Chapter 32
"You took my heart away...when my whole world was gray"
Napangiti ako habang pinapakinggan ang malamyos at malamig niyang boses.
"You gave me everything...and a little bit more"
Halos mapapikit ako dahil sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.
"And when it's cold at night, and you sleep by my side" marahan niyang hinaplos ang buhok ko mula sa likudan.
"You become the meaning of my life"
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa huling liriko ng kanta. Alam ko na kahit liriko lang iyon ay naging dahilan parin ito para magdulot ng milyo-milyong boltahe sa katawan ko.
"Pwede ka nang maging singer niyan" biro ko para mawala yung kabang nararamdaman ko.
I heard him chuckled "I'm out of tune"
Napairap ako dahil alam kong hindi man niya nakikita, nasa likuran ko kase siya at nasa pagitan niya ako ng mga hita niya habang nakasandal ako sa dibdib niya mismo.
"Hindi kaya, kasing galing mo na ngang kumanta si Cade" ngiti ko.
"Who's Cade?" muntik na akong matawa dahil sa naging seryoso ang boses niya.
"Cadence Dayn Monzalgo, duhh yung sikat na binatang singer yieeeee at sobrang gwapo pa!" kinikilig na tili ko at napalingon sakanya na ngayo'y matalim ang tingin.
"Sinong mas gwapo sa aming dalawa?"
Muntik naman akong matawa dahil sa sinabi niya.
Pero dahil ang cute niya ngayon.
"Syempre..." saglit akong tumigil at napatingin sakanya, mariin naman niya akong pinagkatitigan.
Muntik ulit akong matawa.
"Sino?" nakakunot noong sambit niya.
Natawa na ako ng tuluyan "Ikaw, sino pa ba?" narinig ko naman ang paghinga niya ng maluwag.
Napailing-iling ako.
Kung sinabi ko bang si Cade, ano kaya ang nagiging reaksyon ng selosong ito?
"Sorry kung iyon lang ang kaya ko. I'll find time to practice so that it will satisfy you"
Muntik na akong mapabungisngis ng tawa pero nadaan lamang ito sa isang pagngisi "Huwag na. Basta ang importante sa susunod na kakantahin mo iyon ay kompleto na. Maganda naman yung boses mo kaya no need ka ng magpraktis" paninigurado ko pero nakarinig lamang ako ng isang naiinis na pagdaing.
Lihim akong natawa.
"Bakit kase ayaw mong maniwala? Maganda nga yung boses mo, malamig at malamyos ang kailangan mo lang eh, imemorize yung liriko para sa susunod eh hindi ka na titigil at dirediretso na"
"I don't want to be just an average in your eyes, I want to be the best" he said casually.
Napailing-iling naman ako. Hindi ko talaga aakalain na may ganito siyang side, yung clingy, touchy, OA, corny, cheesy at minsan eh pabebe.
Sa loob ng ilang buwan na nakasama ko siya eh mas lalo akong nahuhulog sakanya, mas lalo kong nakikilala ang ibang sides niya at iyon ang mga dahilan kung bakit ako nahulog at mahuhulog nang paulit-ulit.
Hindi ko aakalain na iibig ako sa sarili kong asawa, na pinakasalan ko dahil sa isang kasunduan. Hindi naman talaga ako naniniwala sa pag-ibig, pero doesn't mean na hindi ko na siya mararanasan, ang hindi ko lamang inaasahan ay isang katulad ni Stefano ang magpaparamdam sa akin kung paano magmahal at mahalin dahil sa iisipin ay pwede naman na kung sino diyan...pwede naman na yung delivery guy, yung driver, yung security guard, at pwede naman na yung kapitbahay namin pero dahil sa mukhang si Stefano ang pinadala ng Diyos sa akin ay sobra akong nagpapasalamat dahil alam kong lahat nang nangyayari ay may dahilan.

YOU ARE READING
Married To A Monster
RomanceD e v i l r i e s S e r i e s # 1 Marriage. Marrying. Married. In a world where love is a luxury she doesn't believe in, Joelorie faces an unexpected offer from a man as cold and mysterious as he is compelling. Stefano Galvin Monstero isn't just an...