Kaila RojasNakatingin ako sa mga taong nakataas ang kamay. They asked to have people raise their hand kung pabor sila na tanggalin si Ate sa posisyon niya bilang CEO ng kompanya. Napalunok ako at nanghina nung nakita kong walo sa kanila ang nakataas ang kamay at dalawa lang ang hindi sang-ayon. Tanging sina Sir Paul at Ma'am Aida lang ang gustong manatili si Ate sa posisyon niya.
Napatingin ako kay Ate Linda na nakaupo sa gilid. Kagaya sa akin, makikita mo ang pag-aalala sa itsura niya. Pareho kaming ayaw mawala kay Ate ang kompanya na pinaghirapan niyang itayo. Naaawa ako kay Ate at sana ay may magagawa pa ako para hindi ito mawala sa kanya.
Humarap ulit ako sa sampung board members na nasa harapan ko. Nawawalan na ako ng pwedeng dahilan para kumbinsihin sila na huwag tanggalin si Ate.
Nagmamakaawa akong tumingin sa kanila. I knew Ate wouldn't want me to beg them, but if this was what it took for them to change their mind, I would do it. For Ate.
Napailing ako ng ilang beses. "I think this is very unfair for my sister. She built this company. She was the one who gave you all the positions and income, which you have been enjoying for years. It is unfair to remove her from the position just because she is rumored to be getting an annulment."
"You have to know that our decision is solely about business. It is better for the company if she steps down from being the CEO, so she can save the company from going bankrupt. The investors are pulling out their money because her marriage issues are damaging the company's image. Therefore, this is the only solution we can think of to save the company that your sister built."
Natahimik ako. He had a point, pero ayoko pa rin na mawala kay Ate ang company niya. Alam kong mahirap para sa kanya ang pakawalan ito. Hindi niya lang masabi sa akin ang totoong nararamdaman niya. Ayaw niya kasing mag-alala ako. Ganyan kasi si Ate, eh. Gusto niyang solohin madalas ang problema niya. Ganun siya katibay.
"Meron pa sigurong ibang paraan. Hindi pwedeng mawala kay Ate ang companya."
"Then what do you suggest, Ms. Rojas?" tanong ng babaeng board member. Hindi ako nakasagot agad dahil nag-iisip ako ng iba pang paraan. "Your sister knows for sure that there is no other way. Otherwise, she would be here right now to fight for her position."
Napalunok ako sa narinig dahil may katotohanan ang sinabi niya. Sinabi sa akin ni Ate kanina na kung wala na akong maisip na paraan, it's time to let go. She herself was giving up. But I just couldn't do the same. Mahal ko si Ate at gusto ko siyang tulungan. Pero paano? Wala akong maisip na paraan.
"We are waiting for your answer, Ms. Rojas," inip na sabi nila. "I think you just have to accept the fact that this is the reality now. We have decided to take your sister's position from her."
Nawawalan na ako ng pag-asa. If only Kuya Nicko was here to help me. Pupunta kaya siya like he promised earlier? Pero anong oras na at wala pa rin siya. Did he change his mind?
Napabuntonghininga ako ng malalim. "Kung aalisin si Ate sa posisyon niya, sino ang papalit sa kanya?" At least I had to know who at sana ay aalagaan niya ng mabuti ang company.
"It will go to the second highest share in this company and that is this man right here, Mr. Douglas—"
"I respectfully oppose to that," biglang may nagsalita mula sa likod ko.
Lahat kami ay napatingin sa pinto dahil may biglang pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nung makita na si Kuya Nicko ang dumating. Nandito siya! Biglang nabuhayan ng pag-asa ang puso ko. Tinupad niya ang sinabi niya na pupunta siya.
"Mr. Nicko Ferragni."
Lahat sila ay nagulat sa pagdating ni Kuya Nicko. Hindi nila ito inasahan.
"Kuya," natutuwang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Together but Separate
RomanceA union formed because of ambitions. They live together but living separate lives. It all started with a deal for a sole purpose of expanding their businesses. No emotional attachment. No mingling of each other's business. Those were their deals. Bu...