CHAPTER 16

9 1 0
                                    

Pagkagising ko kinabukasan ay agad akong nag ayo sa aking sarili. naligo ako at nagbihis ng simpleng white t-shirt at gray pants.

pababa na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. agad kong binasa kung sino ang nagtext at nagulat ako nang makita ko kung sino iyon.

Fierry Academy, 7am.
              -Celio Orgn.

nang mabasa ko iyon ay agad na tumingin ako sa orasan. 6:30am shoot! hindi ako pwedeng mahuli.

nagmamadali akong bumaba sa hagdan at nagulat ang aking mga kaibigan nang makita nila akong nagmamadali habang nakasuot ng itim na kapa upang itago ang aking sarili.

"hey, saan ka pupunta? ang aga-aga elsinore." sambit ni iura habang may hawak na toasted bread.

"suot mo pa 'yang kapa mo. unless pupunta ka- " napahinto ito sa pagsasalita na para bang may naalala.

nanlalaki ang mata nilang lahat. "Don't tell me, "pambibitin na tanong ni ice.

tumango lamang ako. "yes. Celio" tanging sagot ko nalamang.

agad silang umalis sa daraanan ko. "Take care. after mo niyan, mag breakfast ka nalang sa malapit sa school na pupuntahan mo. " ani Iura.

tanging tango at tipid na ngiti na lamang ang isinukli ko at nagmamadaling umalis. sumakay ako sa ducati ni iura, iyong nasa club ni kb last week.

nagtungo na ako sa isang abandonadong paaralan kung saan matatagpuan ang lider ng grupo ng mga rapist at kidnapper na sinusugpo ko.

Habang lumalapit ako sa lumang paaralan, bumalik sa akin ang mga alaala ng aking pagsasanay sa Celio. Ang organisasyon ay nagturo sa akin na maging isang bihasang assassin, may tungkulin na tanggalin ang mga banta sa lipunan na hindi mahuli ng batas. Personal sa akin ang misyon na ito dahil ang grupo na itinutugis ko ay nagdulot ng hindi mapapatawad na pinsala.

Sa loob ng paaralan, lumapit ako nang tahimik, ang aking mga pakiramdam ay matalim. Alam ko na kailangan kong maging maingat; ang isang maling galaw ay maaaring magdulot ng aking pagkatalo. Habang papalapit ako sa madilim na pasilyo na patungo sa tirahan ng lider, naririnig ko ang mga tinig mula sa isang silid.

"Tapos na ba ang mga paghahanda?" ang malakas na boses ang nagtanong.

"Oo, boss. Handa na kami," ang tugon ng isa.

Ipinosisyon ko ang aking sarili sa pader, nakikinig ng mabuti. Ito ang aking pagkakataon upang umatake.

Biglang nagbukas ang pinto, nagpakita ng dalawang lalaki na abala sa kanilang pag-uusap. Nang mabilis na nakumbinsi ang mga guwardiya, sila ay nagdilim.

Lumabas ang lider mula sa anino, ang kanyang mukha ay halo ng pagkabigla at galit. "Sino ka?" ang kanyang tanong.

Lumapit ako sa kanya, nakikipag-angasan ng mga mata. "Celio," mariin kong sinabi.

Nagmayabang ang lider, itinutok ang kanyang armas. "Akala mo ba kayang harapin mo ako mag-isa?"

Nagpatuloy ako sa aking posisyon, tiwala sa aking kakayahan. "Hindi ko kailangan ng tulong upang harapin ang katulad mo."

Ang aming laban ay matindi, bawat galaw ay pinag-isipang mabuti at puno ng panganib. Ginamit ko ang aking pagsasanay upang maunawaan ang kanyang mga atake, at bawat pagtulong ay may katiyakan. Habang patuloy ang labanan, napanatili ko ang aking kontrol, ang tagatak na pawis na tila pinapaliguan ako dahil sa matinding pagod.

Nagtagumpay akong iwasan ang saksak at suntok, ang kilos ko ay mabilis at balanse. subalit hindi pa rito nagtatapos.. ang mga kasamahan niya ay tila hindi napapagod na patuloy akong inaatake. ang kanilang mga galaw ay puno ng karahasan at desperasyon. sa bawat bugso ng lakas, nanatili akong matatag. ang katawan ko ang nagsilbing depense sa pag-atake.

sa buong silid ay maririnig ang nakakabinging tunog ng siko, sipa at kalansing ng nagbabanggaang patalim. patuloy akong nakipaglaban at hindi sinasadyang magkamali ako ng hakbang, nakita ko ang pisngi kong nagdurugo.

agad kong sinaksak ng patalim ang taong iyon na umatake sa likod ko hanggang bumagsak ito.

hinihingal akong naglakad patungo sa lider nila na nanginginig na sa takot. isang pinuno na takot mag isa, umaaasa lamang sa kaniyang mga tauhan.

ang kapa ko ay nanatili sa pwesto. hindi manlang ito naalis kahit anong galaw ko. mas mabuti 'yon dahil hindi ako makikilala ng kahit sino, kahit patay na ito.

"What a lucky day you have." malamig na sambit ko.

pilit itong umaatras sa bawat hakbang ko. "W-wag, m-maawa ka!" nakikiusap nitong sabi.

Sandali akong nagdalawang-isip, naalala ang mga buhay na kanyang sinira. "Kailangan nating magkaroon ng katarungan," mariin kong sinabi, tiyak sa aking desisyon.

hanggang sa tuluyan ko na itong bawian ng buhay. buhay ang kapalit sa buhay na sapilitan nilang kinukuha.

Sa ganitong paraan, natapos ko ang aking misyon, nagtatapos sa karahasan na dumapo sa komunidad. Paglabas ko ng abandonadong paaralan, may kasamang kaluwagan sa loob ng aking dibdib, dahil alam kong nakapagbigay ako ng pagbabago sa kabutihan.

kahit na alam kong ang celio na ito ay maskara lamang na gawain ng isang 'yon.

tinulungan ko ang mga estudyante at iba pang bata na makaalis doon.

"salamat, ate" pagpapasalamat nila saakin.

tanging tango lamang ang naging sagot ko saka hinatid sila papalabas sa abandonadong paaralan.

nang nakita kong ligtas silang nakaalis, agad akong nagtungo sa motor na nakapark lamang sa gilid ng eskwelahan.

agad ko itong pinaharurot patungo sa bahay ni iura, hindi alintana ang sugat sa aking pisngi.

pagtungtong ko pa lamang sa bahay ng pinsan ko ay sinalubong nila ako. narinig siguro nila ang tunog ng motor

"Elsinore, what happened?" agarang tanong ni iura.

iniiwas ko ang pisngi ko saka tumawa. "ayos lang ako. ang mahalaga ay natapos na"

inalalayan nila ako paupo sa isang sofa. tagatak ako ng pawis at halata sa mukha ko ang pagod

"bakit hindi mo kami sinama? sumugod ka pa talaga ng mag-isa."galit na sambit ni kailani.

"ayos lang naman ako. daplis lang 'to" kalmadong saad ko para kumalma sila.

" lagot kami kay rio kapag nakita niya 'yan." kinakabahang sambit ni lachlan na ikinatango nilang lahat.

napabuga ako sa hangin ng marahas. "'wag niyong sasabihin please" pakiusap ko.

"daplis lang naman talaga 'to eh. hindi ko lang napansin na buhay pa pala ang nasa likod ko." paliwanag ko.

dumapo ang mga mata nila sa aking likuran, tila ba nakakita sila ng multo. o higit pa rito

"What do you mean by, "daplis lang?"

isang malamig na boses ang narinig ko mula sa aking likuran. mukhang mahaba habang sermon ang maririnig ko ngayon

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon