Natapos ang klase ng maaga. 3pm palang at marami pang oras para magliwaliw. nagbabalak nga si Iura na mag hiking kami ngunit tumanggi ako. siraulo kasi, sino ba naman ang tanga na makakaisip na mag hiking sa ganitong oras at panahon. well, si iura syempre
"saan pala tayo pupunta?" nakangusong tanong ng pinsan ko.
si kailani ay abala sa pag ce-cellphone. balak niya daw kasi i-add sa instagram ang naging crush niya sa england last week.
"let's go to the nearest mall here." aya ko. napangiti sila saka parehong tumango
naglakad kami pababa ng building hanggang sa makarating na kami sa gitna ng hallway pero hindi pa kami nakakaabot ay may humawak sa pulupulsuhan ko.
napatingin ako sakaniya. laking gulat ko nang makita ko ang seryosong mukha ni Kd.. pasiring siyang tumingin sa dalawa kong kasama
"where are you going?" seryosong tanong nito. nakasuot siya ngayon ng salamat kaya napatitig ako sa mukha niya. bumagay sakaniya iyon at parang pinapanindigan niya talaga ang pagiging nerd niya.
"Sa mall lang. bakit?" takhang tanong ko. hindi pa rin nito binibitawan ang pulupulsuhan ko kaya napatingin ako doon. sinundan naman niya ang tinitingnan ko kaya dali-dali rin nitong inalis ang kamay niya.
nadismaya ako dun pero hindi ko pinahalata.
"Nothing" anito. "C-can i come? don't imagine things. I'm just bored so i wanna hang out a bit."
napa tango nalamang ako saka sumilay ang nakakaloko kong ngiti pero bigla nitong pinitik ang noo ko kaya napapikit ako. " i said don't imagine things. hindi kita gusto"
napatawa ako. " wala naman akong sinasabing gusto mo ako kd." natatawang sambit ko. nakita kong napairap ito
tumingin ako sa dalawang babaeng kasama ko na parehong nakaawang ang bibig habang nakatingin kay kd na matiim silang tinitingnan.
"Y-you're here"utal na sambit ni Kailani na ikakunot ng noo ko.
"Kilala mo siya?" tanong ko. napailing naman ito saka pekeng tumawa
"hindi. akala ko siya yung kakilala ko, hindi naman pala."
napatango ako. "so, okay lang ba na isama natin itong crush ko sa mall?" nakangisi kong tanong.
rinig ko naman ang mahinang pagmura ni kd sa gilid ko. "stop saying that. damn it!" inis na asik nito.
natatawa lamang akong tumingin kanila iura at hindi pinansin ang sinabi ng nasa gilid ko.
tumango sila uira bilang pagsang-ayon sa sinabi ko."let's go."
sabay-sabay kaming lumabas ng gate at si jd ay nasa tabi ko lang.. kung hindi lang nga ito masungit saakin at baka inisip ko ng may gusto ito sakin eh. kaso mukhang malabo dahil pinaglihi ata ito sa sama ng loob
sumakay kami sa kotse ni kd. wala itong reklamo nang sabihin kong sa kotse niya nalang kami sasakay para sabay-sabay kaming makarating patungo sa mall.
tahimik itong nagmamaneho habang ako naman ay nasa tabi niya na kanina pa siya ninanakawan ng tingin. ang dalawang kong kasama ay nasa backseat, palimhim na tumitingin saamin ni kd at minsan nakikitang pasimple ako nitong nginingisihan.
"'wag mo akong titingnan." seryoso nitong sambit habang nakatuon pa rin ang atensyon sa daan dahil baka mabunggo kami.
"ha?"
kita ko ang pag irap nito. " kanina mo pa ako tinitingnan."
namula ako saka ibinaling ang tingin sa bintana. "gwapo ng view eh." walangya kong sagot.
"huwag mo akong masiyadong titigan dahil nadidistract ako."paliwanang nito.
"ano naman kinalaman ng pagtitig ko sayo? naaakit kasi ako ng mukha mo." walang kaabog abog kong sambit.
"nabablanko ang utak ko kapag nadidistract at bigla nalang ako nawawala sa wisyo."saad nito habang patuloy na magmamaneho.
"so? ayos lang 'yan basta't ako ang dahilan."nakangiti kong sambit at tumingin muli sa kaniyang mukha. umaktong akong pinapaypayan ang sarili gamit ang kaliwang kamay. "Ang gwapo mo talaga Kd. oxygen please!"
" you're still staring at me. damn" bigla itong humarap saakin na kinabigla ko. "baka mamaya mahalikan kita, hindi ka na niyan makahinga."
pagkatapos niyang iwan ang katagang iyon, agad na bumalik ang tingin nito sa daan at ako naman ay nakaawang ang labi sa pagkabigla. binabaliw mo ako pascall
namamawis na ang kamay ko kahit malamig naman sa kotse. kinakabahan ako at hindi malaman kung ano ang gagawin. rinig ko ang mahinang tawa nito
nakalimutan kong narito pala ang pinsan ko pati ang kaibigan namin. tumingin ako sa likod at nakita kong pareho silang nakangisi at may cellphone na pasimpleng nakatutok saakin. vinivideohan ba kami kanina pa?
"Nagvivideo kayo?!" gulat kong tanong.
biglang itinago nito ang phone ni iura saka upumo ng maayos. "hindi ah. feelingera ka lang"pagdadahilan ni iura.
"true. bumalik ka nalang sa ginagawa mo.. masiyado ka lang kinikilig kaya kung ano ano na nakikita at naiisip mo." panggagatong ni kailani.
napairap ako saka nakahinga ng maluwag. subukan lang talaga videohan kami at makukurot ko sila sa singit nila ng malakas. yung hindi mawawala ang peklat para madala sila
ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mall. agad na pinark ito sa parking lot saka bumaba na kami. pinagbuksan ako nito ng pinto kaya pasimple akong napangiti
baka nakakain ito ng himala kaya nagiging mabait na saakin. nakakapanibago nga eh
"let's go." aya ni kd.
agad kaming sumunod sakaniya at pumasok sa mall. pagpasok namin ay bumungad saamin ang napakaraming tao at napansin kong nagkukumpulan sa bagong bukas atang photo booth.
"Elsi baby, let's try that" turo ni iura sa photo booth na napakaraming tao.
"ang daming tao iura. baka bigla tayong maapakan" dahilan ko.
nagpaawa ito saakin at hindi sana ako matitinig nang higitin ni kd ang braso ko patungo sa photo both. wala akong nagawa kundi sumunod kasi mukhang ako lang ang may ayaw.
pumila kami sa kumpol na tao pero syempre, ang lalaking kasama namin ay gumawa ng paraan para makapasok kami kaagad.
ginamit nito ang kaniyang face card. hayop na yan, nginitian ba naman ang mga babae na naroon saka nagpaawa na paunahin kami.. dahil mahaharot ang mga babaeng naroon, agad naman kaming pinalusot sa pila kaya ang ending, ayun nakapasok mami ng walang kahirap hirap.
"ang galing mo kd" sarkasmo kong sambit. "nanghihina na tuloy ako sa selos"
mukhang nabilaukan ata ito sa sariling laway kaya napaubo siya. natatawa naman akong tiningnan nila kailani habang si kd ay napailing iling nalang dahil sa pinagsasasabi ko.
hay, kailan mo kaya ako magugustuhan
BINABASA MO ANG
Shifting Sands [UNEDITED]
RomanceElsinore Maiorani, a devoted wife and mother, became a mysterious assassin within the Celio organization to protect her loved ones. Her husband was her confidant, and together they plotted to end the organization's grip once and for all. Theirs is a...