Chapter 9: Pasta Ravioli

29.5K 716 90
                                    


Kate Rojas

I got off early from work today. Sinadya kong umuwi ng maaga because I planned to drop by at the grocery store to get the ingredients for Ravioli. Magluluto kasi ako ngayon to serve it for dinner.

I was wearing sunglasses and a scarf on my head para hindi ako makilala. But I felt like I was drawing more attention dahil sa suot ko. People probably think I was crazy to wear sunglasses indoor and a scarf kahit mainit naman sa labas.

Binilisan ko nalang ang pagkuha ng mga kailangan ko saka nagbayad na sa cashier. I was carrying my grocery bags palabas ng grocery store when someone bumped into me, literally.

"Sorry, miss."

"It's fine," sabi ko sa lalake at akmang aalis na nung tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Mrs. Kate Ferragni."

Natigilan ako saka hinarap siya ng nakakunot ang noo. "Yes?" takang tanong ko. "How did you know me?"

I did not realize that my answer was enough hint for him para kunin ang camera na dala niya and took a picture of me. I gasped and covered my face even more with a scarf. I quickly walked away from the man, but I could hear that he was following me. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko.

I was glad that my bodyguards saw me walking so fast kaya nahulaan agad nila ang nangyayari, and they quickly went to the man to stop him. May isang bodyguard na lumapit sa akin to assist me papunta sa kotse. Kinuha niya ang mga dala kong bags at pinapasok niya ako sa kotse.

Nakahinga lang ako ng maluwag nung nakasarado na ang kotse. Inalis ko ang suot kong sunglasses and scarf saka napasandal sa upuan nitong kotse ko.

"It's crazy. Akala ko tumigil na sila ng kakasunod sa akin," napapailing na sabi ko.

Natawa si Kuya Cris habang nagmamaneho, "Palagay ko ay matagal pa bago sila tumigil, Maam. Kung nakikita niyo lang na ang dami niyo ng stolen pictures sa internet. Lagi pala silang nakasunod sa inyo kahit saan. Interesado sila kung ano ang ginagawa niyo araw-araw. Sabi nga ng anak ko noong isang araw na nakausap ko siya, nabasa niya raw sa isang news na hindi pa kayo nakikitang magkasama ni Sir Nicko. Parang nakaabang ang buong mundo sa love story ninyo ni Sir Nicko."

Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ako masyadong tumitingin online ng mga balita lalo na kapag hindi naman related sa economy or sa business kaya wala akong alam sa mga kumakalat na mga balita tungkol sa akin. So, they were stalking me everyday na hindi ako aware?

It's creepy. Next time, I would not hesitate to bring the bodyguards with me lalo na kapag nasa labas ako. These paparazzis scare the heck out of me.

"The price I have to pay for impulsively marrying a popular Italian billionaire," napapailing na sabi ko.

Pagdating sa bahay ay nagpalit ako agad ng damit at pumunta sa kitchen. I put an apron before I started making Ravioli. To be honest, this was the first time I cooked in the kitchen since I moved here. I was always busy that I did not have time to cook. And besides, the house maids were always there to make me food.

I missed the feeling na nagluluto. I really enjoyed cooking and baking simula noon. Being in the kitchen made me feel so happy, especially if I would be making food.

"Ang bango-bango naman po, Maam."

Napangiti ako. "Thank you."

"Mukhang sanay na sanay kayo sa kusina, Maam. Ang galing niyo po eh. Ang sarap niyong panuorin habang nagluluto."

"Sanay kasi talaga ako sa kusina. Noong karenderya palang ang meron kami, ako na ang nagluluto. Minsan tinutulungan ako nina nanay at ng mga kapatid ko." I turned off the stove after I finished making the sauce. "Tikman mo. Let me know if masarap ba o kulang pa ang lasa."

Together but SeparateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon