Jhanine's POV
Nasa dalampasigan ako ngayon at nakatanaw sa malayo. Malalim ang iniisip. Kasabay ng ulan ang bawat pagpatak ng aking mga luha.
Unti unti akong humakbang papuntang dagat.
Susunod na ako sayo mahal ko.
Gusto na kitang makita ulit.
Gusto ko ulit sumaya kapiling mo.
Papalapit na ako ng papalit sa aking hantungan. Hanggang leeg ko na ang tubig.
Konti na lang mahal at makakasama na kita.
Unti unti na akong hindi makahinga.
Paalam.
Benji's POV
Nasa Batangas kami ngayong mga kagrupo ko at nag unwind pansamantala. Sa dami ng mga concerts, guestings, collabs at kung ano ano pa, ngayon lang kami nakapag pahinga ng maayos.
"Ang ganda dito ano? Ang aliwalas ng lugar" sabi ni Vester.
"Oy Vester, pakilala mo na kasi samin yung chicks mo!" pangungulit ni Paul.
"Tigil tigilan niyo ako ha! Tapos na ang story ko! Author oh!!" inis na sagot ni Vester.
At nagtawanan kaming lahat.
"Oy Benji, di ka pa ba babalik sa bahay?" tanong ni Joshua.
"Maya maya muna ako. Magrerelax muna ako dito" sagot ko.
"Sige. Sana lamukin ka. HAHAHA" pang asar ka talaga Joshua.
Hindi ko namalayan ay nakatulog pala ako sa kinahihigaan ko.
Pag gising ko ay palubog na ang araw.
"Sakto maganda yung sunset. Makapag picture nga" habang kinukuha ko ang cellphone ko may nakita akong babae sa may bandang dulo ng resort.
Nakatulala sa kawalan.
Hanggang sa naglalakad na ito papuntang dagat.
Teka.. magpapakamatay ba ito?
Dali akong tumakbo kaso may kalayuan ang pwesto ko.
Sana umabot ako.
Pilit kong sumisigaw.
"MISS!! MISS!!!!!"
Nilangoy ko ang dagat at hinanap siya.
Hindi ko siya makita.
Huli na ba ang lahat?
Nakita ko siyang walang malay.
Agad ko siyang kinuha at pilit na umahon.
Please please please.
'Wag kang mamamatay. Ililigtas kita.
"Miss, gising!!" Pilit ko siyang ginigising.
Marunong pa ba ako mag CPR? Bahala na.
Teka.. walang malisya 'to ha.
Sinimulan ko ng gawin ang 30 chest compression at 2 breaths.
Please gumising ka na.
Hanggang sa naibuga na niya ang tubig.
"Salamat naman at nagising ka na" sambit ko sa kanya.
"BAKIT MO PA AKO NILIGTAS!! GUSTO KO NG MAMATAY!!!" sigaw niya sa akin.
At bigla siyang tumakbo papuntang dagat ulit.
Hinihila ko siya pabalik ng pampang.
"Miss! H-hindi kita kilala pero 'wag kang magpakamatay!" sabi ko sa kanya.
"Hindi mo pala ako kilala eh! Kaya pabayaan mo na akong mamatay!" sagot niya.
Pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Kung ano man ang problema mo, hindi solusyon ang pagpapakamatay miss!!" concern kong sagot sa kanya.
"Miss! Hindi lang ikaw ang may problema sa mundo" dagdag ko.
Napaupo siya at nag iiyak.
"Napakasakit ng nararamdaman ko. 'Yung taong mahal ko, iniwan na ako. Namatay siya sa sakit." kwento niya.
Tinabihan ko siya at umupo din ako.
"Ako din. Nawala ang lola ko nung mga panahong pasikat na ang grupo namin. Kung kailan makakabawi na ako sa lahat ng ginawa niya para sa akin, tsaka pa siya nawala" kwento ko.
"Pero kailangan magpatuloy sa laban ng buhay. Masakit pero baka may plano si Lord para sa ating lahat" dagdag ko.
"Sa-salamat pala. Teka sikat ka?" tanong niya.
"Ha? Ahhh oo. Sikat sa barangay! HAHAHAHA!" muntikan na ako dun ah!
Di pala ako namumukhaan nito.
"Ok ka na ba?" anong klaseng tanong yan Benji. Syempre di siya ok. LOL.
"Hindi ako ok. Pero 'wag ka mag alala hindi na ako magpapalunod. Salamat sa pagligtas sa akin kanina" sagot niya.
"A-anong pangalan mo pala?" tanong ko.
"I'm Jhanine. Jhanine Lopez and you are?" habang nakikipag shake hands sa akin.
"Benji Robles" pakilala ko.
"Benji Robles? Familiar yung name" sabi niya.
Bago pa niya maisip na ako nga si Benji Robles na isa sa mga member ng Almost Paradise ay nagpaalam na ako sa kanya.
"Una na pala ako. Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko" at kumaway na ako habang papalayo sa kanya.
'Wag mo na ko tandaan Jhanine, malilimutan mo lang din ako.
Ulit.
YOU ARE READING
Save Me From The Darkness
RomanceIt is all about two people who have been in pain and living in the shadow. Will they overcome the sadness in their hearts? Aunthors note: Hello! Some of the scene are true story or inspired story of Felip/Ken Suson. But most of the story are from...