Chapter 1 - Hiding Inside Myself

103 0 0
                                    

I've been hiding in the shadow..

and been living from the past..

How will i be able to run away?

Will you save me from the dark?

Or will hate me like the others?

----

"Huy Benji! Tulala ka na naman d'yan!" bulyaw ni Paul.

Simula bata pa ay ganito na ako. Hindi pala kibo at nasa isang sulok lang lagi.

Iilang tao lang yung kaya kong pakisamahan at makihalubilo. Kahit matagal na kami magkakasama sa grupo pero parang may kulang pa din.

May makakaunawa pa kaya sa akin?

I am Benji Robles, isang introvert, tahimik, may sariling mundo, mapagmahal na anak at kapatid, may takot sa diyos at sa musika ko na lang nilalabas lahat ng emotions ko.

At dito magsisimula ang kwento ko..

**23 years ago**

"Mama, sa inyo ko po muna iiwan ang mga anak ko. Kailangan po namin magtrabaho ni mister sa abroad para may pang suporta at makapag ipon po para kina Benji at Cheska" habang karga ako ni mama.

"Ay kung ganoon, dito muna siya sa akin. Ako ang bahala sa mga anak niyo. Halinhinan na lang kami ni Alfredo" sagot ni lola Rosario.

Habang lumalaki ako ay palagi kong tinatanong sa lola ko bakit palagi wala sina mama at papa. Ang laging sagot sa akin ni lola ay para sa aming magkapatid. Kailangan nilang magsakripisyo at magtrabaho pang tustos sa amin.

Noong nasa grade school ako, lagi akong kasa kasama ng lolo ko sa church. At doon nagsimula ang aking interes sa musika.

Sa musika na iyon ko nalalabas ang nararamdaman ko. Pag tugtog ng gitara, piano at kung ano ano pang instrumento ay aking natutunan.

Napakasarap sa pakiramdam makarinig ng musika.

Habang lumalaki ako ay lalo akong napapalapit sa musika. Sa bawat kumpas ng aking kamay at paghakbang ng aking mga paa alam ko sa sarili ko na dito ako masaya.

Hanggang sa..

"Benji, mag audition ka dito sa company namin. Kailangan pa namin ng isa pang member" sabi ni Joshua habang kausap ko sa phone.

Eto na siguro ang hinihintay ko. Ang isa sa mga pangarap kong makamit.

Ang makapag perform sa maraming tao at marinig ang aking musika.

**after 1 year**

"Congrats Benji! You made it!" sabi ni Joshua.

At doon na nagsimula ang pagsibol ng aming pagsikat.

Pero bakit napakapait ng tadhana para sa akin?

Bakit 'yung taong mahalaga pa sa akin ang nawala?

Kung kailan nagsisimula na ang career ko sa industriya tsaka pa siya nawala...

Ang lola ko.

Naalala ko noong mga araw na kasa-kasama ko ang lola ko sa probinsya. Ang saya saya ko noon. Kahit mahirap lang kami ay punong puno ng pagmamahal at pangaral sa aming magkapatid.

La, para sa iyo 'tong kanta na to.

"Wag mag-alala... ipikit ang 'yong mata, ta'na.. Pahinga muna... ako na.."

Punong puno ng emosyon ang aking puso ngayon. Ngunit kailangan kong bumangon muli at harapin ang bukas.

La, kung nasaan ka man ngayon. Sana maging proud kayo sa akin.

Jhanine's POV

"Mahal, bakit mo ako iniwan? Paano na ako? Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. Ikaw lang ang kailangan ko. Wala nang yayakap sakin sa pagtulog. Mag isa na lang akong gigising. Mahal, kung kailan unti unti na nating natutupad ang mga pangarap natin, tsaka mo pa ako iniwan" sambit ko.

**flashback**

"Mahal, balang araw maitatayo ko din yung pangarap nating restaurant dito" sabi ko sa boyfriend ko.

Ang ganda kasi ng lugar. Maaliwalas at maganda ang tanawin. Halos araw araw lagi naming binabalikan ang pwesto na iyon.

Nagsipag kami at nakapag ipon, at unti unti na naming natutupad ang mga pangarap namin. Nagkaroon kami ng 5 branches dito sa Metro Manila.

Hanggang sa..

"Ma'am si sir nawalan ng malay!!" tarantang papunta sa akin ang isa sa mga staff ko.

Agad namin siyang dinala sa ospital.

Nakausap ko ang doktor at ang sabi ay..

"Ms. Lopez, may Lung Cancer po si Mr. Benitez. May limang buwan pa siyang natitira. Ang maari na lang naming gawin ay hindi siya makaramdam ng sakit" sabi ng doktor.

Biglang tumulo ang aking mga luha. Ayaw kong paniwalaan ito. Bakit si Steven pa.

Hanggang sa isang araw...

"Time of death 5:16 pm"

Gumuho ang aking mundo.

'Yung taong pinakamamahal ko ay wala na.

Paano na ako?

**end of flashback**

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now