Chapter 17 - Scars That Never Heals

13 0 0
                                    

Jhanine's POV

Kinabukasan ay sinamahan ko sa ospital sina mommy para magpacheck up.

Stage 4 breast cancer.

Bakit kailangan danasin ko na naman ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Magulang ko pa.

Kaya simula ngayong araw na ito ay igagala ko sina mommy sa mga gusto nilang puntahan. Pinakilala ko sa office, sa restaurant at sa mga kaibigan ko.

Lahat sila ay masaya para sakin.

Naglilibot kami ngayon sa mall.

Sa hindi ko naman sinasadya na paguusap nila mommy ay hindi ko nagustuhan ang sinabi nila.

"Dad, kailangan natin makakuha ng pera kay Jaja. Pagkatapos tayong iwanan ganun ganun na lang. Marami na siyang pera pero ang pagpapalaki ko sa kanya, kulang pa sa kabayaran na binigay niya. Mamayang gabi ay hihingi ako ng pera sa kanya. Magka utang na loob man lang siya sa atin. Ampon lang naman siya" laking gulat ko sa sinabi ni mommy.

Nagulat sila nung natabig ko ang karton sa likuran nila.

"K-kanina ka pa dyan?" tanong ni mommy.

"Bakit pa ba kayo bumalik? Para saan? Para sa pera ko? Pagkatapos niyo akong pabayaan nung college?? Dahil ayaw niyo sa boyfriend ko? Pinaghirapan namin itayo yung business na meron ako. Si Steven lahat ang nagpakagod nito at hindi ako. Pero ito pa ang igaganti niyo sa akin? Pera ba kailangan niyo? Oh ito pera. Inyong inyo na yan. Wag na kayong babalik dito. Ayaw ko na kayong makita. Bumalik na kayo ng Canada" itinapon ko ang perang natitira sa wallet ko at umalis na.

Ang sakit sakit.

Akala ko ok na?

Pera lang pala ang habol nila.

Ampon lang din pala ako. Wow.

Just wow.

Benji's POV

Nasa mall kami ngayon at magkita kami ni Akira for our collab. May bibilhin din kasi akong accessories at siya din. So sabay na kami.

"May nag eeskandalo dun oh" sabi nung mga tao.

Lumapit ako at nakita ko si Jaja. Sino yung kausap niya at lumapit pa ako ng kaunti. Parents niya?

Lalapit na sana ako kaso dumating na si Akira.

Umalis na kami.

Jhanine's POV

Habang paalis na ako, alam kong si Benji nakita ko. Pero may kasamang babae. Akala ko ba gusto niya ako? Ganun na lang ba ako kabilis palitan dahil ba sa sinabi ko?

Wow.

Wow talaga.

Napakasaya ng araw na to.

Sobra.

Nagpunta ako ng bar dito lang sa BGC. Kailangan ko mag inom para pag uwi ko tulog agad.

Lasing na lasing na ako.

Pero sige tagay pa.

"SHOOOOTTTTT!!!" sigaw ko.

"Kuyaaaa. Isaaa paaaa pleaseeee" sabi ko kay kuyang bartender.

"Lasing na po kayo ma'am. May magsusundo po ba sa inyo?" tanong niya.

"Sundo? Mag isaaa lang ako sa buhay ko hahaha. Nawalan ako ng boyfriend. Tapos yung magulang ko mukhang pera. Ampon lang kasi ako hahahahah" sagot ko.

"Please kuya isang shot pa" pag mamakaawa niya.

Hanggang sa nakatulog ako.

Pag gising ko ay masakit ang ulo ko sa hang over ko.

Teka nasaan ako?

Ang sakit ng ulo ko.

Balak ko sana lumabas ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto kaya dali akong bumalik ng kama at nagtulug-tulugan.

"Bakit naman kasi naglasing itong babaeng to" si Benji?

Boses nga ni Benji.

"Nakita kita sa mall kanina. 'Di ko alam ano pinag aawayan niyo ng parents mo. Pero gusto kong malaman mo na i am always here for you since 6 years old pa lang tayo Jaja" kwento niya.

6 yrs old? Tama ba rinig ko? 6?

"Jaja, ako to si Benji. Yung kababata mo sa Davao. Sana matandaan mo na ako" teka umiiyak ba si Benji?

Lumabas na siya. At dumilat na ako.

Kababata ko si Benji? Bakit wala akong maalala.

Ginala ko ang sarili ko sa kwarto niya at nakita ko ang picture ko noong bata ako at may kasama din akong batang lalaki.

Si Benji kaya yung batang lalaki?

Pero bakit hindi ko maalala.

Benji, sino ka ba sa buhay ko?

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now