lunch break na. masyadong nabored ako sa klase kasi wala namang masyadong ginawa. hindi rin naman ako makapag pokus dahil iniisip ko si kd. cute niya eh
lumabas ako sa room at balak kong hanapin ang room ni kd. nagpalinga linga ako, nagbabakasakali na mahanap siya pero bigo ako.
sinubukan ko nalang magtanong tanong sa mga kakilala ko.
"Janna, alam mo ba ang room ng bagong transferee natin?" tanong ko sa babaeng kaharap ko.
Nahihiya itong tumango. "Nasa kabilang building, second floor. GAS student siya"turo nito sa kabilang building.
ngumiti ako. "salamat janna" tanging sambit ko nalamang saka nagtungo sa kabilang building.
Nang makarating ako sa kabilang building ay agad akong nagtungo sa ikalawang palapag nito saka hinanap ang GAS room. nag iisa lang naman ang GAS strand dito kaya hindi ako mahihirapan.
Magkakaiba ang building ng bawat strand at sa baba niyon ay faculty na. Humss student ako kaya wala akong hiya.
Naglakad ako patungo sa room niya saka walang pasabing pumasok. konti lang naman na ang tao sa loob ng room dahil break time na. hinanap ng mata ko si kd at nakita ko siya sa likod nakaubob sa mesa niya.
napangiti ako at hindi pinansin ang mga matang nakatingin saakin. pinanood ko siyang natutulog ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay mukhang hindi talaga nito maramdaman ang presensya ko kung kaya'y nabagot ako.
pinitik ko ang tenga niya ngunit walang nangyari kaya pinitik ko ulit ito pero malakas na ang sumunod. Agad na napabangon ito sa pagkaubob at masamang tumingin saakin.
kumaway ako at umaktong inosente. "hindi mo kasi ako pinapansin kaya ginising kita."Nakangiti kong sambit.
inis itong tumingin saakin. "Malamang, tulog ako eh. Bakit mo nanaman ba ako ginugulo?"inis nitong tanong.
napakibit balikat ako. "namimiss na kita eh"
narinig ko ang mga reaksyon ng iba nitong kaklase na nanonood pala sa pagtatalo namin.
"tumigil ka nga. nakita mo palang ako kanina tapos namimiss kaagad? siraulo ka ba?"inis na inis nitong tanong.
halatang badtrip saakin at ayaw ako kausap.
"yun ang nararamdaman ko, kd. atsaka siraulo agad? Pwede mo naman sabihin na namimiss mo din ako eh. pakipot"pang aasar ko sakanya.
umasim ang mukha nito. batid kong hindi niya na nagugustuhan ang mga pinagsasasabi ko.
"bumalik ka na sa room mo at huwag mo na akong guguluhin. sinabi ko ang pangalan ko kaya tumigil kana."mahinahon nitong sambit saka tumayo.
napatayo rin ako ng matuwid saka hinawakan ang ibaba ng damit niya. "teka, ang harsh mo naman saakin. oo nga't sinabi mo na ang pangalan mo pero gusto kita maging close."makulit kong sambit.
napabuntong hininga na lamang ito saka inalis ang kamay kong nakahawak sa laylayan ng damit niya. nagpatuloy ito sa paglalakad palabas ng room at nagkunwaring hindi naririnig ang pagtawag ko sa 'ngalan niya.
napangiti ako ng pagkatamis tamis. 'yan ang gusto ko, pinapahirapan ako.
paglabas ko sa room niya ay nagmadali akong sundan ito. hindi ko na maaninag ang bulto nito kaya sa tingin ko'y Pinagtataguan ako.
Napabuntong hininga ako. grabe, parang nakakahawang sakit ako kung layuan niya.
Bumaba ako sa building nila saka balak ko sanang pumunta sa Kabila, kung saan naroon ang Babaeng transferee noong nakaraang linggo.
Pagtapak ko pa lamang sa labas ng silid nila ay agad nanlalaki ang mga mata ng kaniyang kaklase. ang iba ay kinakabahan
"andiyan nanaman si norem"
Itago niyo si candy, baka pagtripan nanaman"
"Gago pre, short mo napunit"
inilibot ko ang mata ko sa silid at huminto iyon sa babaeng halos kalahati lang ang katawan na nakapasok sa broom box. WTH?
kinakabahan itong tumingin saakin. "k-kumusta norem?" kabado nitong tanong.
ngumiti lang ako saka naglakad papalapit sakanya. pigil hininga ang kaniyang mga kaklase Habang si Candy naman ay halos maligo na ng pawis.
"Namiss kita candy. namiss mo din ba ako?" Ngiting aso kong tanong.
napatulala ito saglit. "O-Oo n-namiss kita norem" utal nitong sambit.
Hinawakan ko ang dulo ng buhok nito saka biglang hinatak kung kaya'y limitaw ang tunay na buhok nito. hindi pantay-pantay ang gupit saka tabingi ang bangs
nahulog sa sahig ang kaniyang wig. halos matawa ang lahat sa nasaksihan at ako naman ay halos mamatay na kakatawa.
Ang babaeng kaharap ko ay parang maiiyak na. lumapit ako sakaniya saka bumulong.
"that's for Bullying my cousin, wig girl."malamig kong sambit.
natuod ito sa pagkakatayo saka hindi saakin makatingin ng diretso.
ngumiti ulit ako pagkatapos ko sakaniyang bumulong saka lumabas ng room. narinig ko pa ang ilang sinabi ng mga kaklase niya.
"Hanep talaga si norem, hindi talaga tinitigilan si candy."
"dapat jan isinusumbong sa guidance. bullying yon"
"Sino kumuha nung brief ko?!"
Wala naman na akong gagawin kaya naman napagdesisyunan kong bumalik na lamang sa silid ko. maraming tao ang kumakaway saakin saka tumitingin. hindi na bago yon, sikat kasi ako rito. mabait ako eh
Malapit na sana ako sa building ko ng matisod ako sa isang bato. punyemas
nagkipaghalikan ako sa semento. tumayo ako at umaktong parang walang nangyari saka napalinga linga. napahinga ako ng maluwag nang makita kong walang ibang taong nakatingin.
magpapatuloy na sana ako sa paglakad ng may narinig akong bungisngis mula sa likod ng hagdan.
"That's funny. really, so clumsy."Pang iinis nito saakin.
nagulat ako nang makita ko kung sino iyon. si kd na may hawak na libro.
"n-nakita mo 'yon?"utal kong tanong.
napamulsa itong naglakad papalapit saakin. "yeah and you look pretty stupid." insulto nito
Hindi ko alam ngunit naramdaman ko na lamang na parang may lumilipad na paro paro sa loob ng tyan ko at parang uminit ang buong mukha ko. god, why I'm flustered?
"alam mo kd, imbes na mainis ako sayo ay mas lalo kitang nagugustuhan sa tuwing iniinsulto mo ako. "Nakangiti kong sambit.
napangiwi ito. "you're so weird. really weird.."Tanging usal nito.
"ngayon lang ako naging weird dahil sayo. "nakangiti ko nanamang sambit.
napabuga ito sa hangin saka tumalikod saakin ngunit bago maglakad papalayo ay nagsalita pa ito.
"Stop liking me. damn it!"inis nitong sambit habang nakatalikod.
naglakad ako hanggang sa nasa gilid niya na ako.
"I can't kd. "pagkasabi ko niyan ay natuod siya sa ginawa ko. hinalikan ko siya sa pisngi. "I'm whipped, Kd. gustong gusto na kita"
saka iniwan ko siyang na estatwa na ata sa gulat. namumula ang pisngi kong bumalik sa silid ko.. I kissed him
Kahit sa pisngi lang iyon ay pakiramdam ko ikakasal na kami.
Parang gusto kong palitang ang aming guro at ako na ang magturo sa buong klase tungkol sa pag-ibig ko kay kd.
BINABASA MO ANG
Shifting Sands [UNEDITED]
RomanceElsinore Maiorani, a devoted wife and mother, became a mysterious assassin within the Celio organization to protect her loved ones. Her husband was her confidant, and together they plotted to end the organization's grip once and for all. Theirs is a...