CHAPTER 5

14 5 0
                                    

"Let's do your activities. Write on your 1/4 sheet of paper our first activity and a title of Tree Planting."Ms. Lopez said

Nagsitanguan kami saka kumuha ng papel sa bag. rinig ko pa ang ilang ingay mula sa mga kaklase ko

"Pahingi naman oh"

"Hoy ardy, pahingi ako ng papel" ani ni july

"Oo na. ang yaman yaman mo tapos wala kang papel"Inis na sambit ni Ardy saka binigyan ito ng papel.

Si july at ardy ay ang pinakamaingay na magtropa rito sa room. kahit laway nila gusto na ishare sa isa't isa.

Napailing nalang ako sa kakulitan nila saka nagsimula ng isulat ang pangalan ko sa papel.

Elsinore T

agad kong binura iyon dahil mali ang naisulat ko. darn

Elsinore Maiorani 12-Humss 01

Agad na ipinasa namin ang mga papel kay ms. Lopez saka pinalabas kami

pupunta kami sa garden, mag t-tree planting. hindi ko nga alam bakit namin 'to gagawin eh hindi naman kami agricultural. akala ko dati verbal lang lagi, magtatanim din pala

Balak ko magtanim ng Puno ng saging. naalala ko kasi ang pinsan ko, mahilig iyon sa saging kaya kung makadalaw siya dito sa paaralan, dadalhin ko siya rito sa garden sa oras na mamunga na itong itatanim ko.

Hindi sinasadyang natamaan ng pala ang paa ko nang mapabahing ako kaya halos mapamura ako sa sakit.

"Helvetesjävlar, det gör ont!"sigaw ko

Napalapit naman saakin ang mga kaklase ko. malayo si ms. Lopez saamin kaya mukhang hindi napansin ang pagsigaw ko.

"Anong nagyari norem?"

"Ano yung sinigaw mo? hindi ko naintindihan eh"

"okay kalang?"

"Sabi ni mama ang kiss ay nakakawala ng sakit. gusto mo bang ikiss kita?"

"ah ganon?" Sarkasmo kong tanong kay july. mukhang siraulo nanamsn

hindi ko pinansin ang ibang tanong ng kaklase ko. masama bang sumigaw ng alien language?

"oo. Kung saan masakit, dapat halikan"nakangiting aso nitong sagot.

ngumisi ako. "oh" Ipinakita ko sakaniya ang paa ko. "halikan mo ngayon ang paa ko, july."

napangiwi ito saka umatras palayo saakin. nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Bumalik na kayo sa mga ginagawa niyo. ayos lang naman ako, hindi naman madyadong masakit."

nagsitanguan na lamang sila saka bumalik sa kanya kanyang ginagawa.

Nagbungkal na muli ako ng lupa saka inilagay roon ang ugat ng puno ng saging na pinutol ko sa likod ng building namin. hindi naman nila mapapansin yon

Napatigil ako sa pagtanim nang tumunog ang cellphone ko. mukhang mag nagtext

binuksan ko iyon saka binasa ang mensahe.
"It's been 3 years. How are you love?"

Napabuntong hininga ako saka inalis ang simcard ng cellphone ko. ibinaon ko ito sa gilid ng tinanim ko saka ibinalik ang cellphone sa bulsa ng palda ko.

I'm fine, i miss you.

Napangiti ako nang maisip ko iyon. Tumayo na ako sa pagkakaupo saka pinagpagan ang suot ko dahil baka may alikabok na kumapit. mahirap pa naman maglaba

Agad kaming nagtungo sa washing area saka hinugasan ko ang kamay ko. Masakit ng konti ang kaliwang paa ko mula sa pagkakatama sa pala pero hindi naman ito malala dahil nakasuot naman ako ng medyas at sandalyas.

pagkatapos naming maghugas ng kamay ay agad naman kaming bumalik sa Room.

naroon ang guro namin na naghihintay."We will have oral recitation."

rinig ko na ang ilang reklamo at maraming umaangal sa sinabi ni ms. Lopez ngunit wala kaming magagawa dahil mayroon pa namang 30 mins bago matapos ang klase namin.

"It's simple. Once i called your name, you will Go infront and tell us why you choose to plant that tree."

Mayroong nakahinga ng maluwag pero meron ring kinakabahan dahil mukhang walang meaning sakanila ang itinanim nito ksnina. basta lang siguro kinuha kung saan man ang itinanim nila

"Moressete" unang pagtawag ng pangalan ni ms. Lopez

agad tumayo ang kaklase ko at kinakabahang pumunta sa gitna. simple lang naman ang tanong at pare parehas naming sasagutin iyon.

"a-ahm, tinanim ko po ay puno ng apple kasi naaalala ko ang Namayapa kong lolo. paborito niya ang apple eh"Nakayuko nitong sambit.
nagpalakpakan naman ang lahat at agad itong bumalik sakaniyang upuan.

"Rossiana"

"Napili ko ho na itanim ay puno ng mangga dahil favorite namin iyon ng boyfriend ko." kinikilig nitong sambit.

Kalokohan

"Aniesell"

"Napili ko ang puno ng bayabas dahil Maraming tao ang pwedeng kumain nito. alam kong maraming ang may gusto sa bayabas pero kabaliktaran ko iyon. ayaw ko sa bayabas pero gusto kong matikman ng libre ng mga tao ang itinanim ko"sambit nito.

napa 'wow' ang mga kaklase ko saka nagsigawan pa.

"ang galing mo aniesell, pwede kana maging santo!"

"Shut it, mr. July!" pananaway ni ms. Lopez kaya nagtawanan kami. ewan ko ba kay july at ardy, palaging tandem sa kakulitan at si july ang walang preno sa bibig.

marami pa ang tinawag ni ms. Lopez at mukhang ako na ang susunod.

"Ms. Elsinore"

natahimik ang buong klase na para bang inaabangan ang sasabihin ko. grabe, pakiramdam ko ay nasa isang hotseat ako.

"ang itinanim ko ay puno ng saging dahil sa tuwing nakikita ko ito, naaalala ko ang pinsan ko. mahilig siya sa saging at minsan panga siyang nabilaukan dahil sa katakawan niya. Naisip ko nga noon na baka ipinaglihi siya sa unggoy kaso hindi naman halata dahil parang kambing ang boses niya." mahabang sambit ko.

nagtawanan ang mga kaklase ko pati si ms. Lopez. totoo naman kasi na boses kambing ang pinsan ko. tawa palang nito ay masakit sa tenga na eh

"at isa pa, itinanim ko rin ang puno ng saging bilang simbolo sa isang taong pinaka espesyal saakin."seryoso kong sambit.

nakita kong napatigil sa pagtawa ang lahat nag puno ng kuryusidad ang buong mukha nila. tumawa ako ng malakas

"biro lang. tungkol lamang talaga iyon sa pinsan ko, nothing more."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay bumalik na ako sa kinauupuan ko. napahinga ng maluwag ang ibang lalaki sa narinig nila

"grabe, akala ko taken na si norem eh."

"paano kaya kung may boyfriend talaga siya? siguro lagot yon palagi kay norem"

Napakunot noo ako. grabe, bawal ba ako magka boyfriend? anong akala nila saakin, demonyo?!

Sisinghalan ko na sana sila nang may pumasok na isang babae sa klase namin.

"Asan dito si Elsi baby ko?" sigaw nito

nagulat ako nang makita ko kung sino ito. anaknang putakte, bakit siya nandito?!

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon