Chapter 3 - Memories Have Disappeared

30 0 0
                                    

Benji's POV

**16 years ago**

"JAJA! Tara laro tayo" pag aya ko kay jhanine.

"Ayaw ko! Hindi mo naman ako pinapahiram ng laruan mo eh!" sagot niya.

"Ano ba kasi ang gusto mo sa laruan ko?" tanong ko sa kanya.

"Ayun oh!" turo niya.

Yung laruan na mic pala ang gusto niya.

"Oh ito na. "Wag ka na magtampo Jaja" habang inaabot ko sa kanya yung mic.

Nagpapatugtog kami ng kanta sa radyo at sinasabayan namin ito.

Hanggang sa isang araw...

Naaksidente daw si Jaja.

At hindi makaalala.

Minsan akong dumalaw sa ospital at inabot sa kanya yung mic na gusto niya pero binato lang niya at nasira.

Umiyak ako kasi paboritong laruan namin iyon ni Jaja.

Makalipas ang ilang araw..

"Magpaalam ka na kay Jaja at aalis na sila papuntang Canada at doon na sila titira" sabi ni Lola Rosario.

Umiyak ako at tumakbo.

Nasa ilalim ako ng puno at doon umiyak.

May kumalabit sa akin.

"Benji! Bakit ka umiiyak?" tanong ni Jaja.

"Kasi.. kasi aalis ka na.." sagot ko.

"Promise Benji babalik ako. Magkikita tayo muli" at nag pinky finger kami.

**end of flashback**

Nakabalik na pala si Jaja.

Pero hindi na niya ako natatandaan.

Ganoon na lang ba ako kabilis makalimutan?

Nag iisip ako habang naglalakad pabalik ng kwarto.

"Uy Benji! Ba't basang basa ka?" tanong ni Jared.

"Ahhh. Lu-lumangoy ako. Ma-masama ba?" depensa kong sagot.

"Sa ganyan mong suot?" tanong naman ni Vester.

Naka hoodie nga pala ako at pants.

"Bakit ba! Ganu'n ang uso ngayon!" sabay walk out.

"Anong problema no'n?" tanong ni Joshua.

Naligo na lang ako at nagpalit ng damit.

Pero paano ako makakatulog nito?

Nakadantay 'yung apat na bisugo sa akin.

Ginawa akong unan. Hays.

Kinabukasan..

Nagising ako sa kumakanta sa videoke.

Ang aga naman mambulabog no'n.

Natatawa pa ako kasi kanta pa namin yung pinapatugtog haha.

Ilaw by SB19

Sino?
Sino?
Sino?
Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko?
Kahit pa 'ko sumigaw ay malabo, malabo, malabo

Ayos ah! Pwede na pwede na.

"Galing ni ate dun sa part ko ah!" nagising na din pala si Paul.

"Uy ginaya yung second voice ko sa last part, naku O'tin yan sigurado" sabi ni Vester.

"Tara labas tayo, stalk natin si ate haha" pag aya ni Paul.

Si Jared at Joshua ay tulog pa din. Kaya kami na lang muna ang nagpunta sa may videokehan.

Si Jhanine pala. Teka lasing ba 'to?

Pero ang ganda ng boses niya ah?

Biglang pumalakpak si Paul.

"Woooh!! Ang galing mo ate kahit lasing!!" habang pumapalakpak si Paul.

Bago pa makalingon si Jaja ay nagtago ako sa likod ni Vester.

"Bakit nagtatago ka sa likod ko Benji?" sabay alis sa harapan ko.

"Hi" yun lang nabanggit ko.

"Benji? Kayo pala yan. Sila ba mga kaibigan mo? Hello sa inyo" bati ni Jaja.

"Ahh oo. Si Paul at Vester nga pala" pakilala ko sa kanila.

"Ahh baka nagtataka kayo, si Jhanine nakilala ko kahapon haha" teka mali pa ata pagkakasabi ko ah.

"Ahhhhh. Kaya ba basang basa ka kagabi? Hmmmmm" pang aasar ni Vester.

Paktay ka diha.

"Ang ganda ng pagkakakanta mo ng kanta namin eh. Birit na birit mo yung part ko na (Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko?
Kahit pa 'ko sumigaw ay malabo, malabo, malabo)" nagsample pa nga hays.

"T-teka kayo yung Almost Paradise?" patay.

"Ahh yes?" sagot ni Vester.

"HAHAHAHAH! 'Di niyo ba ako pinaglololoko? Lasing ako oo pero 'di kayo yun HAHAHA" lasing nga to.

"Pero hindi nga? Kasi idol ko mga yun eh. Gwapo mga yun. Pero ba't kayo di pogi? HAHAHA" lasing pa ba to o nang aasar.

"HAHAHAHA" sabay pang tumawa tong dalawang bugok na to.

"Kaya ba kinukwento mo kagabi na sabi mo "member ka ng Almost Paradise" kamukha niyo ba yun?" hinawakan mukha namin isa isa.

Nung ako na yung hahawakan niya ng mukha, umiwas ako.

"Patingin ng mukha mo Benji" utos ni Jaja.

"Gwapo ka pala. Matangos ang ilong. Sarap mag slide dyan?" curious na tanong niya.

Umiwas ako ng tingin.

"Una na ako sa inyo, baka gising na sila" at umalis na ako.

Pagdating ko ng kwarto ay nakita kong naghahanda na ng almusal sina David and Goliath este Jared at Joshua.

"Oh asan sila?" tanong ni Jared.

"Andun pa, nauna na ako umuwi. Tulog muna ako ulit" paalam ko.

At nakatulog na ako.

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now