CHAPTER 9

18 5 4
                                    

ilang oras pa, ganun katagal ang naging pauusap namin nila thadron. wala silang ibang ginawa kundi ang asarin ako saka ubusin ang pasensya ko.

Thadron Vareoti, our good friend who lives in spain. pero sa tingin ko ay wala ito ngayon sa spain kundi nandoon siya sa England kung saan nakatira si Iura. kasama kasi niya ang mga kaibigan nito na taga England din. hindi ko nga alam paano kami naging magkakaibigan eh

Rio is something who's so close to us. very close to the point that- uh nevermind.

Pagkatapos maibaba ang tawag, nagtinginan kami ng pinsan ko pati ni kailani. isang ngiwi lang ang isinukli ko sa matamis nitong ngiti.

"Nakakainis pa rin kayo. "pairap kong sambit.

tumawa sila tsaka ako hinawakan sa balikat. "uyy, si elsinore minumulto ni rio~" pang aasar nila.

hindi ko nga alam kung nagpapanggap lang bang lasing kanina si Iura dahil sa nakikita ko ngayon, parang hindi diya galing sa club at lumaklak ng sandamakmak na alak.

inalis ko ang mga kamay nila sa braso ko napamewang sakanilang tumayo.

"Shut up you guys. I hate you!" madrama kong sambit saka umarteng naiinis ng sobra sakanila.

itinaas nila ang kanilang kamay na para bang sumusuko na. "Fine fine, pft."

napasabunot ako sa sarili kong buhok. bwiset talaga, natatawa pa eh. wala namang nakakatawa ah

hindi ko na sila pinansin saka kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ng short ko. i mean ni Iura kasi hiniram ko lang itong damit at short niya

nagulat ako nang makita ko ang oras. shoot, 10:13 pm na. paniguradong sarado na ang dorm

"Iura, ihatid mo ako pabalik ng dorm." nagmamadaling utos ko.

kumunot naman ang noo ng dalawa. "Elsi baby, it's already 10 pm. 8pm ang sarado ng dorm niyo so you should spend the night here nalang in my house."suhestiyon nito na sinang ayunan naman ni Kailani.

"no way. kapag hindi kami natulog sa kaniya kaniyang dorm, mapaparusahan kami. unless it's wash daw na pwede umuwi sa kani-kanilang bahay." paliwanang ko. "at isa pa, basta mo lang naman ako hinila paalis sa klase para sa pag club mo so it's not an excuse para matulog ako sa labas ng Campus."

napakamot nalang sila sa batok saka sinamahan ako palabas ng mansyon. silang dalawa daw maghahatid saakin kasi may konting hangover pa si Iura kahit hindi naman halata.

pumasok kami sa kotse ni Kailani na ginamit namin paalis ng club saka minaneho na ito patungo sa Campus.

nakatingin lang ako sa bintana buong byahe. madilim na ang daan at tanging mga street light nalsng ang nagbibigay saamin ng liwanag. isama mo narin ang ilaw sa kotse nito

ilang oras pa ay nakarating na kami sa Campus. laking pagpapasalamat ko dahil bukas pa ang malaking gate at tanging ang guwardiya lamang ang naroon, bakaubob sa mesa nito mukhang nakatulog na.

wala pa kasi ang kapalit nito sa pagbabantay ng Campus. 11pm ang dating ng papalit sakaniya kaya kailangan niyang maghintay kahit anong antok pa nito.

hindi na ako nag ingay nang makababa sa kotse at hindi na rin ako nagpahatid pa kanila Iura dahil gabing gabi n, baka mapano pa sila sa daan kung magtatagal pa sila.

nagpaalam na sila saakin at pinanood ko nalamang ang papalayong kotse ni kailani sa  Campus.

nang mawala na ito sa paningin ko ay agad na naglakad ako patungo sa dorm namin. medyo madilim na ang paligid dahil nga mag aalas onse na at tanging iilan na ilaw nalamang ang nagsisilbing liwanag ko upang makarating sa dorm.

Pagpasok ko palang sa gate ng dorm, agad na may humarang saakin na matangkad na bulto ng isang tao. madilim na sa parteng ito at tanging liwanag mula sa di kalayuan ang nagsisilbing ilaw ko upang may makita parin sa dilim kahit papano. tulog na kasi ang mga dormmates ko kaya wala ng ilaw.

"You're early." ramdam ko ang sarkasmo sa boses nito. kilala ko siya

"Bakit ka nandito kd?"takhang tanong ko. yes, he's kuel. ang lalaking kaharap ko ngayon ay walang iba kundi ang masungit at bipolar na crush ko.

hindi ako nito sinagot. "uyy, ikaw ah hinihintay mo pala ako. nag abala ka pa" pang aasar ko sakaniya.

pinitik nito ang noo ko. "huwag kang assumera, hindi kita hinihintay." masungit na sambit nito.

"eh bakit ka narito? at sa dorm pa talaga ng babae ah" mausisa kong tanong.

pinaningkit ko pa ang mata ko at sinusuri siya. naaninag ko ng konti ang mukha nito at nakita ko ang pag irao niya saakin. ang taray

"ang nag a-assist sa dorm na ito ay nakiusap saakin na hintayin ka dahil kailangan niyang umuwi sa bahay nila, emergency daw."paliwanag nito.

"Paano nalang kaya kung tinanggihan ko ang pakiusap niya? edi magpapagod siya at magpupuyat sa isang taong gala at uuwi ng hating gabi." dagdag pa nito.

"Tigilan mo nga ako, I'm so tired na so please lang bukas mo na ako sermonan. i want to rest" reklamo ko

"fine. Go to your room ang rest. sana ay huwag na itong mauulit dahil nakakaabala ka sa mga tao."masungit na sambit nito.

tumango nalamang ako ngunit maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ng dorm ko, narinig ko ang mahinang tanong nito.

"Where were you earlier?"nag aalinlangan nitong tanong. "Don't think too much. I'm just asking to give madame Kriz a goddamn reason why you're late today."dagdag nito.

napanguso ako, sayang umasa pa naman ako. akala ko pa naman concern siya saakin at namimiss niya ako.

"diyan lang, nag club. umuwi kasi ang oinsan ko at halos tatlong taon kaming hindi nagkita kaya nag bonding na rin kami kasama ng isa ko pang kaibigan."paliwanag ko.

hindi ko sinabi ang ginawa ko sa club. hindi naman mahalaga iyon at baka kung ano pa ang isipin niya tungkol saakin.

"bonding with a guy?"

nagulat ako sa tanong niya kaya napatingin ako sakaniya. paano niya nalaman na may kasama akong lalaki?

"How'd you know?" curious kong tanong. puno ng pagtataka ang mukha ko

nakapamulsa itong naglakad palayo saakin isang metro na ang layo ngunit nagsalita muli ito.

"simple." sambit nito " i saw you earlier talking to a tall guy and he's freakin' touching you."

halos matuod ako sa kinatatayuan ko. oh gracious, nandoon siya kanina?

"a-anong oras ka dumating sa club?" kinakabahang tanong ko dahil baka nakita nito ang ginawa ko kanina. umaasa ako na sana ay hindi niya ito nakita

"aroud 7pm."

nakahinga ako ng maluwag. sakto lang pala iyon sa pagdating ni rio

akala ko ay mas nakakakaba ang malaman na naroon siya sa club ngunit mas malala pala ang nararamdaman ko ngayon. kaba mula sa salitang lumabas sa labi niya

"I'm jealous, Elsinore."

huling sambit nito bago tuluyang nagkalajad papalayo saakin. para akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko  ngayon. naubos ata ang buong lakas ko sa salitang lumabas mula sa labi ni Kd. asan na ang tapang mo norem?

napakagat labi ako at nakangiting nagtungo sa kwarto nang maka recover sa pagkagulat. sana pala ay lahat ng lalaki roon sa club ay nilapitan ko na kung alam kong magseselos siya. now that's new

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon