CHAPTER 15

14 1 0
                                    

Sa kabila ng maingay na katahimikan na bumabalot sa sala, ang amoy ng alak ay hindi mapipigilan.

Nakatulog na ang lahat; si Vrill at si Iura mahimbing na natutulog habang magkayakap sa sofa,  si Lachlan naman ay nakahiga sa sahig na kapwa lasing na at si Ice na nakaangkla sa binti nito. Si Ronan naman ay nakaluhod sa tabi ni Kailani na parehong nasa kalasingan at halos bumabagsak na, samantalang si Thadron ay pagewang gewang sa pag-akyat at pagbaba sa hagdanan habang sumasayaw nang mag-isa.

Ako naman, nahihilo ngunit natatawa rin sa nakikita ko. Kahit gaano pa kalakas ang aking resistensya sa alak, talagang malalasing ako kung masyadong maraming nainom.

napansin ko ang kalat sa buong living room. nagkalat ang mga balat ng junk foods pati na ang mga lata ng beer.

"Sobrang saya, 'no?" bulong ko sa sarili ko habang papunta sa banyo.

Hindi ko mapigilan ang pag-iling, at hindi na rin mahiwalay ang mga salita mula sa aking bibig. Ang pag-iisa sa silong ng katahimikan ng banyo ay pinalitan ng pagkabasag ng boses mula sa kabilang linya ng telepono.
mukhang hindi ko na napansin na tinawagan ko siya.

Kinuha ko ang cellphone ko kung saan nakasave ang kanyang numero. "Ito, matutuwa ito sa'kin. Sige." natatawang bulong ko sa aking sarili.

"Sa bawat araw na lumilipas, walang araw na nakalimutan kita. Miss na miss kita," sabi ko kay Rio, na tila nabigla sa aking pagtawag.

"Alam mo bang lasing ako ngayon? Oo, totoo 'yan. Halika, nandito ako sa bahay ni Iura. Nasaan ka ba? Baka gusto mong bisitahin ako."

namutawi ang katahimikan sa kabilang linya. dinig ko ang malalim na paghinga sa kabila..

"You're wasted again."

sinuklian ko lang ito ng mahinang tawa saka ibinaba ang tawag. papikit pikit pa akong naglakad palabas ng gate ni iura at matiyagang hinihintay ang sasakyan nito.

Nang dumating na siya, agad itong bumaba sa kotse saka ako binuhat papasok sa kaniyang sasakyan. kinabitan ang ng seatbelt na ikinatawa ko nalang ng mahina.

Hindi ko alam kung paano nagsimula, ngunit bigla na lamang, ang aming mga labi ay nagkasalubong. Isang matamis na halik na puno ng kahulugan. Ramdam ko ang pag-init ng kanyang hininga, ang presensya ng kanyang katawan na unti-unting bumabalot sa akin. lasing na nga ako

Sa gitna ng kakaibang kasiyahan, may bahid ng pag-aalinlangan sa loob ko. Ngunit hindi ko maitanggi ang kakaibang pakiramdam ng ligaya at pag-asa na dala ni Rio. Isang sandaling puno ng damdamin at pangako.

unti-unting naglayo ang labi namin sa isa't isa. hinilot ni rio ang kaniyang sintido matapos sigurong marealize ang ginawa namin kanina.

"You're really drunk elsinore."pabulong na sabi nito. halos mawala ang boses niya dahil guro hindi niya inaasahan iyon.

"mhm. I missed you, min kärlek."

ang salitang iyon ang dahilan kung bakit namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"i know I'm not your boyfriend," anito. " but damn, i missed you too, Min älskade."

napangiti nalang ako saka nagsimula itong magmaneho. "we're going to the nearest coffee shop."

tanging tango lamang ang naging sagot ko bilang pag sang-ayon dahil masakit pa ang ulo ko at namumula pa ang pisngi ko sa sobrang hiya.

Nakarating kami sa isang coffee shop at inalalayan ako ni Rio pababa sa kotse. Pagkapasok namin sa loob, agad niya akong pinaupo sa bakanteng upuan para sa dalawang tao. Mag-aalas nuebe na ng gabi.

Nasobrahan ang aming celebration kaya talagang lasing na lasing kami. Pagkatapos mag-order, agad namang dumating ang kape namin at iniinom ko agad ito. Nakaupo sa harap ko si Rio na paminsan minsan ay tumitingin saakin.

"How are you, Elsinore?" tanong ni Rio, na may mapanuring titig.

"Okay lang naman," sagot ko, habang hinahalughog ang aking nararamdaman. "Namiss kita, Rio." pag amin ko

Napangiti si Rio at mariing huminga bago sumagot, "Namiss din kita, Elsinore."

Habang nag-uusap kami, unti-unting nawawala ang mga epekto ng alak at nagsisimula akong makaramdam ng kahalubilo. Naisip ko ang mga sandaling magkasama kami at ang tamis ng aming mga alaala.

"You know what, there are times that i always think about you. gusto kitang puntahan pero laging nakaharang saakin ang mga peste." sabi ni Rio, tila may kabagabagan sa kanyang mga mata.

"you know it's for your own good. may ginagawa ka din, pati na rin ako." sambit ko na sinang ayunan naman nito ngunit nandoon pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

"yeah, i know. we'll wait for you.."

malungkot akong ngumiti. "si elio?" ang tono ng boses ko ay puno ng pagsisisi st paglumbay.

hinawakan nito ang tungki ng ilong ko saka pabirong piningot. "don't worry, he will understand you."

gumaan naman ang pakiramdam ko saka nagpasalamat sakaniya.

"you know I'm always thinking about something." sabi nito.

nabuhay naman ang kuryusidad sa puso ko. "About what?"

"Tungkol sa atin," seryosong sagot ni Rio, na tila nahihirapan. "Nami-miss ko 'yung mga oras na kasama kita."

Naramdaman ko ang bigat ng kanyang mga salita, at naisip ko rin ang mga oras na magkasama kami. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga nararamdaman ko, ngunit ang kanyang pag-amin ay bumabalot sa aking puso ng ligaya.

"Talaga bang namimiss mo ako?" tanong ko, na may halong pag-aalala at pangarap.

"Oo, Elsinore," sagot ni Rio, na may matamis na ngiti. "At nandito ako palagi para sa 'yo."

Napawi ang lahat ng aking agam-agam sa pagkakarinig ng mga katagang iyon mula kay Rio. Naparamdam niya sa akin ang kahulugan ng pagmamahal at pag-aalaga, at doon ko naisip na posible pala ang isang bagong simula sa pagitan namin.

"Huwag mong kalimutang lagi akong nandito para sa 'yo," sabi ni Rio, na puno ng pag-asa sa kanyang mga mata.

"Hindi kita makakalimutan," tugon ko, na puno ng pasasalamat sa kanyang pagmamahal. "Salamat sa pag-alalay mo sa akin ngayong gabi, Rio."

"no worries." tanging sabi nito.

"how's your life in england?" tanong ko naman. "kelan ka pa nandito sa pilipinas?"

"mhm, okay naman ang buhay ko sa england. and for your second question, last year pa ako nandito. hindi ko lang sinasabi sayo dahil baka tawagan mo si T." sagot nito.

natatawa akong tumingin sakaniya. "yeah, talagang tatawagan ko siya."

"I can't stand being away from you for too long, you know."

" oo na, corny mo nanaman." kunwari'y asar kong sabi ngunit halata sa mukha ko ang pamumula.

napansin iyon ni rio kaya natatawa itong tinitigan ako. akala ko frosty forever na 'to, may soft side din pala.

nag usap pa kami sa ilang mga bagay at nang pumatak ang alas onse, hinatid na ako nito sa bahay ni iura.

"Be safe, okay?" bulong nito saakin matapos akong yakapin.

tumango ako. "ikaw din, mag iingat ka."

hinalikan ako nito sa noo saka kumaway saakin na kinawayan ko namsn pabalik. sumakay na ito sa kaniyang kotse at agad na pinaharurot paalis ng village.

nakangiti akong pumasok sa mansyon ni iura at nilinis ang mga kalat namin kanina.

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon