nung kailangan ko na silang iwan sa bahay para lumipat kasama si Nicko sa bago naming bahay nung araw na kinasal kami. Nagulat nga sila sa biglaang pagpapakasal ko pero sinabi ko sa kanila ang totoo dahil ayaw kong magpanggap o magtago sa kanila. Sila lang naman ang mahihingahan ko kapag may problema ako kaya kailangan kong sabihin sa kanila ang totoong rason ng pagpapakasal ko.
Tumayo ako saka nilapitan si nanay para bigyan ng halik sa pisngi. Pagkatapos ko siyang halikan ay ngumiti ako sa kanya.
Seryoso si nanay habang nakatingin sa akin. Hindi niya sinuklian ang ngiti ko.
"Nay, huwag na po kayong magalit. Ginagawa ko lang naman ito para sa atin, lalo na para sa inyo. Gusto ko kayong bigyan ng magandang buhay."
"At ang pagpapakasal sa taong kakakilala mo pa lang at hindi mo mahal ang solusyon?"
Napabuntonghininga ako ng malalim saka sumagot, "Mawawala sa akin ang mga pinaghirapan ko kung hindi ko gagawin iyon, nay. Iyon lang ang solusyon na meron ako lalo na at isang buwan lang ang binigay sa akin. Sana maintindihan niyo ako. Ayokong maghirap ulit tayo."
Napailing si nanay. "Madami na tayong pera, anak. Kulang pa ba iyon sa 'yo? Isa pa, isang linggo mo palang nakasama ang lalakeng 'yon. Hindi mo alam ang totoong ugali niya. Paano kung sasaktan ka n'on?"
Hindi ko masabi kay nanay na kahit isang linggo na kaming nagsasama sa isang bahay ni Nicko, hindi pa kami nagkita after nung kasal. Madami kasi siyang lakad out of town or out of the country. Kaya hindi ko rin siya masyadong kilala dahil ilang beses ko palang naman siyang nakausap. Pero hindi ko pwedeng sabihin iyon kay nanay. Baka mas lalo siyang mag-alala sa akin.
"Nakita niyo na po si Nicko, diba? Mukhang mabait naman po siya at ang pamilya niya. May tiwala ako na tutupad siya sa pangako niya na hindi siya gagawa ng bagay na ikakasama ko."
"Isang beses ko lang siyang nakita. Noong araw ng kasal ninyo. Kaya hindi ko pa masasabi kung mabait nga siya." Napailing si nanay. "Hindi ito ang gusto ko para sa 'yo, Kate. Araw-araw kong pinagdadasal ka. Nag-aalala kasi ako sa 'yo, anak. Sana maganda ang kahihinatnan nito dahil hindi talaga ako masaya sa desisyong ginawa mo."
Napatango ako kay nanay. "Naiintindihan ko po. Huwag kayong mag-alala, nay, dahil iingatan ko ang sarili ko."
"Hindi lang sana ikaw ang nag-iingat sa sarili mo kung nagpakasal ka lang sa taong mahal ka dahil siguradong aalagaan ka." Masama talaga ang loob ni nanay at hindi niya pa rin tanggap ang nangyari. "Sabihin mo kay Nicko na gusto ko ulit siyang makita at makausap. Gusto ko siyang makilala pa."
BINABASA MO ANG
Together but Separate
RomanceA union formed because of ambitions. They live together but living separate lives. It all started with a deal for a sole purpose of expanding their businesses. No emotional attachment. No mingling of each other's business. Those were their deals. Bu...