Benji's POV
Ngayon ay aalis kami papuntang Palawan. Andami kasing pakulo nito ni Vester eh. Surprise suprise pa sa Palawan.
Nasa kotse na kami at excited na si Vester.
Habang nasa byahe kami ay may pasalubong na truck.
Pero dire diretso ito at papunta kung nasaan kami.
Nawalan ata ng preno.
"Kuya iiwas mo" sabi ko sa driver namin.
Bago pa makaiwas ay sumalpok na ito sa amin.
Nawalan ako ng malay.
Pagdilat ko ay nasa ospital kami.
Nasa iisang kwarto na kami nila Paul, Joshua at Jared. Pero si Vester ay wala dito.
Nauna na akong lumabas ng kwarto at hinanap si Vester.
May babaeng tumatakbo papunta sa akin.
Si Jaja.
"Benji!! Anong nangyari sa inyo? Ok ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" umiiyak si Jaja.
"Masakit dito" sabay turo sa bibig ko.
"Sira ulo ka!" sabi ni Jaja. Nabatukan pa nga ako.
"Hoy tama na 'yang labing labing na iyan. Bakit wala si Vester sa kwarto natin?" tanong ni Paul.
"Magtatanong na lang ako sa nurse" sagot ko.
"Nurse, saan po room ni Vester Imperial? Kami po 'yung itinakbo dito sa ospital ngayon lang" paliwanag ko.
"Ahh si sir Vester ay nasa Operating Room po. Malubha po ang nangyari sa kanya nung dinala po kayo dito" sagot ng nurse.
"Ano? Operating Room?" sabi Jared.
Ilang oras kaming naghintay at mabuti successful ang operation niya. Ngunit may mga follow up operation pa siyang kailangan gawin at sa Japan siya magpapa opera.
Pagaling ka Vester.
---
Author's Note: kung hindi niyo pa nababasa ang The Four Mrs. Imperial, basahin niyo muna 'yun. Hahaha. Bleeeeh. Kwento ito ni Benji. Hindi ni Vester. Move on na tayo. <3
---Ilang araw na ang nakalipas simula noong aksidente..
Benji's POV
I want this night to be memorable for Jaja. Ito na yung araw para maexplain ko lahat ng nangyari nung bata pa kami, bakit hindi niya ako matandaan at para masabi ko ang nararamdaman ko.
Nirentahan ko ang rooftop ng Seda Hotel dito sa BGC.
Hinanda ko na lahat bago pa makarating si Jaja.
Jhanine's POV
Ano kaya maganda kong suotin?
Makikipag kita ako kay Benji ngayong araw.
Please meet me at Seda Hotel Rooftop at 8 pm. See you there, Jaja.
Nagpaayos na din ako sa salon. Para mas kaaya aya naman ang pagmumukha ko sa harap ni Benji.
Nagdrive na ako papuntang Seda Hotel.
Ang ganda naman dito.
"Hello ma'am, may reservation po sila?" tanong ng staff.
"Ahh hello. Yes, reservation for Benji Robles please" sagot ko.
Narinig ko pa ang bulungan nila.
Ayan na si ma'am, sabihan niyo si sir Benji.
Natawa ako ng bahagya. Haha. Ano na naman bang pakulo mo Benji?
Nakikita ko na si Benji at may nakahawak na bulaklak.
Nilapitan niya ako at binigay ang bulaklak.
"For you" sabi niya.
"Sorry hindi ako romantic na tao kaya hindi ko alam ang sasabihin ko" habang nagkakamot ng ulo.
Inayos ni Benji ang inupuan ko.
Hanggang sa dumating na ang mga pagkain.
"Wow.. ang sarap naman nito" sabi ko.
"Enjoy the food. Kumain muna tayo at marami tayong pag uusapan" sabi ni Benji.
Ang sarap ng pagkain dito sa Seda Hotel ah. Pwede kami dito sa susunod magpa event. Makapag inquire nga minsan. Hehe.
Nung natapos na kami kumain ay may dumating na violinist.
"Sayaw tayo?" pag aya ni Benji.
Nilagay ko ang dawalang kamay ko sa balikat niya.
"Ok lang ba?" tanong niya.
Nagpaalam pa kung ok lang daw ilagay ang kamay niya sa beywang ko. Haha.
Nakatitig lang ako kay Benji hanggang sa matapos ang tugtog.
"Jaja, ako 'to si Benji. Benji bonjing" sabi ni Benji.
Nagulat ako sa sinabi niyang Benji bonjing.
Iisa lang ang tinatawag kong ganun. Si Benji na kababata ko sa Davao.
"I-ikaw?" tanong ko.
"Oo. Naaksidente ka noong bata ka. At hindi mo ko maalala. Pero ginawa ko ang lahat para makipaglaro ka pa din sakin pero ilang buwan lang ay nagpunta ka na ng Canada" paliwanag niya.
"May ibibigay pala ako sa iyo" sabi niya.
Microphone na laruan. Pero sira na.
"Itinabi ko ito kahit sira na. Kasi alam kong babalik ka" sabi ni Benji.
"Lagi akong umaasa na babalik ka. Lagi akong nagbabakasakali sa social media" dagdag niya.
"Noong nalaman kong nakabalik ka na sa Pinas, kakamustahin sana kita kaso nasa training na ako nun at may boyfriend ka na" sabi ni Benji.
"Yung mga ginawa kong kanta na sinulat ko, halos lahat 'yun ay para sa'yo. Para kung sakaling marinig mo at makanta mo, masaya na ako" dagdag niya.
"B-benji.." at niyakap ko siya.
"I'm sorry Benji" hanggang sa naiyak na ako.
"And now you're here in front of me, gusto kong sabihin 'yung nararamdaman ko for you" sabi niya.
"I love you, Jaja. Matagal na" inamin niya iyan nung nasa swimming pool kami kaya hindi na ako nagulat.
"The moment that i saw you sa Batangas. It hurts me kasi wala akong magawa to help you" sabi niya.
"Mahal na mahal kita Jaja. P-pwede ba kitang ligawan?" tanong ni Benji.
"Kantahan mo muna ako" aba syempre singer ata tong si Benji edi lubusin ko na.
"Ano gusto mong kantahin ko?" tanong niya.
"Pagdali. Yung kinanta mo sa gig mo" sabi ko.
At kinanta nga niya.
Syempre ako kinikilig. Hindi ka ba kikiligin pag kinantahan ka?
"Benji... Tayo na" sabi ko.
Subukan kong magmahal muli.
YOU ARE READING
Save Me From The Darkness
RomanceIt is all about two people who have been in pain and living in the shadow. Will they overcome the sadness in their hearts? Aunthors note: Hello! Some of the scene are true story or inspired story of Felip/Ken Suson. But most of the story are from...