Chapter 14 - Bad Timing

17 0 0
                                    

Benji's POV

Pagkasigaw ni Jaja ay bigla itong nalaglag dahil nagpanic ang kabayong sinasakyan niya.

Dali akong bumaba ng kabayo at inalalayan si Jhanine.

"Jhanine, ok ka lang ba?" tanong ko kay Jhanine.

"B-benji, yung paa ko. Ang sakit" reklamo ni Jaja.

"Nasprain ka ata. Teka tawagan ko si Joshua para makatawag sa emergency" sabi ko kay Jhanine.

**calling Joshua**

Pre.. tawag ka ng ambulance or kahit anong medic.. nalaglag si Jhanine sa kabayo. Na sprain ata. Masakit ang paa. Go faster pre.

At binaba ko agad ang tawag.

Hindi ko maigalaw si Jhanine agad at baka may iba pang masakit sa kanya.

After 10 mins ay may dumating na agad na rescue.

Sinundan namin ang sasakyan papuntang ospital.

"Pre ano bang nangyari bakit nalaglag si Jhanine?" tanong ni Joshua.

"Nagpanic yung kabayo niya. Nalaglag si Jhanine" paliwanag ko.

"Wrong timing naman oh" sambit ni Joshua.

Joshua's POV

Bukod sa kasama namin ang asungot na si Benji, ganito pa nangyari kay Jhanine.

Balak ko sanang sabihin yung feelings ko kay Jhanine kaso mukhang naudlot pa.

"Wrong timing naman oh" sambit ko.

Nakarating na din kami sa ospital at inaasikaso na siya ng mga nurse at doctor.

"Nagka sprained ankle po si Ms. Lopez. The healing process takes about four to six weeks. May nireseta na akong gamot na iinumin niya incase na sumakit ang ankle niya at sa maga" sabi ng doktor.

"Ms. Lopez, ito po ang reseta. If masakit po at hindi kayo makalakad, better to use yung saklay or tungkod para hindi mapwersa yung paa niyo po pag naglalakad. As much as possible po ay mahiga lang po sila" paliwanag ng doktor.

"Thank you po" sabi ni Jhanine.

"Tara uwi na tayo" pag aya ni Jhanine.

Ako na ang umalalay kay Jhanine dahil bitbit ni Benji si Ponkan at Black.

"Daan muna tayo sa pharmacy. Bilhin muna natin yung meds ni Jhanine pati na yung tungkod" sabi ni Benji.

"Ito card oh pambayad" habang binibigay ni Jhanine ang credit card niya.

"Nah. I will pay for it" sabi ni Benji.

Lumabas ng kotse si Benji at bumili ng gamot.

"Hayy. Sorry sa inyo ha. Imbes na masaya yung gala natin sa Tagaytay, ganito pa nangyari sakin" sabi ni Jhanine.

"It's okay. There's next time naman" sagot ko.

Nang nakabalik na si Benji sa kotse ay binigay na niya ang gamot at yung saklay.

"Thanks Benji. Bawi ako sayo next time" sabi ni Jhanine.

"That's fine. Magpagaling ka" sabi ni Benji.

Nauna ko nang hinatid si Benji sa condo niya.

"Bye Benji. Nakatulog na pala si Black" sabi ni Jhanine.

Sunod kong hinatid si Jhanine.

Inalalayan ko si Jhanine hanggang gate nila.

"Ok na ako dito Joshua. Thank you" sabi ni Jhanine.

Naglakas loob akong sabihin kay Jhanine nararamdaman ko sa kanya.

"Jhanine may sasabihin sana ako" sabi ko sa kanya.

"Ano 'yun?" tanong niya.

"Ahmm. Pwedeng.. " naputol ang sasabihin ko ng may tumawag sa kanya.

"Ahh teka tumatawag si Benji. Bakit Benji? Ahh oo nasa bahay na ako. Kakadating lang.. sige bye" sabi ni Jhanine.

"Ano nga ulit 'yon?" tanong ni Jhanine.

"Ahh wala wala. Sa sunod na lang hahaha" sabi ko at nagpaalam na ko kay Jhanine.

Jhanine's POV

Nakauwi na ako. Kailangan kong imessage yung secretary ko na 'di ako makakapasok sa office at mag wfh na lang muna ako.

Ms. Santos. I will be working from home for one month. If for approvals and need to be signed immediately, please send it to me sa Mckinley.  'Yung  portforlios ng mga mag apply for Operations Director position. Pakisabi na pagbalik ko na lang i-check. Thank you.

Nagpahinga na ako after ko ayusin ang mga gamit ko.

I'm so exhausted today.

Itulog ko na ito.

Save Me From The DarknessWhere stories live. Discover now