CHAPTER 19

8 0 0
                                    

Lunch break na kaya papunta na kami sa Cafeteria dahil gusto daw maranasan ng dalawa na kumain sa cafeteria.

palapit na sana kami nang lumapit saamin si harriet kasama ang dalawang alalay nito.

"Pati ba naman lunch time iinisin mo ako? simot na pasensya ko ah." iritado kong sambit.

"Hindi kita iinisin. i just want to ask if naibigay mo na kay kd 'yong love letter ko." sabi nito habang magkakrus pa ang mga braso.

"Oo nabasa niya. yun nga lang, " pambibitin ko. "Nilamukos niya at tinapon nalang sa kung saan."

"What?! You're lying right?"histerikal nitong sambit.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Pangit na nga may trust issues pa" nasabi ko nalang at nilayasan siya.

hanggang lunch time ba naman ay iinisin niya ako. nagsasabi nga ako ng totoo tapos sasabihin na sinungaling ako. siraulo

rinig ko naman ang yapak nila kailani sa likod ko at tumabi saakin ang dalawa habang puno ng katanungan ang kanilang mukha.

"Sino 'yon?" agarang tanong ni iura.

ito talagang babaeng 'to, hindi makatiis na hindi magtanong eh. halata kasi siyang chismosa.

"mamaya ko na ikwento. nandito na tayo sa Cafeteria" sambit ko saka umupo kami sa isang bakanteng upuan na pang apat na katao.

kita ko ang pagkamangha sa mukha nila nang makita ang cafeteria. May sariling chef, food counter, may vending machine at parang hotel ang presyo ng mga pagkain.

"So, sino nga 'yong harriet na humarang saatin kanina?" Muling tanong ni Iura. hindi talaga makatiis eh

napabuntong hininga ako. "she's Harriet, nagkakagusto kay kd. binigyan niya ako kanina ng white envelope na love letter ang laman. " paliwanag ko.

tumango naman sila. "Yun ba 'yong tinapon ni kd kanina? nakita namin 'yon nung malapit na kami sa room." Sabi ni Kailani.

"Yep. Akala ata nong harriet na 'yon ay may panahon ako para magsinungaling." sambit ko habang dala-dala ang tray ng pagkain.

Agad naman namin itong nilantakan at nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay naupo si kd sa tabi ko.

Impit na kinikilig sila iura habang palipat lipat ang tingin saaming dalawa. mga baliw

May dalang pagkain rin si kd and guess what, salad nanaman ang lunch niya. takot ata 'to sa meat eh o baka naman ibang meat ang kinakain niya.

"Ano pala ang pag uusapan natin?" panimula ko na pumukaw sa atensyon na kaya ibinaba nito ang hawak na tinidor.

"ang pag alis mo." Seryoso nitong sagot na iknabigla naman namin.

"Alam mo?" gulat na tanong ko. tiningnan ko ang dalawa at tahimik lang itong nakikinig saamin habang kumakain sila.

"Yes, narinig ko ang usapan niyo ng principal dito. hindi ko naman sinasadya, saktong napadaan kasi ako sa principal's office." paliwanag nito pero seryoso pa rin ang mukha habang nakatitig saakin.

napaiwas naman ako ng tingin. "Ahh." Nasabi ko nalang. hindi ko kasi alam ang sasabihin at kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. ano naman kung umalis na ako? hindi naman niya ako gusto.

"Wala ka bang sasabihin saakin?" inis nitong sabi saka nginuya ang damo.

lakas mainis pero damo naman ang kinakain. hindi naman siguro halatang favorite color nito ay green.

"Ano gusto mong sabihin ko?" ani ko. "I won't leave? i love you? mamahalin pa kita? mamimiss kita?" sambit ko na puno ng sarkasmo.

pasiring itong tumingin saakin. "Can you please stop using that sarcastic tone? it's irritating." iritado nitong sambit na ikinatawa ko naman.

"Now you know how i feel kapag kinakausap mo ako sa ganiyang tono." saad ko.

"What now? akala ko ba gusto mo ako?" mahinang tanong nito at tila ba nahihiya sa pinagsasasabi niya.

"Oh ano naman? gusto pa rin naman kita kahit na umalis na ako." sagot ko sa tanong niya.

napaiwas ito ng tingin at nakita kong namumula ang pisngi niya. "fine! I don't care anyway." sambit nito at tumayo habang hawak ang tray na may lagay na damo saka padabog na umalis.

sinundan ko ito ng tingin at hindi manlang lumingon sa likod. dire diretso itong lumabas sa cafeteria pagkatapos isauli ang tray.

"Napano yun?" tanong ko kanila iura na pagkibit balikat lamang ang naging sagot.

"akala ata hindi mo na siya magugustuhan kapag umalis ka na." natatawang sabi ni kailani at sinimot ang egg sandwich nito.

"Ano naman ngayon? hindi niya naman ako gusto kaya ano namang saysay ng feelings ko?" pabirong sabi ko.

"Aalis ka na pala bukas noh. i mean, tayo pala ang aalis" sambit ni iura.

tumango naman ako habang sumisimsim sa straw ng chuckie.

"Oo nga. nagpaalam naman na ako kay tita kaya pwede na tayo umalis bukas. atsaka atat na rin akong makita si elio" mahina kong sambit at yumuko pa.

pinitik ni kailani ang noo ko. "tama na drama, makikita at makakasama mo naman na siya bukas. Kaso baka hindi ka na makilala ng mommy mo."

napakunot naman ang noo ko. "gago, anong akala mo kay mommy makakalimutin? kahit nga siguro 10 years kaming hindi magkita ay kilala pa rin ako nito."

tinawanan naman ako nila. mga sira ulo talaga, gagawin pang ulyanin si mommy eh hindi pa naman siya senior citizen.

"huwag mong pansinin si kailani, elsi baby ko. yung mommy kasi niyan hindi siya nakilala after 1 week na hindi nila pagkikita" natatawang sabi nito saakin na ikinatawa ko rin.

kita ko ang pamumula ng pisngi ni kailani at binato pa ng tissue si iura. "epal ka talaga!"

" oh bakit? totoo naman eh. "Pang aasar ni iura.

"ano ba sabi ni tita kaliya?" tanong ko kay iura. kaliya is the name of kailani's mom

"1 week kasing nasa club si kailani tapos hindi siya nakapagpaalam sa mommy niya na hindi muna siya makakauwi kasi busy sa club." panimula nito. "tapos after 1 week, umuwi na si kailani sa bahay nila para isurprise ang mommy niya without knowing na siya pala ang masusurprise. tinanong ni tita kaliya kung sino siya pft. isang gabi atang nagtampo si kailani kasi kinabukasan pa siya nakilala ng mommy niya pftt." mahabang saad ni iura.

humagalpak naman kami ng tawa at hindi pinapansin ang mga matang nakatingin saamin sa cafeteria. Si kailani ay namumula sa hiya at umubob pa sa mesa.

"Gagi, ang epic naman non! " naiiyak kong sabi kakatawa.

"T-tara na, malelate na tayo sa last subject." nagmamadaling aya ni kailani at nauna pang lumabas saamin

iniwan nalang namin ang tray sa mesa at sinundan si kailani habang sapo-sapo pa rin namin ang tiyan kakatawa.

"Tara na baka umiyak na 'yon" natatawang aya ko kay iura at naglakad na kami palabas ng cafeteria upang magtungo sa room.

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon