Chapter 49: New Life

40.2K 846 86
                                    


Katelyn Ferragni

It's been three months since nagpakalayo-layo ako. It had been tough, especially in the first few weeks of being away. I cried many tears and slept countless times with dry tears in my face. I was hurting so much and grieving for everything I had lost kaya araw-araw akong umiyak.

Kahit ngayon pa rin naman ay nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko ang mga bagay na nawala sa akin. Pero mas okay na ako ngayon dahil hindi na ako araw-araw kung umiyak. Masakit pa rin pero pilit kong kinakaya at pinapatatag ang loob ko para sa amin ng mga anak ko.

Noong araw na umalis ako ng bahay, I went straight to my father's grave. I vented my anger and pain, assuming he could hear me kahit hindi naman. All I knew was that it was the safest place to cry na walang may nakakita o nakakilala sa akin. I cried and cried for hours while I was there.

When it was getting dark, umalis na ako sa sementeryo at naglakad ng naglakad sa kung saan. Napadpad ako sa terminal station at naupo don ng ilang oras bago ako nagdesisyon na sumakay na lang sa isa sa mga bus na nandoon. I didn't even bother looking kung saan ang destinasyon ng sinakyan ko. I ended up crying again while I was in the bus. Ilang beses pa akong tinanong ng katabi ko kung okay lang ako. I cried until I fell asleep.

Six hours later, the driver woke me up. He asked me na bumaba na dahil last stop na niya iyon. Ang haba pala ng tulog ko dahil nakaabot na ako sa Nueva Vizcaya. Pagbaba ko ng bus, a small town welcomed me. It was surrounded by mountains. The view and ambiance were totally different from the city.

I was scared at first kasi dayo lang ako sa lugar, and I didn't know anyone or anything about the place. Thank God dahil nakatagpo ako ng napakabait na matandang babae na nakilala ko sa isang kainan. Kumain kasi ako dahil sa sobrang gutom ko. Nagtaka ako dahil pinagmamasdan niya ako habang kumakain. Nung hindi siya nakatiis, lumapit siya sa akin at nagtanong kung taga-rito raw ba ako. Sinabi ko ang totoo. Nagulat pa ako nung sinabi niyang buntis ako. Malakas daw ang senses niya kapag buntis ang tao. Ganun siguro ang mga matatanda. Madami silang alam at malakas ang kutob nila.

Nung sinabi ko na wala ako matutuluyan, nag-offer siyang patirahin ako sa bahay niya. Siya pala ang may-ari ng karinderya na kinainan ko pero hindi siya taga-bayan. Malayo pa pala sa bayan ang bahay niya. Doon lang siya nakahanap ng pwesto para mag-business dahil madaming customers doon. Pinahintay niya ako hanggang sa magsarado siya ng tindahan niya bago niya ako sinama pauwi sa bahay niya.

Mahigit isang oras pa ang byahe namin bago kami nakarating sa bahay niya. Madilim na nung dumating kami pero kita ko pa rin ang kabuuan ng bahay niya. Gawa lang ito sa kawayan pero maayos naman tingnan. Isang palapag lang ito at may dalawang kwarto. Namatay na raw ang asawa at anak niya. Ang kasama na lang niya sa bahay ay ang apo niyang babae na nag-aaral ng college.

Pinatira nila ako sa bahay nila, pinakain at pinahiram ng mga damit. Ang babait nila sa akin, sina Lola Martha at Fatima. Nahiya nga ako dahil sila halos lahat ang gumagastos ng pagkain namin dahil naubusan ako ng pera. Buti na lang at may dala akong debit card ko. Kahit wala akong gana lumabas ng bahay, pinilit ko para makapag-withdraw ako ng pera. Sumama ako sa kanila lumuwas papunta sa bayan isang araw dahil doon ang tindahan ni Lola at ang paaralan ni Fatima. Kumuha ako ng malaking pera para may gagamitin kami ng ilang linggo or buwan. Bumili ako ng mga pagkain namin sa palengke at kung ano pa na kakailanganin namin sa bahay.

Nagpapaiwan ako madalas sa bahay nila. Wala kasi akong gana na lumabas. Nag-aalala na nga sila sa akin dahil laging mugto raw ang mga mata ko at alam nilang iyak ako ng iyak buong araw at hindi kumakain. Hindi ko talaga mapigilan ang magluksa para sa sarili ko. Daig ko pa ang namatayan. Hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan ng pag-iyak ko at mabuti na lang ay hindi sila nagtatanong masyado. Nakakatulog ako sa iyak madalas. Buti na lang at binigay sa akin ni Fatima ang kwarto niya dahil nakakahiya kung naririnig nila ang iyak ko sa gabi. Sila ni Lola Martha ang magkasama sa isang kwarto. Ang bait nila para gawin 'yon.

Together but SeparateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon