Chapter 27

2.3K 79 0
                                    

I already took a bath and change into my pajamas na dala ni Butler Enrod at ibang kasamahan niya kanina rito sa condo ni Sanny.

Now I'm blowing my hair in front of the vanity table while watching my reflection in the mirror.

Biglang tumunog ang phone ko and it means may tumawag base sa ringtone kaya hindi ko ito tinignan at sinagot agad.

"When are you coming back home?" rinig kong sambit sa pamilyar na boses. Si Zion.

"After I'm done meeting and talking with my parents," sagot ko as i look at my phone.

Hindi ko naalala na nakasave pala ang number ni Zion sa phonebook ko. It's so weird.

"...Shall i meet them too?" biglang sambit niya na ikinagulat ko.

Anong isasagot ko!?

Nag-alala kong nilagay ang hairdryer sa harap ko as i took my phone and stared at his name.

"Papasok na ako!!" biglang sigaw ni Sanny sabay pasok sa room na ikinataranta ko kaya na end ko tuloy ang tawag namin.

Napangiwi ako dahil sa nangyari as i stare at Sanny standing beside the bed.

"...Oh? Wh-Why are you giving me that scary look, A-Ally?" parang kinakabahan ito base sa boses niya.

"Nothing," sabi ko as i stand up and put my phone sa bedside then took the hairdryer in the vanity table. I put back the hairdryer kung saan ko ito kinuha before using it.

Sinuklay ko muna ang hindi na basa na buhok ko saka naglakad papunta sa kama.

Nakahiga na ako ngayon sa kama as i tried to close my eyes and sleep but i can't forget kung ano ang nangyari sa phonecall namin ni Zion because of Sanny.

I'm still thinking about our call earlier. I suddenly hang up the call! Ano nalang ang gagawin ni Zion sa akin!?

Bumuga ako ng hangin as i close my eyes. Matulog nalang ako.

But how many times have I tried to fall asleep in hindi talaga ako makatulog!

"Nasanay na yata akong matulog na katabi si Zion."

Napasinghap ako dahil sa nasabi ko. Anong pinagsasabi ko!? Seriously!

"Matulog ka na nga lang d'yan Ally! Your showing off na naman sa taong single dito!" sabat ni Sanny kaya uminit ang pisngi ko.

Doon sana siya sa kuwarto niya matulog pero kasi sleepover ang sinabi ni Butler Enrod kanina kaya naisipan ni Sanny na tumabi sa akin dito sa guest room.

"Doon ka na lang matulog sa kuwarto mo," pagtataboy ko nito. I still can't forget what happened earlier.

"No!" aniya.

Nanlaki ang mata ko nang bigla itong yumakap sa likuran ko. I turn my back on her kasi.

"Ang bango-bango mo talaga, Ally!"

Uminit na naman tuloy ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakikiliti din ako when she suddenly sniffed my hair.

"Umayos ka nga d'yan, Sanny!" saway ko nito at lumayo sa kaniya when i felt her arms softened.

"Tsk! Kung lalaki pa lang talaga ako, asawa na sana kita ngayon," bulong nito, "That Zion is really lucky, hmp!"

Kung pwede pa lang maging tomato ang mukha ko ay baka naging red tomato na nga ito ngayon dahil kay Sanny. Si Zion na naman kasi!

"Matulog ka na nga lang d'yan!" ani ko.

Nakatalikod pa rin ako sa kaniya kaya hindi ko makita kung ano ang hitsura ng mukha niya but i can hear her laughing.

Magsasalita pa sana ulit ako nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bedside and opened it. Bumungad agad sa akin ang bagong text ni Zion.

Kumunot tuloy ang noo ko at binuksan ito.

'Mother miss you.'

Huh? Ano naman kaya ang pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Oh? Akala ko ba matutulog na tayo, why are you using your phone?"

Umiling-iling nalang ako.

"Wala," ani ko.

Pero bigla nalang niyang kinuha ang phone ko kaya humarap ako sa kaniya and i saw how her eyes lit up and smiled cheekily at me.

"Mother miss you daw sabi niya."

Hinablot ko ang phone ko and hid my phone in my chest habang nakasimangot akong nakatingin sa kaniya.

"Sana all na miss ng mother-in-law," mahinang usal nito at tinalikuran ako.

"Shut up."

Hindi ko naalala kung paano ako nakatulog basta nagising lang ako dahil sa maingay na boses.

"... She's really here in front of us, dear!" pamilyar ang boses ng babae.

She sounds like my... mother.

I covered my face and turned around. Baka panaginip lang ito.

"We should let her sleep some more," mahinang usal ng pamilyar na boses ng isang lalaki.

He sounds like my.. father.

Kahit nakapikit ako ay feeling ko this is just a dream! Why can i hear my parents voice!?

Bumilis ang tibok ng puso ko as I slowly opened my eyes at bumungad sa aking harapan ang dalawang tao na  nakatayo sa tabi ng higaan ko.

When my vision cleared, nanlaki ang mata ko sa nakita.

Mukha ng Mama at Papa ko before i came here ang nasa harapan ko!

Napabalikwas tuloy ako ng bangon as i hid my face using the quilt.

I pinch my cheeks harder and slap my face with a little strength.

"This must be a dream. I have to wake up. I must wake up!" mahinang bulong ko.

I feel my cheeks hurt because of how hard i pinched my cheeks and slapped it kaya napangiwi ako.

Nararamdaman ko nalang na tumulo ang luha ko habang nakatago pa rin ako sa kumot.

Miss ko na sila! How i wish this is all true!

"...Why is our daughter hiding us, dear?" biglang sambit nung ka boses ng Mama ko.

"That's what happened when your parents suddenly barged into your room without making a sound and our daughter just woke up, Alena."

Hindi ko mapigilang humikbi nang marinig ulit ang pamilyar na boses ng mga magulang ko.

Hindi ko alam bakit sila nagsalita ng english. My parents always speak in tagalog! How come they speak fluently in English?

"Did our daughter cry, Fedel!?" I can feel my Mama's familiar voice being worried.

"...It seems so."

Nagulat ako nang may humawi sa kumot kaya yumuko ako as i tried to wipe my tears but it won't stop falling.

"A-A-Ally..."

I raise my head at bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ng babae na ngayon ay tumulo na ang luha while covering her mouth habang ang katabi nitong lalaki ay ngumiti ngunit may mga luha sa mga mata nito as he look at me.

***
GEL

I Became The Villain's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon