Chapter 13 - Double Date

11 0 0
                                    

Jhanine's POV

10 pm na at biglang nag ring ang phone ko.

Oh si Joshua.

"Hello?" sagot ko.

Joshua: ahmmm. Aayain sana kita bukas?

Jhanine: ahh saan naman?

Joshua: Tagaytay? Stroll lang.

Jhanine: ahh s-sige. Punta ka na lang sa bahay?

Joshua: saan nga pala address mo?

At sinabi ko ang address ko.

Joshua: ok copy. Sunduin kita ng 9 am. See you.

Ano kayang pakulo nito ni Joshua.

Makatulog na lang at may lakad pa bukas.

Kinabukasan..

Kumakatok si Manang sa pintuan ko at sinabing may bisita daw ako. Baka si Joshua na. Late ba ako ng gising?

Pagbaba ko sa sala ay si Benji kasama si Black.

"Hi Jhanine. Good morning. Kakagising mo lang ba? Sorry. Aayain sana kita ngayon gumala kasama si Black. Pwede mo din isama si Ponkan" sabi ni Benji.

'Di ko alam pano ko sasabihin na magkikita kami ni Joshua.

"Ma'am may isa ka pa pong bisita" sabi ni Manang.

Dumating si Joshua. At mukhang gulat na andito si Benji.

"Andito ka na pala Joshua. Ahh Benji may lakad kasi kami ni Joshua. Gusto mo bang sumama?" pag aya ko kay Benji.

"W-wag na hahaha. Next time na lang" sagot ni Benji.

"Sumama ka na pre. Para magala mo din si Black" sagot ni Benji.

"Sige" sagot ni Benji.

"Mag asikaso lang ako. Sorry Joshua late ako nagising eh" naligo na ako at inasikaso ko din si Ponkan.

Tahimik lang kaming nasa byahe.

Dahil nabibingi na ako sa katahimikan ay nagrequest ako kay Joshua na magpatugtog.

"Joshua, pwede paki on yung radio?" sabi ko kay Josh.

"Sure" sagot niya.

Wrong timing naman.

Mahal ko o mahal ako by KZ Tandingan.

Dalawa kayo sa buhay ko at ako ngayon ay
Kailangan nang mamili, isa lang ang maaari
Alam mong narito ako, lagi para sa iyo, oh
Mahal kita nang labis ngunit iba ang iyong nais
At s'ya'y narito, alay sa 'ki'y wagas na pag-ibig
Nalilito, litong-litong-lito
Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko
O s'ya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, ano'ng paiiralin ko, isip ba o ang puso ko?
Nalilito, litong-litong-lito
Sino'ng pipiliin ko, mahal ko o mahal ako?

At bigla kong nilipat ng channel.

"Hahaha. Agang hugot naman nito oh" awkward pa nga.

Paglipat ko ay yung kanta nilang GENTO. Kahit papano nawala na yung awkward feeling.

"Grabe sikat na sikat na yung GENTO niyo 'no?" sige Jhanine. Kaya mo 'yan.

"Mag drive thru muna tayo" sabi ni Joshua.

Sa Jollibee na lang kami bumili ng food dahil hindi pa ako nag aalmusal at malayo layo pa ang Tagaytay.

"Ano gusto mo Jhanine?" tanong ni Joshua.

"Ahh burger with fries na lang. Thank you." sagot ko.

"Same kay Jhanine. Thank you" singit ni Benji.

"Hindi naman kita tinatanong Benji" pang asar ni Joshua.

"But i'm here" sagot ni Benji.

'Di ko alam kung nagbibiruan sila or what. Am i missing something? hahaha.

Pagkatapos kong kumain ay nilaro ko na lang si Ponkan habang nasa byahe.

Napansin kong tulog si Benji. Si Black ay gustong makipag laro kay Ponkan.

"Naku baby Black, isa lang kaya kong bitbitin. Gusto mo makipag play kay Ponkan?" tanong ko kay Black.

Biglang nagising si Benji.

"Akin na si Ponkan, dalawa sila maglaro dito" sabi ni Benji.

Ang cute nila panoorin.

It feels like Ponkan has finally found a new friend. Masaya ako para kay Ponkan.

"I can bring Black to your house if Ponkan wants to play with him" sabi ni Benji.

"Talaga? Sige ba. Message mo lang ako. Madalas din ako wala sa bahay. Si manang lang. Kaya minsan nagi-guilty ako pagmag isa lang si Ponkan sa bahay eh" sagot ko kay Benji.

Mukhang masaya si Ponkan sa bago niyang playmate.

Sa wakas nakarating na din kami sa Tagaytay.

Andito kami ngayon sa Tagayay Picnic Grove.

"Baby Ponkan, look oh ang ganda ng place" habang karga karga ko si Ponkan.

"Tara sakay tayo sa horse?" tanong sakin ni Benji.

"Ahh pwede naman. Sure" sagot ko kay Benji.

"Tara Joshua. Punta tayo dun sa may kabayo" pag aya ko kay Joshua.

"Sure" sagot ni Joshua.

Nakasakay na ako sa kabayo at bitbit ko si Ponkan sa likuran ko kaso umiiyak. Si Benji ay nakasakay na din sa kabayo.

"Ponkan, don't cry baby. Ride lang tayo sa kabayo" inaamo amo ko si Ponkan.

"Jhanine, akin na si Ponkan, di na ako sasakay. Pre, akin na din si Black. Kayo na lang muna ni Jhanine" sabi ni Joshua.

"S-sure ka?" tanong ko.

At tumungo si Joshua.

Habang nagsisimula ng maglakad ang kabayo namin ni Benji ay bigla siyang nagtanong.

"Nililigawan ka ba ni Joshua?" tanong ni Benji.

"WHAT?" napalakas ata boses ko kaya nagpanic ang kabayong sinasakyan ko.

"ARAY!!" sigaw ko.

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now