Benji's POV
"Pre, di ko susukuan si Jhanine. Not this time. I've known Jhanine since in Davao. Magkababata kami pero nagkasakit siya at hindi niya na ako naaalala. I want to be with her kaso nagpunta sila ng Canada. And now she's back, i don't want to let her go. But now she's pushing us away because of this" sabi ko kay Joshua.
"Ngayon lang kita nakitang nagkwento about past life mo. I will surrender for you brother, if sasaktan mo siya handa akong bumalik at agawin siya sayo. But for now, let her be muna sa pag move on sa boyfriend niyang namatay" sagot ni Joshua.
"Salamat Joshua" sagot ko.
Hindi ko inaasahan na magpaparaya si Joshua ng ganoon kabilis.
Joshua's POV
Kung nagtataka kayo bakit pinaubaya ko si Jhanine kay Benji. Not because of the feelings i have for Jhanine, but for my brother. Uunahin ko muna ang kaligayahan ng brother ko kaysa sa sarili ko. Lalo pa nung nalaman ko ang story nilang dalawa.
Kaya pala ganoon na lang ka affected si Benji kay Jhanine.
I'll still be here for Jhanine.. as a friend.
Jhanine's POV
Pag gising ko ng umaga buti naman ay payapa na ang bahay ko. Walang deliveries. Walang bisita.
Makakapag trabaho na ako ng maayos.
May nag doorbell. Lintek, kayo na naman ba 'to.
"Kayo na naman..." naputol ang nasabi ko kasi ang dumating ay ang magulang ko.
"Mommy, daddy andito kayo" sambit ko.
"Dito ka na pala nakatira Jaja" sagot ni mommy.
"Tu-tuloy po kayo" pag aya ko sa kanila.
Matagal na akong walang connection sa kanila since college.
Tapos ngayon magpapakita sila sa akin after all these years?
Para san pa? Dahil successful na ako?
Gusto kong manumbat pero hindi ko magawa.
"Anak, i'm here because i am sick. Sana mapatawad mo ako" bungad ni mommy sa akin.
Sick? As in sakit? Anong sakit?
"I have stage 4 breast cancer anak. After natin mawalan ng connection nung nag aaral kapa. Sumama ang loob ko nun at pinagsisisihan ko dahil hindi ko kayo sinuportahan. Pero pinatunayan mo sa akin na kaya mong makagraduate ng walang tulong mula sa amin ni daddy mo" paliwanag ni mommy.
"Mommy, bakit ngayon lang kayo nagparamdam. Naghahanap ako ng kalinga ng magulang lalo na nung namatay si Steven" sagot ko. Umiiyak na ako dahil sa mga kwento ko at kwento ni mommy.
"Sorry anak. Naospital ako after ilang months tayong hindi nakakapag usap. Labas pasok ako sa ospital at unti unting nauubos ang perang naipon namin ni daddy mo" kwento ni mommy.
"Sana mapatawad mo kami anak. I'm really sorry" hanggang sa nag iyakan na kami nila mommy at daddy.
Wala naman na akong hinanakit sa magulang ko. They are still my parents after all.
"Anak, sabi mo namatay si Steven? Kelan namatay?" pagtatanong ni mommy.
"Steven had a lung cancer. Noong nakapag tayo na kami ng ilang branch ng restaurant namin ay tsaka siya nagkasakit at namatay" naluluha na naman ako.
"Sorry anak. It was my fault" sabi ni mommy.
"Wala na sa akin iyon mommy. Let's just move on. Kumain na po ba kayo?" tanong ko.
"Kumain na kami anak" sagot ni daddy.
"For good na po ba kayo dito? I have extra rooms pa naman po" sambit ko.
"Oo sana anak. Nang makabawi man lang sayo anak. Tsaka alam kong di mo ko pababayaan" sabi ni mama.
"Syempre naman" sagot ko.
"If gusto niyo po manood ng tv, nood lang po kayo. Naka wfh po kasi ngayon. Na sprain po kasi ako pero pagaling na din" saad ko.
Masaya ako kasi buo na ulit ang family ko.
Kailangan kong magpatawad at mag move on para maging masaya na ako.
Steven, namimiss na kita.
Proud ka naman 'di ba?
YOU ARE READING
Save Me From The Darkness
RomanceIt is all about two people who have been in pain and living in the shadow. Will they overcome the sadness in their hearts? Aunthors note: Hello! Some of the scene are true story or inspired story of Felip/Ken Suson. But most of the story are from...