Chapter 5 - Trials and Consequences

18 0 0
                                    

Jhanine's POV

Nakauwi na ako sa bahay dito sa Taguig.

Nasa gate pa lang ay akala ko may sasalubong sa akin na yakap mula kay Steven.

Pero isang malakas na hangin lang ang natanggap ko.

Nagsimula na akong maglinis ng bahay. Pinauwi ko muna ang mga katulong ko sa probinsya nila para makapag bakasyon. Kaya ako lang ang nasa bahay.

Habang naglilinis ako ng kwarto ay nakita ko ang larawan namin ni Steven.

Picture namin noong unang tayo namin ng first branch dito sa Taguig.
Yung saya na finally natupad na ang isa sa mga pangarap namin.

Andami pa sana naming plano bago pa man kami ikasal.

Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala ni Steven.

**flashback**

Noong pag graduate ko ng gradeschool sa Canada ay nagpaalam ako sa family ko na sa Pilipinas na ako mag college.

Pumayag naman sila.

Pinagiisipan ko pa kung ano ang gusto kong kunin na kurso.

Business Management
Entrepreneurship
Hotel & Restaurant Management

Pero dahil gusto ko nga magkaroon ng sarili kong business bumagsak ako sa Entrepreneurship.

Mabuti at nakakuha ako ng slot sa De La Salle University dito sa Manila.

Kinuhanan ako ni Mama ng condo malapit sa school na pinapasukan ko.

Hindi naging madali ang pagaaral ko sa college. Madaming trials and errors ang pinagdaanan ko.

Hanggang sa nakilala ko si Steven.

Classmate ko siya sa isa sa mga subject namin. Sariling sikap para mapaaral ang sarili niya. Kailangan niya ma-maintain ang grades niya dahil scholar siya.

Matalino si Steven. Dahil nga pursigidong makapagtapos ng pag aaral ay pagkatapos ng iskwela ay papasok naman siya bilang crew sa isang fast food chain.

Kung ako sigurado, hindi ko kakayanin ng sabay.

Hanggang sa isang araw, hindi na siya mawala sa isipan ko.

Naglalakad ako sa hallway at magkakasalubungan kami.

"Steven! Gusto kita!" sigaw ko at sabay takbo.

Hiyang hiya ako dahil andaming naka witness ng ginawa ko sa hallway.

Hinabol ako ni Steven.

"Jhanine, b-bakit mo ko gusto? M-mahirap lang ako" tanong niya.

"Eh ano naman kung mahirap ka? Hindi naman ako perfect para mang judge ng tao 'no!" sagot ko.

"Alam mo ikaw lang ang ka-close ko dito sa school. Yung iba kasi matapobre at nilalayuan ako" kwento niya.

"If need mo ng help like laptop pwede kita ipahiram. You know malapit na ang research natin" pag aya ko.

"S-salamat ah. Ang bait mo Jhanine" sagot niya.

Araw araw kaming magkasama. Sa library, sa canteen, minsan ay sinasama ko siya pag gumagala ako sa mall.

Hanggang sa..

"Jhanine, alam ko mahirap lang ako. Napakabait mo sa akin. Napaka thoughtful mo at sincere na tao. G-gusto kita. P-pwede ba kitang ligawan? P-angako magsusumikap ako. Gagawin ko ang lahat para sayo. Sabay tayong gagraduate" sabi ni Steven.

"Hindi mo na ko kailangan ligawan Steven. Tayo na" sagot ko.

"Talaga? Salamat Jhanine" at niyakap ako ni Steven.

Ngunit nalaman to ng magulang ko at tutol sila sa pagmamahalan namin ni Steven.

Tinawagan ako ni mommy.

"Pag di ka nakipag hiwalay dyan sa boyfriend mo ay puputulin ko ang pagpapadala ko sayo ng allowance. Pati na ang condo na yan ipapapull out ko" galit na sabi ni mama.

Pero dahil mahal ko si Steven ay pinaglaban ko.

"Sige ma. All this time ikaw naman lagi ang nasusunod. But THIS TIME, ako naman ang masusunod. I can make a better living with him. Remember that" at binaba ko na ang phone.

Buong araw akong nag iiyak at di ko alam ang gagawin. Tapang tapangan ako sa phone pero wala pa akong plano paano ko bubuhayin ang sarili ko.

Kinabukasan ay nagkita kami sa school ni Steven.

"Baby, mukhang mugto mata mo ah?" bungad sakin ni Steven.

"Baby, may sasabihin ako" paunang salita ko.

"Ayaw ni mama sa relasyon natin pero hindi ako pumayag. Pinaglaban kita. Kaso ika-cut ni mama lahat ng allowance ko pati na ang condo ko. Saan ako kukuha ng pang tuition at gastos ko dito sa school?" habang umiiyak ako kay Steven.

Hindi ko talaga alam.

"Kakayanin mo bang mag work sa gabi? Aral sa umaga?" tanong ni Steven.

"Ha? Siguro? Kaso.. hindi naman ako scholar" sagot ko.

"Try mo mag apply for scholarship tapos ipasok kita sa trabaho ko" sabi ni Steven.

Para sa pagmamahalan namin ni Steven ay gagawin ko ang lahat.

Sorry mommy.

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now