CHAPTER 1

47 7 0
                                    

"Hi norem, paganda ka ng paganda ahh."pambobola ng nakakasalubong ko sa pasilyo.

Narito ako ngayon sa Campus. Start na na kasi ng klase kaya madami nanaman akong mapagtitripan.

Nakakalokong ngiti lamang ang isinusukli ko sa mga bumabati saakin. Hindi na bago yan, kilala naman kasi ako sa buong Campus.

Since Grade 7 ay dito na ako nag aral hanggang sa tumungtong ako ng 5th year. Senior highschool student

Pinagmasdan ko ang nasa paligid ko habang tinatahak ang daan patungo sa silid aralan. Malawak ang Campus kaya ilang minuto bago makarating sa room. Madadaanan ko muna ang library saka ang mga Club rooms.

Napatigil ako sa paglalakad ng may humarang saakin. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa saka napanguso. Siya nanaman

"Norem, magandang umaga. Nandito ako para ano"paunang sambit nito.

"Para ano?"pang uulit na patanong nito sa sarili.

Nagpipigil ako ng tawa dahil hindi parin ito nagbabago.

"pft, ano ba kasi yun liann?"natatawang tanong ko.

Napakamot siya sa kaniyang batok. "May bago tayong kaklase galing pa sa kalaban nating Campus."

"bagong kaklase?"ulit nanaman nito.

Napatakip nalang ako sa bibig dahil baka isipin niya na pinagtatawanan ko ang paraan ng pananalita niya.

"Ohh, may exponent nanaman pananalita mo liann."biro ko kaya napasimangot ito. "May bago nanaman akong pagtitripan kung ganon, diba?"pag iiba ko ng topic

Tumango ito saka ngumiti. "Oo, alis na ako. Baka malate pa ako sa klase. Una pa naman ang klase ng Juniors"

"Bye bye"nakangiti kong sambit.

Umalis na ito saka ako tumawa ng malakas. Nakakatawa talaga ang babaeng iyon

Napatingin na saakin ang mga estudyante ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang.

Siya si Alihyann Dolievan, 3rd year student. 2 years lang naman ang gap namin at alam na alam niya ang mga kalokohan ko. Buong Campus naman ay kilala ako

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ngunit may nakaagaw ng atensyon ko. Isang matangkad na lalaki ang nagtungo sa library

Hindi ito mukhang nerd. Walang salamin, maayos ang suot at gwapo.

Dahil sa kuryusidad, sinundan ko ito papasok sa library. Bago palang kasi ang mukha niya kaya gusto kong malaman kung siya nga ba ang bagong salta na ikinuwento saakin ni liann.

Hinanap ko ang pwesto nito at nakita kong nakaupo itong mag isa sa dulo. Lalapit na sana ako ng harangan ng librarian.

"Hep hep hep. Norem, maghahasik ka nanaman ba ng lagin dito sa library ha?"nakapamewang na tanong ni Madam Liz.

"Hala, hindi po ah. Balak ko nga magbasa ehh"pagsisinungaling ko

Gulat itong napatingin saakin. "Ano't nag iba ang ihip ng hangin? Hindi ka nagbabasa rito norem. Kung pupunta ka rito sa library ay para mantrip. Sigurado kaba talaga na magbabasa ka?"

"Oo nga po. Promise, magbabasa talaga ako. Isang oras pa naman bago magsimula ang klase namin eh."pagdadahilan ko.

Kinulit ko ito ng kinulit. Hindi naman talaga ako manggugulo dito noh. Gusto ko lang makilala ang bagong salta

"Oh sya, sige nanga.isulat mo muna ang pangalan mo sa logbook para marecord ka.

Tumango ako saka ngumiti. "Thank you madam liz. Dabest ka talaga"pang uuto ko

Nag sign na ako sa logbook saka pumirma. Hinayaan na niya akong maglibot sa library.

Lumapit na ako sa lalaking dahilan kung bakit narito ako saka naupo sa harapan niya.

Tumingin ito saglit saakin ngunit itinuon rin ang atensyon sa pagbabasa.

"Hi, ikaw ba yung bagong student dito?"nakangiti kong tanong.

Nakita ko lung pano ito inis na tumingin saakin. "Obvious ba?"

Napanguso naman ako dahil sa pagkapahiya. "Anong pangalan mo?"

Nagbabakasakali akong makakakuha ng sagot ngunit dineadma lang ako

"Ang sungit mo naman.. dibale, ako nalang ang magpapakilala sayo."inilahad ko ang kamay ko."ako si norem, 5th year student. "

Tiningnan lang ako nito na para bang isang istorbo sa pagbabasa niya ng libro. "Hindi ako interesado sayo."diretsang sambit nito

Napanguso ako sa pagkapahiya. Nagpapakilala lamang ako ngunit talagang kailangang diretsong sabihin yun? Harsh ah

"Ayos lang yan. Mamaya pa'y magiging interesado ka rin sakin kaya magpakilala kana hehe"walang ka apog apog kong sambit.

Napabuntong hininga ito saka ibinaba ang librong hawak. " Look, nag aaral ako. Ayokong magpakilala sa taong hindi ko naman kilala ng lubusan."

Pagkatapos niyon ay agad itong tumayo habang dala dala ang libro. Dumiretso sa librarian habang ako ay sinusundan lamang siya. Makulit ako at wala siyang magagawa

"Hihiramin ko muna po. Hindi kasi ako makapag pokus ng maayos dito.. "seryosong sabi niya kay madam liz.

Napatango tango naman si madam saka inilista ang pangalan ng lalaki bago payagang umalis.

Lumabas kami ng magkasunod lamang sa library. Halatadong naiinis na ito sa pagsunod ko

"Pwede ba, tigilan mo ang pagsunod saakin dahil may klase pa ako."inis nitong sambit.

Napakamot ako sa batok. "Ako rin naman eh. Nakikipagkilala lamang ako ngunit sinusungitan mo naman ako."

Kuno't noo itong humarap saakin. "Ang kulit! Hindi nga kita kilala eh."saka tumalikod muli at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod ulit ako sakaniya. "Oh edi magpapakilala ako. Ako nga si norem, 5th year student"pag uulit ko.

Kahit mukhang hindi ito nakikinig ay nagpatuloy ako sa pagsasalita habang nakasunod lamang sakaniya.

"17 na ako"

"Ang lrn ko naman ay 808785251"

"Nag dodorm lang ako kasi tinatamad ako umuwi sa bahay namin"

"Uhm ang student id ko ay 59031"

Ano paba? Ang gender ko ay female."

"Marunong ako sumayaw, mahilig naman sa fried chicken."

"Ang pangalan ng parents ko ay--"

Naputol ang sasabihin ko ng pigilan ako nito sa pagsasalita. Napasinghal na ito sa inis

"Oo na oo na, tumigil kana. Kilala na kita kaya pwede ba? Huwag kanang masyadong maingay."iritableng saad nito.

Ngumiti ako habang tumatango. "Anong pangalan mo?"tanong ko

"Kuel. Kuel dendrin pascall but kd for short.."seryosong sambit nito.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Napakaganda namang pangalan, ang unique

"Pmagpapakilala ka rin naman pala saakin, bakit pinatagal mo pa?" Nakangising tanong ko

"Nakakainis na kasi ang boses mo. Baka pati ang type ng dugo mo'y masabi mo pa saakin. Sira ulo"ngunit ibinulong na lamang niya ang kuling sinabi niya.

"Ha? Syempre naman sasabihin ko yun kung hindi ka pa nagpakilala saakin hehe."

Napatango tango na lamang ito. "Sige. Papasok naako, huwag mo na akong kulitin."kalmadong saad nito.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng room niya. Maraming estudyante rin ang nakatingin saamin ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang.

"Bye bye kd!! See you later."pamamaalam ko habang kumakaway pa.

Tinanguan lamang ako nito saka pumasok na sa room.

Umalis na ako at nagtungo sa 4th floor kung saan naroon ang room ko.

Nakangiti akong pumasok roon at matatawa rin kalaunan. Ang mga kaklase ko'y batid kong nawiwirduhan sa inaasta ko ngunit hindi ko na ito pinansin pa.

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon