Chapter 10 - What My Music Tells

17 0 0
                                    

Jhanine's POV

Kakatok ba ako or mag doorbell?

Pero may magbubukas ba ng pinto sakin?

Doorbell na lang ako.

Pero walang nagbubukas ng pinto.

Kumatok na ako.

"Benji? Benji? Si Jhanine 'to" habang kumakatok ako.

At biglang bumukas ang pinto.

Pagpasok ko ng pintuan ay natumba si Benji sa harap ko.

Ang init niya sobra.

Sa sofa ko siya dinala at kinumutan.

Wow ang cute ng alaga niyang pusa ah. Mana sa amo.

Ano kaya pwede kong iluto dito sa kusina? Lugaw? Tama 'yun na lang.

Nagluluto na ako ng lugaw.

Hinahanap ko kung nasan ang medkit niya.

Meron ba siya non?

Tinawagan ko na lang si manang at pinadala ko dito sa condo.

"Benji, kain ka na oh. Nagluto ako ng lugaw para mainitan ka" habang ginigising ko si Benji.

Ang gwapo niya pag tulog.

"Kain ka na tapos uminom ka na ng gamot" pag ulit ko.

At kumain na si Benji pero hindi niya naubos.

Kumuha ako basang bimpo at nilagay ko sa noo niya.

Nag babrowse lang ako sa facebook habang binabantayan si Benji. Kasi maya't maya ko binabanlawan ang bimpo niya sa noo.

Inistalk ko na lang si Benji sa facebook.

Ganoon pala kasikat ang grupo nila. Andaming fans. Wow main dancer pala si Benji. Kaya pala madaming fans to si Benji e.

Nakakaantok naman.

'Di ko namalayan ay nakatulog ako.

Benji's POV

Pag gising ko ay nakatulog si Jaja sa may gilid ng sofa kung saan ako natutulog.

Hindi ba to nangangawit?

Dahan dahan akong bumangon at baka magising si Jaja.

Kaso nagising pa din

"Oh Benjie" habang inaalalayaan akong bumangon.

"Medyo gumagaan na pakiramdam ko" saad ko.

"May tumatawag sayo kanina sa phone mo" at inabot niya sakin ang phone.

S#it recording nga pala namin ngayon.

"T-teka ha? Tawag lang ako" paalam ko kay Jaja.

"Pre, sorry. Ngayon lang ako nakatawag. Nilalagnat ako at di makabangon. Pwede ba natin ireschedule?" tanong ko.

"Sige pre. Pagaling ka" sabi ng kausap ko sa phone.

Bumalik na ako sa sala.

"Recording sana namin ngayong araw kaso ito ako nilalagnat" kwento ko.

"Bakit ka ba nilagnat? Nagpaulan ka ba kagabi?" tanong ni Jaja.

"Ahh oo eh hehe. Sinundo ko kasi si Black yung pusa ko sa bahay ni Jared kaso naabutan kami ng ulan. Si Black na lang sinaplutan ko" paliwanag ko.

"Naku. Hindi ka nag iingat" sagot ni Jaja.

"W-wala ka bang pasok?" tanong ko. Kasi Tuesday lang ngayon. Pag ba CEO di ka na papasok?

"Ahh meron. Pwede naman akong mag WFH if wala naman masyadong gagawin sa office. Pwede naman akong mag surprise visit sa branch" sagot ni Jaja.

Teka iparinig ko kaya kay Jaja yung kanta ko?

Pahapyaw lang ganun.

"May kukunin lang ako sa kwarto" paalam ko.

At kinuha ko ang gitara ko.

Pagbalik ko ng sofa ay nakaabang si Jaja sa akin.

"May ipaparinig ako sayong kanta. Hindi pa ito narerelease" sambit ko.

I was your hubby, baby
And you're my mamacita
It hurts whenever I see ya
You was mine and was my cheerleader
And I'll say it again for the last time, yeah
I'll love you like it's the first time
You gave me light, you was my sunshine
Balik na pagdali, baby
(Credits: Felip & Playertwo - Pagdali)

Pumalakpak sj Jaja.

"More! More!!" saad ni Jaja.

At nagsimula na akong mag strum.

(Kanako by Felip)

Yeah, yeah, oh-oh, yeah
Oh, yeah, oh, yeah, oh, yeah, oh-oh
Oh, oh-oh, yeah

Mupahiyom di' gani ma huna-huna
Pag-atiman kanako gugma pa kaha
Makitang kahuyang kay dili ko ana
Wala nag kinahanglan sa paghigugma bisan kinsa

Para kanako
Ang mag inusara okay ra kaayo
Mabag-o man panlataw nila kanako
Bisan walay naminaw kay
Anad na husgahan busa
Okay ra ang tanan

Nakatingin lang ako sa kanya.

Pero nag bag-o ang tanan nakaila tamo, oh
Salamat gitubos ang kasing-kasing ko, oh
Na'y bag-ong kinabuhi nga giandam mo, oh
Gaksa kog hugot, kupti akong kamot, tubsa ko, woah-woah

At natigil ako nung nagsalita si Jaja.

"Ok na siguro yan. Baka mapagod ka pa. Nakalibre pa ako ng concert. Mukhang ok ka na. Ito pala ibang gamot mo, inom ka ulit mamayang tanghali. Una na ako" at tumayo na si Jaja.

"Bye" at lumabas na si Jaja.

Jhanine's POV

Woah. Buti naka labas na ako agad.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Abnormal na ata to.

Kailangan ko na magpatingin sa doctor. Makapunta nga ngayon.

O iba?

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now