Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Zillex habang naiwan sa tabi ko si Dalton na kaparehas kong nalilito sa naging aksyon ng lalaki.
"Anong drama ng lalaking 'yon?" sinukbit ko ang bag sa balikat.
Nilingon ako ni Dalton at malamig akong tiningnan. "I don't know."
"Ginalit mo faith! iba kase inawat mo." Halakhak ni Eron kaya nakatanggap siya ng masamang tingin kay Dalton.
"Nagtampo si boss, bakit daw may paghalik?" dugtong na biro ni Hans na ikinasimangot ni Dalton.
Pahalik? sa pisngi lang naman 'yon!
At tsaka ano naman ngayon? hindi naman siguro siya mag w-walk out ng dahil 'don. He doesn't like me. Hell! He don't even like my existence so why he would be jealous?
Hindi ko alam kung si Zillex lang ba ang may galit o pati ang katabi kong hindi man lang ako kausapin at tapunan ng tingin.
I mean, tahimik naman talaga siya pero hindi naman totally hindi niya ako kinakausap. Nag-improve na siya, dumadami na words niya mga sampu.
Madrama kong sinuklay ang buhok at lumabas ng gym habang naiwan si Dalton kasama sila Eron para mag meeting saglit.
Sinubukan kong habulin si Zillex pero hindi ko naman malaman kung saan 'to nagsuot kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang umuwi na lang.
Is he angry because of what I did? inawat ko lang naman si Kuya Gion ah?
Napabuntong hininga ako at pabagsak na nahiga sa kama ko. Tumingin ako sa phone ko at nagbukas ng ig.
Pabalik balik ako ng tingin sa profile ni Zillex na online. Gusto kong pindutin 'yon at mag send ng message dito.
Pero ano naman ang sasabihin ko?
Sorry dahil nagpahalik ako sa pisngi? sorry dahil iba inawat ko?
Ni hindi nga ako sure kung galit ba siya o may topak lang!
"Argh!" inis akong naghalumpasay sa kama kaya nagkalaglagan ang mga unan 'don.
"Bwisit ka Zillex!" inis kong sabi at nagawa pang sabunutan ang sarili sa inis.
Ano ba kaseng kasalanan ko at hindi nila ako magawang pansinin?!
Sinabi ko na sa sarili kong iiwas ako sa kanila pero bakit nag-iisip ako ng paraan para masuyo silang dalawa?
Nababaliw na yata ako.
Wala pang five ng umaga ay bumungon na ako. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako o nakaidlip man lang. Feeling ko talaga bangag na bangag ako ngayong umaga.
"What happened?" salubong sakin ng ama ng makita ang itsura ko habang pababa ng hagdan.
Nakita ko naman ang paglingon ng dalawa pa na nagtataka ring tumingin sakin.
Sinalubong ako ni Daddy Alton pababa ng makitang para akong lantang gulay na naglalakad pababa ng hagdan. Paniguradong halata ang paniningkit ng mata ko dahil sa kakulangan ng tulog.
"Hey, sweetie. Do you have a problem?" may pag-aalala sa boses ni Mom habang hinawakan pa ang pisngi ko para pakiramdaman ang temperature ko.
Umiling ako at yumakap dito naglalambing bago humikab. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa likod habang naramdaman ko ang paglapit pa ni Daddy Aries samin.
"Hindi ako nakatulog 'my." paliwanag ko at muling naghikab.
Kahit gaano yata ako kaantok pakiramdam ko ay nagigising parin ang diwa ko dahil kila Dalton.

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
Storie d'amoreCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...