CHAPTER 18

10 0 0
                                    

Tapos na ang weekend kaya naman ay back to school, back to dorm ulit.

masyado akong nag enjoy sa bahay ni iura at ayaw ko panga sana umalis kaso hindi pwede dahil baka magkaroon na ako ng warning kapag hindi ako umuwi sa dorm.

naglalakad ako papasok sa Campus. konti pa lang ang mga estudyante dahil monday naman ngayon. kapag ganitong araw ay konti ang maagang pumapasok dahil tinatalo sila ng katamaran.

may mga iilan na bumabati saakin at ang iba ay palihim akong tinitingnan ng masama. lahat nalang ginagawan ng issue

malapit na ako sa building nang may babaeng humarang sa dinadaanan ko. bale, tatlo pala sila at mukhang alalay ang dalawa.

lumapit saakin ang nasa gitna. hindi manlang ngumiti o batiin ako kaya halatang masama ang ugali nito.

"I'm Harriet," mataray nitong sambit. may iniabot siya sakin na isang sobre " pakibigay naman 'to sa FRIEND mong si kd."

talagang diniinan pa talaga nito ang salitang, "friend". mukhang isa 'to sa nagkakagusto kay kd.

"Ano naman 'yan?" masungit ko ring tanong. kung tinatarayan ako nito, susungitan ko din siya.

"Sobre malamang." pamimilosopo nito.

hindi ko siya pinansin saka naglakad palayo sakaniya pero hindi pa ako medyo nakakalayo ay tinawag nanaman ako nito.

"Ano ba? ang aga-aga pinipeste mo ako." iritado kong sambit.

"Kunin mo 'to at ibigay kay kd. pakisabi ay love letter ito mula kay Harriete." pagkasabi non ay kaagad itong umalis at hindi na hinintay pa ang sasabihin ko.

walang modo ampotek. pinagmasdan ko ang hawak kong puting sobre at may kiss mark pa sa gilid nito. corny naman

Hindi ko ito tinapon dahil sayang naman ang effort ng isang yun. kahit kasing pangit niya ang ugali niya, — uh, nevermind. wala akong maisip na idahilan dahil lahat ng tungkol sakaniya ay pangit.

hinawakan ko ang strap ng bag ko saka nagpatuloy lang maglakad paakyat sa building namin.

nang nasa tapat na ako ng room ay nakita ko si kd na nakatayo sa gilid ng pinto at mukhang may hinihintay.

"Ginagawa mo dito? hinihintay mo ba ako?" Walang hiya kong tanong.

pasiring itong ttumingin at ngumiwi pa. "Asa,"
at pasimpleng tiningnan ang kabuoan ko.

kunyari pa siya, ako naman talaga ang hinintay nito kasi sa paraan pa lang ng pagtitig niya ay ako talaga ang sadya niya.

naalala ko bigla ang love letter ni harriet. mabilis na inabot ko ito sakaniya na takha naman akong tiningnan.

"What's this?" tanong niya.

"Sobre malamang." pamimilosopo ko. nahawa ata ako sa pagka bad vibes ni harriet kanina

"Alam ko. angg tinatanong ko ay anong laman nito?" Iritado nitong sambit.

napatawa naman ako. "Love letter 'yan." nakita ko ang pag awang ng labi niya.

syempre sa isang section ay hindi mawawala ang mga chismosang kaklase kaya naman paglingon ko, nasa bintana sila at ang iba ay nasa pinto kanina pa kami pinapanood.

tinukso ako ng mga gago kong kaklase.

"Ayie, nagbibigay na ng love letter si norem!"

"marunong din palang magmahal ang alagad ni satanas"

"kiss na!"

"Mga gago, hindi saakin galing 'yan." paglilinaw ko sakanila dahil baka lumala ang misunderstanding.

kita kong natigilan si kd pero agad ding binuksan ang puting sobre saka binasa ang laman.

dahil dakilang chismosa ako, agad na pumwesto ako sa likod niya at nakibasa din.

"matagal na kitang gusto kahit iba ang gusto mo." 'yan lamang ang nabasa ko dahil madamot si kd. ayaw ipakita saakin ng buo

Agad na nilamukos niya ito at tinapon lang sa kung saan. siguro magkalahi sila ni harriet, parehong bad vibes.

"sinayang mo effort nong tao." sambit ko.

pinakrus nito ang kaniyang braso. "So? hindi niya naman ikakamatay 'yon." pagdadahilan nito tila ba wala siyang pake.

lumapit siya saakin kaya napaatras ako. "Ikaw? wala ka bang love letter para sakin?" mahina nitong tanong.

sumipol ang mga kaklase ko at umarteng animo'y kinikilig. mga balimbing

"Sabi ni ma'am bawal gumawa ng baby sa room" singit ni ardy habang nakaakbay naman sakaniya si july.

pinakita ko sakaniya ang middle finger ko. "tangina mo!" nasabi ko nalang.

Puro sila tawanan at ito namang kd ay panay ang ngisi akala mo naman ikinakapogi niya 'yan. well, konti lang

"Kahit gusto kita, hindi ako gagawa ng kakornihan." sagot ko sa kaninang tanong niya.

tumango tango ito. "we'll talk later." saka umalis na pababa ng building dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase.

Ano naman kayang himala ang nakain non kaya gusto ako kausapin?

pumasok na ako sa room at umupo sa desk ko doon sa pinakadulo. nilalagay kasi ng guro ang mga pinakamaingay sa sa dulo kasi kapag may bisita daw ay hindi sila kaagad mapapansin.

"Elsi baby!" sigaw ni iura na kakapasok lang at naglalakad sila patungo sa kinauupuan ko.

"ingay mo iura"reklamo ni kailani at nakipag beso saakin.

"Oo nga. ang aga-aga ang taas kaagad ng energy mo." nasabi ko nalang

napanguso siya. "Maingay lang naman ako kasi mamimiss ko nanaman si vrill. naiwan siya sa bahay mag-isa kasi may pasok tayo." madrama nitong sambit.

napairap nalang ako. " parang yun lang, ang drama mo na."

"palibhasa kapag nasa loob ng school may kd ka at kapag nasa labas ay may rio ka. hindi mo talaga mararamdaman 'tong paghihinagpis ko, manhid!" arte pa nito.

ngumiwi naman ako. andami ng sinabi "Hindi ako manhid, Oa ka lang talaga."

"Boom, Oa!" gatong ni kailani sa sinabi ko.

nakangusong naupo si iura sa tabi ko. napapagitnaan ako nila kailani at iura kahit hindi naman talaga dapat dito ang upuan nila.

dumating na ang first subj teacher namin na seryosong nagtungo sa unahan kaya natahimik ang mga kaklase ko.

"Good morning!"

"Good morning, Mrs. Limanco!" sabay-sabay na bati namin.

tumango ito at nagsimulang magturo na. Maluwag ang mga schedule namin ngayon dahil walang mga pending projects at assignments kaya chill lang kami.

"Sa cafeteria tayo kumain later." bulong saakin ni iura.

"sabi nila ay masarap daw ang mga pagkain dun. "dagdag pa ni kailani.

tumango ako. "Sige, mag uusap din naman kami ni kd. hindi ko nga lang alam kung bakit"

Pagtapos non ay nanahimik na sila at nakinig nalang kami sa guro namin na kanina pa nagtuturo sa unahan.

Shifting Sands [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon