Chapter 6: Opportunity

30.1K 621 22
                                    


Kate Rojas

Maaga akong nagising para pumunta sa trabaho. Ang dami ko kasing naiwan na trabaho rito dahil mahigit isang buwan akong nasa labas ng bansa.

"Good morning, Maam."

"Good morning," nakangiting bati ko sa kasambahay. "Coffee lang po ang sa akin. Nagmamadali kasi ako."

"Okay po, Maam."

"Salamat," sabi ko saka nilagay ang mga bag ko sa kitchen bar saka naupo sa high stool. Dito ko nalang kasi iinumin ang kape ko dahil aalis din naman ako agad.

Habang naghihintay ng kape ko ay nakita ko ang isang kasambahay na may dalang newspaper.

"Iyan ba ang newspaper ngayong araw?" tanong ko sa kanya.

"Opo, Maam."

"Pwedeng pabasa ako?"

Napatingin muna siya sa labas bago bumaling sa akin. "Babasahin din po kasi ni Sir, Maam. Pinakuha niya po ito sa akin. Kung gusto niyo po, Maam, ay sa dining table po kayo kumain para hati kayo ni Sir sa pagbasa. Nandoon po kasi siya."

Nagulat ako nung sinabi niya na nasa dining table si Nicko. Maaga rin pala siyang gumising. Aalis din siguro siya ng maaga.

"Ah ganun ba. Okay lang. Ibigay mo nalang ang mga iyan sa kanya."

Tumango siya saka lumabas ng kitchen.

Nung dumating na ang kape ko ay ininom ko agad ito. Nagbasa nalang ako ng news sa iPad ko habang nagkakape. Tiningnan ko rin ang estado ng stock market ngayon. Ito ang gusto kong ginagawa sa umaga.

"I heard you are here."

Napaangat ako ng tingin nung narinig ko ang boses ni Nicko. Nakita ko siyang naglalakad papunta sa akin. Bihis na bihis na rin siya at ang linis niyang tingnan sa suot niyang tuxedo. Halos dalawang buwan ko rin siyang hindi nakita at nakausap.

Tumigil siya sa harap ko. Tiningnan niya muna ang kitchen bar kung saan nakapatong ang kape at iPad ko bago siya bumaling sa akin.

"My mom told me to ask you when you come back to have dinner with them. She has been waiting to see you since you agreed to meet with her and my dad."

Naalala ko nga ang araw na iyon. Kausap ko siya sa phone at pumayag akong makipagkita sa kanya pag-uwi niya rito sa Pinas. I bet she was already back dahil matagal na ang pag-uusap namin na 'yon.

"Yeah, I remember that. Kailan daw?"

"It is up to you. Just let me know when is convenient for you, so I can clear my schedule on that day."

Tumango ako saka sinabing, "This Saturday is fine."

"I have an important meeting that day. Do you have another day available?"

Umiling ako. "I will be busy next week. But if she is not in a hurry, maybe I can go see her in two weeks."

"Then she will keep bugging me for two weeks," napapailing na sabi niya. "Let's just do this Saturday. I might have to cancel my meeting or postpone it."

"Diba sabi mo importante 'yon? Okay lang naman sa akin na ako lang ang makipagkita sa mommy at daddy mo."

"That won't do. My mom will be upset with me if I don't join you."

"Ikaw ang bahala," kibit-balikat na sabi ko saka ininom ang natitira kong kape bago tumayo. "Aalis na ako."

Tumango siya sa akin. Naglakad na ako palabas ng bahay habang dala ang mga gamit ko. Kasama ko sina Kuya Cris at ang mga bodyguards na hinire ni Nicko.

Together but SeparateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon