Jhanine's POV
"Ma'am Jhanine, mag audit ka po ba?" tanong ni Manager Kang.
Ito na nga ba sinasabi ko eh. Nahihiya ako kay Joshua.
"Ahh hindi. Kakain lang kami ng kaibigan ko, si Joshua nga pala, taga Almost Paradise" pakilala ko kay Joshua.
"Ahh sige mam. Noong isang araw may kasama din kayong pogi ah, yung taga Almost Paradise din" sabi ni Manager Kang.
Ang daldal din nito eh 'no.
"Ahhh o-oo hehe. Sige na doon ka na baka iaudit pa kita eh" pagbibiro ko nang tumigil na kakadaldal.
Umalis na din siya kasi biglang dami ng tao sa restaurant.
"Sino 'yung tinutukoy niya?" tanong ni Joshua.
"Ahh si Benji. Nilibre ko dati dito dahil accidentally nagkita kami dito at treat na rin for saving me sa Batangas" paliwanag ko.
Teka bakit ba ko nagpapaliwanag. Hahaha.
"Nakwento lang ni Benji about sa boyfriend mong namatay. Sorry ulit kay Jared" sabi ni Joshua.
"Ok na yun. Wala na iyon. Hindi naman ako nagalit noon hahaha" well hindi naman talaga ako nagalit. It's just my emotions. Masakit lang maalala.
"Anyway, bakit ka naparito sa BGC?" tanong ko.
"Ahh, galing akong derma clinic. May weekly or monthly schedule kami doon eh" paliwanag ni Joshua.
Kwentuhan lang kami hanggang sa makatapos na kami sa pagkain.
"Thanks sa pag treat Joshua kahit dito pa sa restaurant ko tayo kumain" sabi ko kay Joshua.
"Nakadiscount naman ako hahaha" pabirong sabi ni Joshua.
Joshua's POV
Nagkahiwalay na kami ni Jhanine kasi may pupuntahan pa siyang ibang branch at mag audit na din.
Since andito na din ako, madalaw si Benji.
Nasa tapat ako ngayon ng pinto ni Benji.
Pagka doorbell ko ay naghintay ako ng ilang minuto. Baka tulog?
Sa wakas ay bumukas na din ang pinto.
"Jhanine may nalimutan ka ba?" tanong ni Benji.
Parehas kaming nagulat ni Benji.
"Joshua?" gulat na sabi ni Benji.
"Galing si Jhanine dito?" tanong ko.
"Pasok ka muna" sabi ni Benji.
Nung nasa sala kami ni Benji ay napansin kong matamlay to at uminom ng gamot.
"May sakit ka ba?" tanong ko.
"Oo. 'Di nga natuloy yung recording namin eh" sagot niya.
"Anong ginawa ni Jhanine dito?" tanong ko.
"Unexpected ang pagpunta ni Jhanine dito. Nagdala ng gamot at lugaw kasi di talaga ako makakilos kanina" paliwanag ni Benji.
Pero ano naman kung andito si Jhanine kanina? Bakit ka affected Joshua.
"Napadaan lang ako dito kasi galing akong clinic kanina. Nagkita din kami ni Jhanine kanina" kwento ko.
"Ni Jhanine? Ahhh taga dito lang siya sa Mckinley kaya pagala gala lang yan dito sa BGC" sabi ni Benji.
"Sa kanya pala 'yung restaurant doon na samgyup and hotpot. Nilibre ko pa" kwento ko ulit.
"Ahh oo. Nakapunta na ako doon nung isang araw. Doon din naman tayo madalas kumain pag magkakasama tayong lima" sabi ni Benji.
"Osya pagaling ka dyan pre. Mauna na ako" paalam ko kay Benji.
May gagawin pa ako sa bahay. Trip kong mag stream ng Valo at durugin ang mga viewers. Hehe.
Benji's POV
Bumababa na ang lagnat ko. Bukas ay siguradong magaling na ako.
Wala akong magawa kundi laruin na lang si Black.
Sa sobrang busy ko kasi 'di ko na naaalagaan si Black.
Bukas ay i-bonding ko na lang si Black sa mall. Ayain ko kaya si Jaja?
"Black, gusto mo bang gumala with dada?" tanong ko kay Black.
Payag ka ba magkaroon ng Mimi?
Naglalambing si Black ngayon siguro dahil matagal kaming di nagkita. Noong malungkot ako dahil sa pagkawala ng lola ko, si Black ang sumalba sa pagluluksa ko.
Siya ang nagpasaya sa akin. Kasa-kasama ko sa pagtulog, sa pag-gagala ko, sa pagkain ko at kung ano ano pa.
Dahil mag isa lang ako dito sa condo ko, nakakalungkot din paminsan minsan.
Mahirap pag malayo ka sa pamilya mo.
Specially to Jaja.
YOU ARE READING
Save Me From The Darkness
RomanceIt is all about two people who have been in pain and living in the shadow. Will they overcome the sadness in their hearts? Aunthors note: Hello! Some of the scene are true story or inspired story of Felip/Ken Suson. But most of the story are from...