CHAPTER 3

14 7 0
                                    

Bumalik na ako room pagkatapos ng lahat ng nangyari. nakakapagod ang araw na ito.

napabuntong hininga ako saka napakamot na lamang sa aking sintido.

hanggang kailan ko ba ito gagawin? bulong ko sa sarili ko.

Ngumiti ako nang pumasok na ang aming guro saka nagsimulang magturo. Madalas overtime ang mga guro kung kaya'y aasahan ko nanamang late na ako makakauwi.

hindi ko maiwasang ngumiti sa gitna ng klase sa tuwing pumapasok sa isip ko si kd at ang nangyaring paghalik ko kanina. ngayon ko lamang iyon ginawa

nawala ang ngiti sa aking labi ng may pumasok sa utak ko. celio

Inis akong napatayo sa aking upuan saka nagpaalam sa guro na magbabanyo lamang ako. bakit siya pa kasi ang naisip ko, nawala tuloy ako sa mood.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa banyo at nang matapos ako, Lalabas na sana ako ng may narinig akong nag uusap sa labas ng banyo. sa tingin ko ay limang babae itong nagkukumpulan at pamilyar ang isa. si Candy

nakinig ako sa pinag uusapan nila at hindi muna ako lumabas sa banyo.

"Candy, isumbong mo na kaya si norem sa guidance. palagi ka nalang binubully simula nang mag transfer ka dito." suhestiyon ng isang babaeng kasama nito.

Rinig ko ang singhal ni Candy. "kung ganon lang kadali rys, bakit hindi ko pa 'yan ginawa noon pa? bwiset." inis na usal nito.

"chill, candy. suggestion lang yon kaya huwag ka magalit ."Sambit ni Rys.

sumang ayon ang iba. "Bakit nga ba takot na takot ka kay norem?" tanong ng isang babae.

tahimik lamang akong nakikinig at mas naging interesado pa ako nang marinig ko ang tanong na yan.

"Malamang, ikaw ba naman laging binubully, hindi ka ba matatakot?" tanong pabalik ng rys.

"tumahimik nga kayo! hindi 'yan ang dahilan."saway ni Candy.

napangisi ako sa sagot niya. minsan ko lang naman siya binubully, masyadong exaggerated naman mga kaibigan niya.

"Si norem yun." inis na sambit ni candy saka bumuntong hininga. "Hindi ko- natin siya kaya."

"dahil ba sa kamag anak niya ang principal? nasa batas pa rin naman ang anti bullying, candy." sambit ni Rys

hindi ko na narinig ang sagot ni candy. mukhang hindi na ito sumagot pa at narinig ko na lamang ang mga yapak nila palayo sa banyo.

Hanggang dito ba naman ay hindi ako tinatantanan ng mga chismis na 'yan.

Maglalakad na sana ako pabalik sa room nang may biglang humarang sa daraanan ko. isang babaeng nakasuot ng pulang maskara saka nakasuot ng itim na Cloak.

"Why did you that?!" pagalit na sigaw nito.

napakunot ang noo ko saka napaatras sa sigaw nito. ramdam ko ang galit niya habang nalilisik na nakatingin saakin.

"s-sino ka? anong kailangan mo saakin?" Utak kong tanong. kinakabahan ako

"Fuck, fuck! I want to kill you" Nanggagalaiti nitong sambit saka may binunot na isang baril mula sa kaniyang tagiliran.

mabilis akong yumuko nang iputok nito ang baril. muntik na akong mamatay

Sinipa ko ito sa kaniyang tyan at ibinigay ko ang buong lakas ko upang mapatumba siya para makatakas ako.

pawis na pawis na ako kakailag sa mga balang pinapaulan niya saakin. Peste, wala manlang makarinig ng putok ng baril

naiinis rin ako sa mga gwardiya rito sa paaralan dahil wala manlang makapansin na nasa panganib na ang buhay ko.

pagod na pagod na akomg umilag sa bawat pagpaulan nito ng bala saakin. yuko, takbo lamang ang kaya kong gawin

"S-sandali! ano bang kailangan mo? ano bang problema mo saakin?" Natatakot kong sigaw.

narinig ko munti nitong halakhak ngunit naroon parin ang inis sa bawat tawa nito.

"you! you are my problem, Dimwit! You ruined us." galit nitong sagot.

napatanga ako, hindi ko alam ang isasagot. wala akong alam sa mga pinagsasabi nito.

Sa isang kurap, nakatutok nanaman ang baril nito saakin at handa na nitong pihitin ang gantilyo kaya pumikit na lamang ako, tinatanggap ang kapalaran ko.

Ilang segundo pa ay wala akong maramdaman na sakit sa kahit anumang parte ng aking katawan. nawala na rin ang babaeng nakasuot ng cloak at nasa harapan ko ang ilang gwardiya kasama si kd.

"a-anong? P-paano? anong nagyari? nasaan na siya?" Nagugulat kong tanong.

At mas nagulat ako nang bigla akong yakapin ni kd ng mahigpit. "I almost die."

naguguluhan akong tumingin sakaniya nang kumalas ito sa pagkakayakap saakin.

"anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

Napailing ito saka seryosong tumingin saakin. "naabutan nalang namin na tumatakbo paalis ang naka cloak na itim. narinig ko ang putok ng baril lung kaya'y pumunta ako sa guard house saka isinama sila papunta rito."paliwanag ni kd.

napaupo ako sa semento sa sobrang kaba. nanginginig na aking mga tuhod.

"Muntik na akong mamatay."nanginginig kong sambit

iniabot saakin ni kd ang kaniyang panyo. "alam ko. buti na lamang ay umabot kami kundi makakakita ang mga studyante ng Bayolenteng babae na namatay ngayon."Sambit nito na may halong pang iinis.

napatingin ako sakaniya ng matalim. "kailangan talagang mang insulto? pasalamat ka't gusto kita."

napa singhal na lamang ito saka inutusan ang gwardiya na alalayan ako patayo. ang arte, pwede namang siya nalang ang gumawa nito saakin. edi sana natuwa pa ako

"salamat. buhay pa ako dahil sainyo kaya salamat"Sinsero kong pagpapasalamat sakanila. nagulat pa ang dalawang gwardiya dahil ngayon lamang ako nagpasalamat ng walang halong biro.

"Mabait ka din pala, akala ko anak kana ni satanas."Pang iinis ni kd saka naglakad patiuna saamin.

"oo naman. isa nga akong anghel sa langit na nahulog sa lupa upang paibigin ang isang tulad mo." nakangiti kong sambit.

nakita ko ang pag ngiwi nito saka nandidiring tumalikod saakin.

"Masyado kang feeling. Hindi bagay sayo na maging isang anghel.. "tumingin ito saakin ng saglit. "kung totoo man 'yan, ako mismo ang babaril sayo."

tinarayan ko na lamang ito saka ngumiti. kahit masyadong harsh ang mga pinagsasasabi nito saakin, alam kong nag alala rin siya sa kalagayan ko dahil hindi ito magmamadaling pumunta rito kung wala itong pakealam saakin.

napabuntong hininga ako nang maisip ko ang babae kanina. kung bakit galit na galit ito saakin kahit hindi ko naman siya kilala. ano ba ang sinira ko na sinasabi niya? baliw lamang siguro iyon at napagkamalan ako.

iwinaksi ko ang iniisip na iyon saka nag focus sa lalaking nasa harapan ko at ngumiti. iniligtas ako ng taong gustong gusto ko

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon