Chapter 14

2.9K 108 0
                                    

Dahil sa sakit na nararamdaman ko sa bibig ko ay tinulak ko ito pero hindi siya nagpatinag. Hindi na din ako makahinga.

He was about to deepen the kiss when somebody knocked on the door outside my room. Our room perhaps.

Thank you talaga kung sinuman ang kumatok ng pintuan ng bedroom namin.

"Old Madam wants to eat breakfast with both of you, Sir and Madam."

Zion pulled away from me at tinitigan ako ng malalim kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"..Your face is easy to read, Ally." Namumula na ang pisngi ko as I felt his breath in my cheeks.

"You're disappointed we didn't continue making my little Zion," dagdag nito.

I want to slap his face pero hindi ko magawa kasi maputi pa naman siya baka mamumula lang ang pisngi dahil sa sampal ko. Sayang ang pogi points niya. Psh.

I turn my head and look straight into him as i didn't utter a single word.

Assuming naman nitong lalaking 'to! Tigang lang yata 'to eh! Kung anu-ano ang iniisip.

Nabasa niya yata kung ano ang nasa isip ko kasi tumawa lang ito at tumayo ng maayos sabay umiling-iling.

"Get up now. We'll have to eat breakfast with Mom," aniya at naunang pumasok sa banyo.

Bumuga ako ng hangin at tumayo saka kumuha ng pambahay na damit at sa guest room na ako naligo.

Pagbaba ko pa lang sa hagdan ay nadatnan ko ang ina ni Zion na kinakausap nito si Butler Enrod ng mahinahon at sumagot naman si Butler Enrod o di kaya ay tumango ito.

Umangat ng tingin si Butler Enrod sa akin at ngumiti ito kaya lumingon ang ina ni Zion sa akin at sinusuri na naman ako.

"Good Morning, Madam. Sir is already in the dining hall, Madam."

Tumango ako kay Butler Enrod at nagdadalawang isip pa ako kung babati ba din ako sa kaniya kasi nasa harap niya naman ang Mama ni Zion.

Ano ba naman 'to!? Kinakabahan na tuloy ako.

"...Good Morning po," bati ko nalang sa ina ni Zion.

I still have to respect the elders. Iyan pa naman ang palaging tinuturo ng Mama at Papa ko noong ako ay buhay pa sa mundo ko ba talaga 'yon? Or ito ba ang mundo ko? Who knows. Masasagot ko din ang mga katanungan ko soon, hopefully.

"Madam, did you and Sir do 'it'?" biglang sambit ni Butler Enrod nung papalapit na kami sa dining hall.

Nanlaki tuloy ang mata ko dahil sa tanong niya at napatingin sa Mama ni Zion na nakatingin din pala sa akin habang nakataas ang isang kilay nito.

"..Err.. well--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi may biglang nagsasalita.

"Sweetheart!" biglang bati sa ina ni Zion sa bagong dating lang na lalaki.

Tinitigan ko ito at magkamukha talaga sila ni Zion. Older version lang siya. No doubt about this, Ama ito ni Zion.

"Bakit ngayon ka lang?" malamig na sambit ng ina ni Zion kaya kinakabahan na naman ako ng todo.

Oh no. Baka mag-aaway sila sa harap ko.

I look at Butler Enrod pero ngumiti lang siya sa akin kaya binalik ko ang tingin sa parents ni Zion.

"I'm sorry, Sweetheart. Ang anak kasi ni Gelo hindi ako binitawan at umiyak pa talaga siya," paliwanag ng Papa ni Zion sa asawa.

"That little kid wants to get you away from me!" giit ng ina ni Zion.

Tumawa tuloy ang ama ni Zion.

"Sweetheart, don't be jealous to our granddaughter."

Kumunot tuloy ang noo ko. Wala namang sinabi sa story na may apo na ang mga magulang ni Zion ah! Only child lang kaya si Zion! So.. how come?

Nagtataka na tuloy ako. Baka anak sa labas ni Zion-- Impossible! Stop thinking, Ally!

Napabalik lang ako sa reyalidad nang nagsalita ang ina ni Zion.

"Psh. Coax me!" Nanlaki tuloy ang mata ko dahil sa tono ng boses ng Mama ni Zion.

She's acting like a child for goodness's sake! Siya ba talaga ang ina ni Zion base sa online story? Retired General ang ina ni Zion at cold ito pero bakit--?

Nagdadalawang isip na tuloy ako kung reliable ba talaga ang binasa kong story na 'My Lily' sa online.

"I'm here now, my love," paglalambing ng ama ni Zion sa asawa nito.

"Honey! I'm so glad you're here," bati ng ina ni Zion as she walked towards Zion's Dad and they suddenly kissed right in front of me.

Nanlaki tuloy ang mata ko as I can feel my cheeks burning hot at umiwas ng tingin kaso timing naman na nasa pintuan na pala si Zion at nakatingin sa akin.

The couple is still being lovey dovey kaya i have no choice but to leave them papasok sa dining area.

"Saan ako uupo?" nahihiyang tanong ko kay Zion.

He's now looking at me na para bang nagsasalita ng obviously sa tabi niya.

Nasa dulo kasi ng mahabang mesa siya nakaupo kaya naisipan kong sa right side niya nalang ako uupo. Nakalimutan kong head pala siya ng Cartridge Clan.

He chuckles, "Don't mind my parents. They just love each other very much."

Napatango naman ako sa sinabi niya. I didn't know how much love his parents are towards each other kasi wala namang binigay na detalye sa online story. Pero kung under ang papa ni Zion sa ina nito ay sure akong mas malabo pa ang pag-iibigan nila.

Napatingin tuloy ako kay Zion na ngayon ay nakatingin din pala sa akin.

Sweet naman ang parents ni Zion so bakit ang coldhearted at ruthless naman niya?

"You look nothing like your parents," biglang sambit ko.

Napatikom tuloy ko sa bibig ko at yumuko.

"... Seriously." I raise my head to look at him at nakatingin pa rin siya sa akin kaya nag-alala tuloy ako kung may dumi sa mukha ko.

"Busog ka na ba kakatitig sa mukha ko?" pagbibiro ko nito.

Tinignan lang ako ni Zion ng matalim.

"Eat," ani Zion at nauna ng kumain.

I follow what he says at nagsimula na ring kumain ng mahinahon.

Ilang subo ko lang ay pumasok na ang mga magulang ni Zion sa dining area kaya i raised my head and look at both of them na ngayon ay nakatingin na din pala sa akin.

Umupo ang mga magulang ni Zion sa tapat ko na nasa left side ni Zion at nagsimula na din silang kumain.

Tanging ang mga kubyertos lang ang nagbigay ng ingay sa dining hall.

Kahit naiilang ako ay kumakain pa rin ako. Breakfast is the important meal of the day pa naman.

"Zion, tell your wife that we will be shopping at the mall you recently owned," biglang sambit ng ina ni Zion.

Napaubo tuloy ako ng mahina kaya nagmamadali akong uminom ng tubig.

"Mom, my wife is right in front of you. You should tell her that."

I slowly raise my head to look at Zion at nang ngumiti ito ay saka ako tumingin sa mga magulang niya na ngayon ay gulat na nakatingin ng pabalik-balik sa amin ni Zion.

"I finally saw my son smile for the first time!" mahinang usal ng ina ni Zion.

"Not bad," ani ng ama ni Zion.

Napakunot tuloy ang noo ko sa mga magulang ni Zion at biglang napaisip.

Weird.

Pero kinakabahan ako sa sinabi ng ina ni Zion earlier na magsho-shopping kami. I want to cry without tears.

***
GEL

I Became The Villain's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon