Chapter 52: Work Things Out

4.6K 142 29
                                    


Kate Ferragni

I was dismissed from my own thoughts when I felt Nicko's hand on mine. I turned to my side to face him.

"We're home."

Doon lang ako napatingin sa labas ng kotse. Naka-parked na pala ang kotse sa harap ng bahay. Hindi ko man lang napansin ang pagdating namin dahil sa dami ng mga iniisip ko. Nalulungkot ako sa bagong buhay na haharapin ko dahil wala na ang ibang bagay na nakagisnan ko. I left everything three months ago but now, I was back. I had to face the truth, the reality.

Nicko squeezed my hand kaya napatingin ako sa kanya ulit. He was giving me an encouraging smile. "Everything will be fine, my amore."

His sweet endearment couldn't even make me feel better. Ganun siguro talaga kapag kailangan mo nang harapin ang reyalidad na sinubukan kong takasan noon. It felt like any thing or any person couldn't give me any comfort right now.

Someone opened the car door for us kaya napatingin ako roon. Nicko didn't let go of my hand. He was holding my hand as he walked out of the backseat kaya napasama rin akong lumabas ng kotse.

Binati kami ng mga taong nandito na alam kong mga bodyguard dahil sa suot nla.

Napakunot ang noo ko saka bumaling kay Nicko. "Bakit puro bago ang mga itsura nila? Nasaan na ang dating mga bodyguard?"

"I fired them."

"Ha? Bakit?" gulat na tanong ko.

"They are not doing their jobs well. They let you escaped, and they couldn't find you when I asked them to."

Nakaramdam ako ng konsensya. Nawalan sila ng trabaho dahil sa akin.

"Kasalanan ko 'yon, Nick. Sinadya kong tumakas sa kanila."

"It doesn't matter if it's your fault or not. If they're doing their jobs right, you could have not escaped from their watch. I can't afford having them watch you this time around. I need people who are better than them, especially now that I am aware how good you are in escaping and hiding. I can't lose you again, amore. I need the best ones, who can protect you and our babies."

Napaiwas ako ng tingin kay Nicko. Mukhang wala na siyang tiwala sa akin dahil nakayanan kong makatakas sa dating mga bodyguard na hinire niya. Kaya ngayon ay nag-hire siya ng mga mas magagaling para bantayan ako.

I never saw Nicko got mad at his employees. Mabait siya sa kanila. But he could be strict if he wanted to. He really wanted them to do their jobs.

"P-pumasok na tayo." Ayoko na kasing pag-usapan ang bagay na 'yon. Mukha kasing nang-aasar na naman siya dahil sa ginawa kong pagtakas. Isusumbat na naman niya sakin iyan kung gaano siya nag-alala.

Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya saka nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Ang tagal din simula nung huli akong tumira rito. Ang akala ko ay hindi na ako makakabalik ulit dito nung araw na umalis ako.

"Don't walk too fast," saway niya at pinantayan ako ng lakad.

Sinimangutan ko siya pero parang wala lang sa kanya.

"So stubborn," dinig kong sabi pa niya.

Akmang sasagot pa sana ako sa kanya nung biglang may tumili na, "Ate!"

Napatingin ako sa may-ari ng pamilyar na boses na 'yon. Tama nga ako. Si Kaila nga ito. Mabilis siyang tumakbo papunta sa gawi ko saka niyakap ako ng mahigpit.

"Na-miss kita, Ate!" sabi niya sabay halik ng halik sa ulo ko. "Nag-alala ako sa 'yo ng sobra. Buti naman nakauwi ka na!" naiiyak na sabi niya tapos binitawan ako ng yakap para tingnan ang buong itsura ko. Nakita kong napasinghap siya nung dumaan ang tingin niya sa tiyan ko. "Hala! Ang laki na ng tiyan mo, ate. Ang laki na ni baby!"

Together but SeparateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon