CHAPTER 20

14 0 0
                                    

Natapos ang lahat ng klase at maggagabi na. oras na para umalis

dala-dala ko ang isang maleta na puno ng gamit ko mula sa dorm, habang sila iura ay gayundin ang hawak.

naglakad kami papunta sa Main gate ng Campus, naghihintay ang sasakyan namin papunta sa bahay ko.

nang makarating kami sa gate, naroon si tita yela at nakangiti akong sinalubong ng yakap.

"It's nice to see you back." tanging sabi nito

tumango ako at ginantihan siya ng isang ngiti. nagmano rin sila iura kay tita yela

"Sige na, mag iingat kayo. balitaan niyo nalang ako kung may mangyari sainyo, okay?" malambing na sambit nito.

" yes, tita. ikaw din po, mag iingat kayo."sabi ko saka kumaway sakaniya patalikod.

sumakay na kami sa kotseng itim na nakapark lang sa gilid namin at si iura ang nagmamaneho dahil wala raw sa mood si kailani.

tinawagan ko si thadron at ilang ring pa ay agad naman niya itong sinagot. rinig ko sa kabilang linya ang tatlong ugok. mukhang magkakasama nanaman silang apat

"Yow, elsi. where are you na?"bungad nito.

niloud speak ko ito, utos ni kailani. "We're on our way. nasaan kayo?"

sasagot na sana ito ng may narinig akong boses ng isang bata. maliit lamang ang boses at umiiyak ito

rinig ko mahinang pagmumura nila thadron. "gago!! anong ginawa niyo diyan? lagot tslaga kayo sa magulang niyan." kinakabahang sigaw ni thadron sa kabilang linya.

seryoso akong tiningnan nila iura. "alam ko ma kung nasaan kayo. humanda kayo samin" tanging sambit ko bago ibaba ang tawag.

"relax elsi baby. baka may hindi lang nagustuhan yung bata." pagpapakalma ni iura saakin habang nasa daan pa rin ang tingin.

hindi na ako umimik pa at nanahimik na lang. nakadungaw ako sa bintana at iniisip kung papaano papatayin sila thadron dahil sa inis na nararamdaman ko.

ilang oras pa ay nakarating na kami sa mansyon ko. bukas ang lahat ng ilaw at rinig na namin ang ingay mula sa loob

pagkapark ng saskayan sa garahe ay agad namang sumalubong saamin si butler agnus na binati kami.

"Welcome back, madamé."

tango at ngiti lamang ang sinagot ko. kinuha nito ang mga maleta namin sa likod ng sasakyan at nauna na siyang pumasok sa mansyon.

Pagbukas namin sa ointo ay sumalubong saamin ang magulong sala. si thadron na pinapatahan ang isang bata na tatlong taong gulang pa lamang, si ronan na namumulot ng mga nakakalat na laruan at tinutulungan naman ng dalawa pang ugok.

nagulat sila sa pagdating ko. seryoso ko silang tiningnan at lumipat ang tingin ko sa batang lalaki na matamang nakatingin saakin.

"M-mommy!" sigaw nito at tumakbo papalapit saakin.

napakagat ako ng labi at pigil ang luhang sinalubong ang anak ko. agad ko itong binuhat at pinugoog ng halik sa pisngi

"Mommy is sorry baby" naluluha kong sambit.

humikbi naman ito habang nakanguso pa. hinalikan ako nito sa pisngi

"I-i understand m-mommy po, " Sambit nito habang humihikbi pa rin.

pinunasan ko ang luha niya gamit ang daliri ko. "baby, mommy will not leave again."

tumigil ito kakaiyak at malaki ang ngiting tumingin saakin. "p-promise mommy?, naninigurong sambit nito. "You're not going to leave me again po?"

Tumango ako at ngumiti sakaniya. "yes baby. mommy will stay here na."

My son is so smart and kind. palagi ko siyang binibisita tuwing weekend at inaalagaan ito ni mommy. may mabigat akong dahilan kung bakit hindi ako pwedeng makasama ng anak ko pero ngayon ay handa na kami ng ama niya.

naluluha naman sila iura na pinapanood kami. tila ba isa itong napakasayang araw para sakanila dahil nmagkakasama na kami ng anak ko.

naupo kami sa isang mahabang sofa ng anak ko habang nakakalong ito saakin. sila iura naman na katabi na si vrill ay naupo sa kabilang sofa, si kailani na nasa single couch at sila thadron na nasa sahig dahil mas gusto raw nila ang malamig.

"mommy, where's daddy po? he's staying na po  like you ba?" Malungkot na tanong nito.

natigilan naman ako at sasagot na sana nang pumasok si kd na nakasuot lamang ng plain black shirt at black jeans. gulo gulo pa ang buhok nito, halatang bagong gising lang.

dumako ang tingin niya saamin at agad na bumaba ang anak ko mula sa kandungan ko at tumakbo patungo sa ama niya.

"Daddy!! you're here po daddy" masayang sigaw ng anak namin habang buhat buhat siya ni kd.

lumapit siya at naupo sa tabi ko habang kalong na ang anak namin.

"Elio, anak. naging good boy ka ba kay ma'la?" malambing na tanong ni kd kay elio. ma'la inshort for mama lola—my mother.

"yes po daddy. hindi po ako nag pasaway just like you said po" nakangiti nitong sambit habang hawak ng maliliit na kamay nito ang pisngi ni kd.

nakangiti ko namang pinagmasdan ang mag-ama ko na masayang nagkukulitan.

hinalikan ako ni kd sa noo at hindi ko iyon inaasahan. "'wag ka ngang biglang nanghahalik"saway ko.

ngumuso ito at nagpaawa sa anak namin. "Baby, your mom don't want me anymore. daddy is sad" pagpapaawa nito.

nalungkot naman ang anak namin at agad na hinalikan ako sa pisngi. "Mommy don't away daddy po"

"Anak hindi ko inaaway si daddy." mahinang sambit ko kay elio dahil baka umiyak pa ito. ayaw na ayaw niya kasi na nag aaway kami ni kd

nakangiti namang tumango ang anak namin at sumandal sa dibdib ng ama niya. tumingin naman ako kay kd na panay ang irap

"nagulat lang ako. 'wag ka kasi bigla bigla nalang manghahalik" kunyari pang inis ko.

"What's the problem about kissing you? mag asawa naman tayo, babe." sambit niya.

oo nga pala, kd and i are married for 5 years already. 2 years na kaming kasal nang magkaroon kami ng anak na lalaki.

"Pupunta nalang muna kami sa sarili naming mga kwarto dito sa bahay niyo dahil baka nakakaistorbo na kami sa moment niyo eh." saad ni kailani at nagsitanguan naman ang iba.

hinayaan ko na silang umalis patungo sa guest rooms. at naiwan nalang sa sala ay kaming tatlo na napagdesisyunan din na pumunta na sa kwarto.

May sariling kama si elio sa kwarto namin ni kd at katabi lang nito ang kama namin. minsan kasi ay dito siya natutulog sa kwarto naming mag-asawa tuwing namimiss niya kami pero may sariling kwarto siya na katabi lamang ng kwarto namin.

nang makarating sa kama ay nagkulitan kaagad ang mag-ama. panay ang kiliti ni kd kay elio na tawa naman ng tawa habang ako ay masayang pinapanood sila.

hindi ko akalain na darating ang panahong magkakasama kaming tatlo ng hindi lumalayo.

Napansin ko ang malaking frame sa gilid ng kama kaya pinuntahan ko ito. hinaplos ko ang glass frame na nakakabit upang hindi masira ang larawan naming tatlo.

Picture namin ito. si kd na buhat buhat si elo habang ako na nakayakap sakanilang dalawa.

hinaplos ko ang pangalang nasa ibaba ng larawan.

sa ibaba ng larawan ni elio ay naroon ang pangalan niya. Eltynraion Maiorani Pascall

At sunod ko namang tiningnan ang pangalang nasa baba ng mukha ni kd.
Kuel dendrin elarion pascall

yup, si kd at rio ay iisa. kd is shorthand for kuel dendrin while rio is shorthand for ela(rio)n.

ibang daliri ang humaplos sa pangalan ko na nasa baba ng larawan ko.

si kd 'yon at inakbayan ako habang buhay sa kabilang braso ang anak. sumandal ako sa balikat niya

Elsinore Tytranha maiorani pascall

I'm his elsinore, his rana, his Min älskade, his everything including our son.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon