Prologue

9.1K 191 7
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any resemblance to names, people and events are coincidental or either in the products of my imaginations only and used in a fictitious manner.

Expect every chapter of this story to have wrong grammars, typos at mga spelling po so bear with me please. And also watch out po sa strong language (Such as cursing, etc;)

Started: Jan. 31, 2024
Ended: June 16, 2024

***

Kakatapos lang ng shift ko sa isang convenience store kung saan ako nag part time job.

I'm a fresh graduate student at habang wala pa akong natanggap na tawag sa mga kompanyang inaaplyan ko ay magpapart time muna ako sa convenience store ng parents ko.

"Sorry talaga natagalan ako!" rinig kong pagpapaumanhin ni Sanny na kasunod ng shift ko.

24 hours kasi ang convenience store namin. Though may kasama pa kaming dalawa pero matagalan daw sila pumasok kasi may mga night classes pa sila.

Paalis na ako sa cashier stand ay bukambibig na naman ni Sanny ang istoryang binabasa nito online.

"Naku! Wala na si Zion siya pa naman ang idol ko sa istoryang binasa ko!" rinig kong sambit ni Sanny.

Napailing nalang ako sa mga sinasabi niya.

Nagbabasa kasi ito ng novel online and she's so obsessed with the villain on it kasi pogi daw ito kahit walang portrait naman, psh.

"Obviously, villain iyang Zion na 'yan kaya for sure mawawala talaga siya para happy ending ang mga bida!" ani ko.

Nakasimangot itong umiling-iling.

Hindi ko pa nabasa ang binabasa niya online but may ideya na rin ako dahil na rin ito ang palaging bukambibig niya pag mag change shift na kami.

"Haystt! Basta! Mas pogi pa naman si Zion kaysa sa male lead ah! Saka widow na si Zion kaya okay lang," anito.

I roll my eyes because of what she said.

"Ewan ko sayo, Sanny," ani ko nalang.

Narinig kong tumawa ito at nang paalis na ako sa convenience store ay bigla niya akong tumawag kaya nilingon ko siya.

"Bakit?"

"May usap-usapang may mga magnanakaw sa kalye rito sa district natin kaya mag-ingat ka pauwi," nag-aalalang sambit niya.

Napangiti tuloy ako.

May kumakalat na ngang balita tungkol sa mga krimen na naganap rito sa area namin. I know it's so scary pero kasi wala tayong magagawa kundi mag-ingat talaga.

"Don't worry! Ano ka ba?" ani ko, "Malapit lang naman ang bahay namin rito."

"Pero kasi.." napakamot ito sa batok niya bago nagsalita ulit, "Utos pa naman ng Papa mo na kapag tapos na ang shift mo ay tatawagin ko siya kung sakali."

Napangiti tuloy ako dahil sa sinabi. Kahit kailan talaga sina Mama at Papa, malaki na ako but they still treat me like a child.

I Became The Villain's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon