CHAPTER 4

19 7 0
                                    

Uwian narin sawakas. medyo masakit na ang likod ko at masama narin ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina.

tulala lamang ako na tinutungo ang Dorm ko dahil sa napapaisip ako kung ano nga ba ang pakay niya saakin. napangisi ako bigla

Sumasakit na naman ang ulo ko dahil dito. Gusto kong makita ngayon si kd kaso hindi maganda ang tyempo dahil pagod ako ngayon.

Maiinis lang din iyon saakin kapag nakita niya ang pagmumukha ko. ayaw pa kasing aminin na unti-unti na rin siyang nahuhulog saakin.
napangiti ako nang isipin ko iyon.

Pagpasok ko sa loob ng dorm ay agad ako nagtungo saaking kwarto saka napagpasyahan na maligo na. Halos mangati ang buong katawan ko sa alikabok na dumikit sa balat ko. maghapon rin kasi ang klase at madilim na ang langit nang matapos ang klase.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng pajama. wala akong ganang kumain, masyado siguro akong nabahala sa nangyari kanina. kahit natapos na ang nangyari kanina, hindi ko parin maiwasang kabahan dahil baka balikan ako, ako pa naman ang target niya.

napailing na lamang ako habang natatawa sa naiisip ko. walang nagbago

dumungaw ako sa bintana ng kwarto ko at pinagmasdan ang buwan na bilog na bilog. paborito niya ito

Nakarinig ako ng munting kaluskos kaya napaalarma ako. ngunit nawala ang kaba ko nang may lumabas na tao mula sa puno malapit sa dorm namin.

May iniabot ito saakin na isang papel saka naglaho ng mabilis.

mabilis ko itong binuksan ang binasa ang laman nito. napalabi ako nang mabasa ko ang sulat saka natatawang napahilot ng sintido. malayo pa pala

pinagmasdan ko ng ilang minuto pa ang buwan saka napagpasyahan kong matulog na dahil may pasok pa ako bukas.

Nagtungo na ako sa kama ko saka nahiga. Nakakamiss rin iyon, kailan kaya ulit

ipinikit ko na ang aking mga mata hanggang sa lamunin ng dilim.

Napatayo ako sa gulat nang marinig ko ang alarm clock na paulit ulit na tumutunog. tiningnan ko ang oras at halos kabahan ako nang makita kong late na ako.

shit, shit

nagmadali akong magtungo sa banyo at naligo ng mabilis. pagkatapos kong maligo ay dali-dali naman akong nagsuot ng uniform saka ng sapatos ko. wala na akong balak kumain kahit na gutom na gutom na ako dahil late na ako.

Takbo lang ako nang takbo hanggang makalabas ako ng dorm. napahinto ako ng umabot ako sa school ground at lahat ng late ay nakapila roon. patay

napaarko ang kilay ng babaeng nagbabantay at nagbibigay ng parusa sa mga late nang makita ako nito.

pilit akong napangiti at ibinuka ang aking palad. isang malakas na palo ang natanggap ko gamit ang meterstick nito.

Parusa na pangbata

"ngayon ka lang nalate miss maiorani. I'm so disappointed at you.."Napailing iling nitong sambit.

napangiti lang ako ng pilit saka nahihiyang tumingin sakaniya. "sorry miss, Hindi lang po talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kahapon." Pagdadahilan ko

napatango ito. "i heard about it. be thankful you're still alive."seryosong sambit nito.

"yes miss. I'm so thankful po kasi naroon sila kd, iniligtas nila ang buhay ko. "sinsero kong sagot.

"I'm supposed to punish you by cleaning the whole building of ABM strands.."huminto ito sa pagsasalita nang tumunog ang kaniyang telepono.

agad na tiningnan nito ang dumating na mensahe saka ibinalik sa bulsa ng kanyang blusa.

"Kung hindi ka lang talaga-"pagputol nito sa dapat niyang sasabihin saka napailing.

"po?" tanong ko na puno ng kuryusidad.

"wala, pumasok kana. ayoko nang maulit ito ms maiorani"

napatango nalamang ako. ang weird ni miss perez. Nagsasalita ngunit pinuputol naman

naglakad na ako patungo saaking building ngunit hindi pa ako nakakaabot roon ay humarang sa daraanan ko si kd. hindi ko maiwasang mapangiti

"ang aga-aga pa, namimiss mo ako kaagad." pagbibiro ko.

napairap ito saka may kinuha sa bulsa. isang fres candy na kulay pula.

tinanggap ko ito. "ano 'to?"takhang tanong ko sakaniya. kailan pa siya naging mapagbigay na tao? magpapamisa na ba ako?

"Candy malamang."pilosopo nitong sagot.

"alam ko. para saan naman 'to?" Tanong ko ulit. sana naman ay huwag niya na ako barahin pa.

"Wala. kaninin mo 'yan para bumango naman ang hininga mo."pang iinis nito saka tumalikod na ngunit nagsalita pa ito. "late kana eh kaya baka nakalimutan mong magsipilyo."

naglakad ito paalis at hindi na pinansin ang pagtawag ko. nakakainis naman, halikan ko kaya siya para malaman niyang mabango ang hininga ko kahit isang taon akong hindi magsipilyo.

Itatago ko na sana ang candy na ibinigay niya ngunit nabasa ko ang nakasulat sa likod nito.

"Take care"

kinikilig akong binuksan ang candy dahil napagdesisyunan ko nalamang na kainin ito dahil sa nabasa ko.

take care daw. Asus, may care din pala siya sa akin hindi pa inamin. gusto niya talaga siguro yung lowkey caring for me

tatawa tawa akong naglakad patungo sa building ko. buti nalamang ay walang ibang taong nasa labas dahil class hours na kaya hindi nila ako mapagkakamalang baliw.

Napatigil ako sa paglalakad ng may maalala ako. takte, late na ako! patakbo akong umakyat ng second floor at hinihingal na nagtungo sa room ko

kumatok ako ng dalawang beses dahil nakasarado na ang pinto senyales na Nag uumpisa na ang klase.

bumukas ang pinto at iniluwa non ang professor kong masungit. hindi nagbibigsy ng second chance at walang pakealam sa drama ng kaniyang studyante

"Stand at the back for 30 mins then clean your classroom after i leave."utos nito.

napatango nalamang ako at rinig ko pa ang munting tawa ng mga kaklase ko dahil ngayon lamang nila ako nakitang malate at mapatayo sa klase.

tumayo ako sa likod at tahimik na nakinig sa professor namin na nagpatuloy sa pagtuturo.

rinig ko ang bulungan ng nasa harapan ko.

"Buti nga sakaniya."

"himala, nalate ngayon si norem."

"hayop ka pre, bakit mo binasa ng tubig ang buhok ko. kaliligo ko lang"

"tanga hindi 'yan tubig, laway ko 'yan."

"tangna talaga, kadiri!"

napabuntong hininga nalang ako at kinagat ang candy na nasa bunganga ko. sweet

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon