Chapter 5

3.9K 121 0
                                    

"Excuse me?" sambit nung brunette.

"You're excused," ani ko.

Bigla siyang lumapit sa akin kaya madaling humarang sa harap ko ang mga tauhan ni Zion.

"Miss, off limits," rinig kong sambit nila as they tried to get the brunette girl away from me.

"Psh! Let me go!" naiirita na ito kaya binitawan naman ng mga tauhan ni Zion but they still stand like a barrier for my protection to this woman.

"Nakapag-asawa ka lang ng mayaman nagiging strikta ka na sa akin, Ally!" parang naiiyak nitong sabi na ikinagulat ko.

Anong--!?

"I'm your fucking bestfriend, Ally Cole!" She steps back as I see how her eyes get teary. "Your one and only bestfriend at that!"

"..." Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya.

"Ako 'to! Si Sanny!" biglang sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"S-Sanny!?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Yung tauhan nina Mama sa convenience store? Yung nagiging kaibigan ko na si Sanny?

"Sanny Bels! We both live abroad, Ally!" Parang hindi makapaniwalang sambit niya. "Do you, perhaps, have a fucking amnesia?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nalilito na ako sa mga nangyayari. Hindi siya si Sanny na kilala ko before I died. I misunderstood.

".."

"Madam, should we call the guards of this mall to get her out of your sight?" biglang sambit nung isa sa mga tauhan ni Zion as he turned his head and looked at me kaya umiling ako.

"Mag-uusap lang kami," ani ko.

They can't believe I told them that kaya i tried to pursue them na layuan kami ni Sanny Bels na 'to ng ilang metro lang.

I can feel this Sanny Bels lock her arms around my arms and stare at me intently.

"Ano ba'ng nangyari sayo friend? You suddenly cut all contact with us!" aniya.

Huminga ako ng malalim. Maybe she can get me some information about my character.

"Actually.. may mga hindi ako naalala," nahihiyang sabi ko.

I can't lie to this brunette Sanny Bels kasi I think she knows my character more than Zion Cartridge.

"What the--!? Seriously!?" gulat nitong sabi as she covers her mouth.

Lumingon tuloy ang ibang customer sa amin lalo na ang mga tauhan ni Zion.

"Huminahon ka nga!" saway ko nito.

"Paanong mangyari 'yon? You were just fine the night after Carlo broke up with you!" hindi makapaniwalang bulong niya sa akin.

"That's.. just happened, I guess."

Pero anong sabi niya? The night after Carlo broke up with me? Pamilyar iyang pangalan na Carlo na 'yan ah!

"I presume, this will be a long time for me to tell you what happened then," aniya as she grabbed me at naghanap ng upuan.

When she finds one ay umupo ito kaya sumunod ako as Zion's men are standing not far away from us.

"Wala talaga akong maalala kaya pasensya ka na hindi kita nakilala kanina," ani ko.

"Hmmm.." She suddenly slaps her forehead as she speaks. "Your name is Ally Cole. Incoming third year ka na sana sa university na pinasukan natin but after Carlo broke up with you, bigla ka nalang nawala ng parang bula!"

I held my breath as I tried to process what she was saying.

"We're searching everywhere for you! God knows how your family is so worried about your disappearance!" aniya.

"I.. I have a family?" hindi mapigilang tanong ko nito.

Tumango-tango siya as she looks at me sadly, "You have a loving family behind you, Ally. Ano ba naman kasing nangyari sayo at bakit ka may amnesia?"

Umiling ako habang bumuga ng hangin.

"Hindi ko nga maalala eh," ani ko.

"Can I ask your rich husband about what happened to you then? Baka may alam siya sa nangyari sayo! He brought you here remember?" aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman 'yan?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Ngumisi siya as she leans her face towards me.

"I'm your protector," aniya, "kidding hahahaha."

Umiling nalang ako sa sinabi niya.

"Anyways nalaman ko na talagang nandito ka dahil na rin sa sirang cellphone mo. You put some gps at the back of your phone at connected naman ang gps mo sa phone ko kaya natagpuan kita," paliwanag niya.

"Bakit hindi mo ako kinuha sa asawa ko?"

"Your disappearance became a big deal for all of us, Ally. Parang may sindikato ang nasa likod ng pagkawala mo," aniya.

"Bakit ang dami mong alam?" mahinang usal ko.

She leans forward again and stops beside my ear.

"I forgot you have amnesia. My work is an undercover agent so I know a lot. Alam ko nga na may nagligtas sayo which is now your husband so I didn't get you away from him," aniya.

Napabuntong hininga ako as I process all of the things I knew from Sanny.

"If that's the case then..." I held my breath. "Anong gagawin ko ngayon?"

Sumandal siya sa inuupuan niya at bumuga ng hangin as she turns her head outside the antique store.

Nasa gilid lang kasi kami ng salamin na bintana kaya kita yung labas ng antique store which some people come and go in the entrance not far away from us.

"You have to stay in your husband's care. You're safe with him," aniya.

"D-Do you know him?" mahinang usal ko.

"I know him because of your case. Anyway hindi ko sasabihin sa pamilya mo na nandito ka sa pinas. Good thing your style change as well as the color of your skin," anito.

Hindi ako umimik at tinitigan lang siya while she's still staring outside.

"I still have to know more about the situation behind your disappearance. Baka may kinalaman iyong ex mo..," she mumbled.

"Sino ba ang ex ko na sinasabi mo kanina pa?" curious kong tanong nito.

"Carlo." Her voice sounds so distant at parang galit siya sa taong iyon.

"Who?"

"Carlo Ville," aniya na ikinalaki ng mata ko.

Ang male lead! Siya ang ex ko? Paanong nangyari..!? Walang detalye about sa past ng male lead! What is happening!?

"I have to go, Ally. Don't worry, nasa paligid lang ako. Anyway hindi ko alam kung bakit may amnesia but I'll try to find some answers to that. Alis na ako," rinig kong sambit niya pero nakatulala lang ako sa kawalan.

Napabalik lang ako sa reyalidad nang may tumawag sa akin.

"Madam!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin at ang isa sa mga tauhan lang pala ni Zion.

"..." Hindi ako umimik at tumingin sa harap ko pero wala na pala si Sanny.

Hindi ko namalayan na umalis na ito sa harap ko but she left me a small white paper with some string of numbers on it at may nakasulat pa na I can call her pag may problema ako.

Is this really the story I read before I died? Bakit andaming nangyari na wala naman sa istorya?

Habang nagpatuloy ako ng shopping as per Zion's orders ay hindi ko mapigilang mag-isip sa mga nangyayari.

Is this time perhaps nung hindi pa nagsimula ang istorya ng 'My Lily'?

***
GEL

I Became The Villain's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon