CHAPTER 12

8 1 0
                                    

Pumasok kami sa isang room kung saan magpapakuha ng litrato. Sa unang picture, kami apat ang magkakasama. Naka-wacky sina Iura at Kailani sa likod namin habang si KD sa gilid ko ay seryoso, at ako na nakatingin sa kanya habang ngumingiti.

"Ulitin mo," utos ni KD nang makita ang tingin ko sa picture.

"'Wag na, KD. Huwag mo nang pansinin yung tingin ng pinsan ko," sabi ni Iura habang nakangiting nakakaloko sa akin.

Napairap lang ang lalaking nasa tabi at nag-set up ulit ng isa para sa second picture. Balak namin kumuha ng apat na litrato.

Sa ikalawang picture, ako ang nakaakbay kay Kailani habang nakanguso ito, at si Iura ay hinihila ang buhok ko. Si KD? Ayun, seryoso pa rin ang mukha. Walang nagbago.

"Nakakasawa na yang mukha mo, KD," reklamo ni Iura nang makita ang paulit-ulit na posing ni KD.

"Ano ba 'yan, KD. Ibahin mo naman facial expression mo," yamot ni Iura.

Tumawa si Kailani saka humarap kay KD. "Oo nga, kung wala kang maisip na posing, bakit hindi mo nalang akbayan si Elsinore?"

Namula ako. Pasimple kong kinurot ang tagiliran ni Kailani sa suhestiyon nito at nakita kong umaktong nag-iisip si KD habang seryosong nakatitig sa akin, kaya nahiya ako.

"A-ano, 'wag mong pansinin si Kailani. Ayos lang sa akin kahit paulit-ulit ang maging pose mo sa pictures natin," nahihiyang sabi ko.

"It's not a bad idea," tanging sambit ni KD.

Gulat akong napatitig sa kanya na ngayon ay naka-arko ang isang kilay. "Why? Ayaw mo?"

Napailing naman ako. "S-syempre gusto. Baka lang kasi napipilitan ka," mahina kong sabi.

Hindi na ito nagsalita saka sinenyasan kaming mag-ready na. Dali-dali naming nakuha ang pangatlong litrato.

Si Kailani at Iura ay naka-heart sign habang ako ay halos manginig ang buong katawan nang akbayan ako niya. Malamig ang kwartong ito pero halos maligo ako sa pawis.

Rinig ko ang mahihinang tawa ng dalawang nasa likod habang si KD ay seryoso lamang na nakatingin sa camera. Buti pa siya, kalmado lang samantalang ako halos mamatay na sa kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nahihirapan akong pakalmahin ito.

Nang makuha namin ang pangatlong litrato, agad na lumayo ako kay KD. Umangat ang gilid ng labi nito, mukhang tinatawanan ako.

Namumula akong tumalikod sa kanya at pasimpleng kinurot sina Iura sa bewang. Ang mga gaga, hindi man lang ito pinansin at mas lalo pa akong inasar.

"Sana pala hindi nalang tayo sumama, Iura. Date pala 'to eh," pagpaparinig ni Kailani.

"Mga gago!" tanging nasabi ko na lang dahil sa hiya. Pinamumulaan ako sa pisngi at ang lalaking katabi ko naman ay mukhang hindi apektado sa pang-aasar nila. Palibhasa, ako lang ang may gusto sakanya.

"Last na 'to, Elsinore, kaya ipakita mo kung sino ka," natatawang sabi nila.

Tiningnan ko si KD at halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong nakatingin rin pala siya sa akin. Shit.

Inayos na namin ang cam. Naka-timer ito ng limang segundo kaya nagbibilang ako sa isip.

Nang nasa tatlo na ang bilang, biglang umalis sina Iura at Kailani sa tabi namin at tsaka bigla na lang kaming tinulak patagilid kaya saktong pag-click ng camera ay nakunan ang nakakahiyang posisyon namin ni KD.

Ako ang nakahawak sa laylayan ng damit niya sa gulat habang siya naman, n-nahalikan ang gilid ng labi ko.

Fck! Fck! Fck!

Halos mamatay na ako sa hiya. Nagtitili ang dalawa at nang tumingin ako kay KD, nakangisi itong nakatingin sa akin habang ang kamay ay nasa kaniyang labi.

"S-sorry," utal kong sambit saka nagmadaling lumabas sa photobooth.

Hinawakan ko ang bandang dibdib ko dahil hindi tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hihimatayin ata ako, jusko.

Rinig ko ang tawanan ng dalawa nang sumunod sila sa akin. Hawak nila ang tig-isang kopya ng mga larawan namin at mukhang sila na ang nagbayad nito.

Ibinigay sa akin ni Iura ang isang kopya at nanginginig ko naman itong kinuha. Sinubukan kong silipin ang ika-apat na picture at halos matakasan ako ng hininga nang makita kong muntik nang magtagpo ang mga labi namin dalawa.

"Pft, gosh, Elsinore. Sa photobooth lang pala ang bagsak niyong dalawa," sabi ni Kailani habang sapo-sapo ang kaniyang tiyan.

"Ayiee, dalaga na ang Elsi baby ko," asar naman ni Iura. "Kiss mo nga din ako, Elsi baby."

Kung hindi lang siguro kasalanan ang pumatay, kanina pa siguro nakahandusay dito sa mall ang dalawang ito na walang ibang ginawa kundi ang asarin ako.

Please G, take me now!

Ngunit naisip ko rin ang ginawa nila kanina. Kung siguro hindi nila kami tinulak pareho, baka walang nagbago sa amin dalawa. Baka hindi ko nararamdaman ngayon ang tinatawag nilang butterfly in the stomach.

Gusto ko ang nangyari. Gustong-gusto ko to the point na hindi ko na ito makalimutan at handa akong alalahanin ito sa pagtulog at bawat pagmulat ng mga mata ko.

Ngunit hindi pa rin mawawala sa akin ang hiya. Parang gusto ko na lang maglaho bigla.

Gustong-gusto ko siya at mas lalo pa nga atang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Napagdesisyunan kong kahit hindi niya masuklian ang pagmamahal ko, ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi ako nito makalimutan.

Halos mapatalon nanaman ako sa gulat nang may humawak sa kaliwang kamay ko. Hindi ito napansin ng dalawang gaga dahil nasa harapan ko sila at ang kamay ko naman ay nasa likuran ko.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ito. Siya si KD, ang ultimate crush ko.

Inilapit nito ang kaniyang bibig sa tenga ko kaya halos tumaas ang balahibo ko sa leeg nang marinig ang bulong nito.

"I won't let those lips go unkissed next time," aniya, "of course, if you will allow me."

Parang nawala ako sa katinuan at dahan-dahan akong tumango. He chuckled sexily.

"Yeah, next time."

Dahil sa mga salitang iyon, parang gusto ko nang mawalan ng malay at ma-unang paakyat sa langit, nalulunod sa bawat tibok ng puso ko. Parang nasa ulap ako, nawawala ang pakiramdam ng realidad nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya.

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon