Chapter 6 - Perseverance

14 0 0
                                    

Steven's POV

"Boss, may ipapasok sana ako dito. Masipag 'yun" bungad ko sa amo ko.

"Nako, hindi ako nagha-hire ngayon" sabi ni amo.

"Sige na boss. Kailangan niya lang ng trabaho" pilit ko sa amo ko.

"Oh sige. Dahil malakas ka sa'kin. Sino ba 'yan? Siguraduhin mong masipag 'yan ha!" buti at pumayag ang amo ko.

"Baby, pwede ka na daw magsimula bukas" sabi ko kay Jhanine.

"Sige. Salamat baby" sagot niya.

Kinabukasan ay pagkatapos namin sa school ay diretso na kami sa trabaho.

"Baby, ano pala ang gagawin ko?" tanong ni Jhanine.

"Kunin mo 'yung order ng mga bagong dating na customer tapos ilista mo tapos ibigay mo sa kitchen 'yung order nila" paliwanag ko.

"Ahh sige" sagot ni Jhanine.

Jhanine's POV

Ilang araw na din ako dito sa trabahong ito.

Kailangan kong magtyaga kung hindi wala akong isusuporta sa pag aaral ko.

May dumating na customer.

"G-good evening po, pasok po kayo" bati ko sa customer.

"Ano po order niyo?" tanong ko.

"Pwede bang ikaw? Sexy ka, maganda, maputi, pwedeng pwede ka" sagot ng customer.

Bastos 'to ah.

"Ang babastos niyo!!!" sabay binuhos ko sa kanila ang tubig sa mga mukha nila.

"SINO KA PARA UMANGAL HA?" at sinampal ako ng isang lalaki na nagsalita kanina.

"Teka anong nangyayari dito?" tanong ng may ari.

Dumating na din si Steven.

"E BASTOS TONG STAFF MO, BINUHUSAN AKO NG TUBIG. OORDER LANG NAMAN AKO" aba binaliktad pa ang sitwasyon.

"IKAW ANG BASTOS! TINATANONG KO ANONG ORDER NIYO ANG SAGOT MO AKO ANG GUSTO MONG ORDERIN" sagot ko sa kanya. Nang gigigil ako.

"GUMAGAWA KA PA NG KWENTO!! AKO ANG CUSTOMER. CUSTOMERS ALWAYS RIGHT"

Hinila na ako ni Steven palabas.

"Baby, sorry. Sana ako na lang ang kumuha ng orders kanina. Nabastos ka pa" habang pinapakalma ako ni Steven.

"Ang babastos kasi nila. Hindi naman ako magpapaapi" sagot ko.

At bumalik na kami sa loob.

"Jhanine, i'm sorry pero hindi na kita tatanggapin dito. Kung lahat ng customers dito ay papatulan mo at aawayin mo, umalis ka na lang. Ibibigay ko na lang kay Steven ang sahod mo sa akinse. Sorry Steven" at pumasok na sa office si boss.

Sa isang iglap lang ay nawalan ako ng trabaho.

Kailangan ko ulit makahanap ng trabaho.

4th year college na kami. Konting kembot na lang ay makakagraduate na kami.

Nag apply ako sa isang BPO company at tumatanggap daw sila kahit college student pa. Mabuti at natanggap ako agad.

May maayos na sahod at benefits.

Kakayanin ko 'to.

Ngunit isang araw bumigay ang katawan ko. Nagkasakit ako dahil hindi na kinakaya ng katawan ko sa araw araw na puyat. Halos tatlong oras na lang ang tinutulog ko araw araw.

"Baby, nagkakasakit ka na. What if 'wag ka na magwork. Ako na lang ang magtatrabaho. Titigil ako sa pag aaral para matulungan kitang makagraduate" sabi ni Steven.

"Ayaw ko. Sabay tayong gagraduate. Graduating na din tayo. Konting pahinga lang ako. Titiisin ko na lang" pagtanggi ko sa alok ni Steven na huminto muna siya sa pag aaral.

Tiniis namin ang lahat ng pagod at puyat sa eskwelahan at pagtatrabaho.

Hanggang sa..

"SA WAKAS!!! GRADUATION DAY NA!! THANK YOU LORD!!" sigaw ko.

Nasa PICC kami ngayon kasi dito ginanap ang graduation march namin.

Ilang taon nang wala akong communication sa magulang ko kahit man lang simpleng congratulations ay wala.

Worth it lahat ng pagod at puyat kasi graduate na din kami.

After graduation ay nakahanap ng maayos na trabaho si Steven habang ako ay patuloy pa din sa BPO.

Kumuha kami ng maliit na apartment na malapit sa workplace namin.

Unti unti kaming nakapag ipon para makapag tayo ng sarili naming business.

At ito na nga, nabili na namin ang pangarap kong pwesto dito sa Taguig.

Napakasaya namin noong araw na 'yan. At mabilis ang pag usbong ng business namin.

Ngunit kasabay ng masasayang achievements namin, mabilis din na binawi sa amin ang kasiyahan na 'yun.

Nang mawala si Steven sa buhay ko.

**end of flashback**

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now